BRAVE
If pen is mightier than sword, then why do actions speak louder than words?
Kumakain nanaman siya ng isaw sa tapat ng tindahan ng school supplies malapit sa basketball court. Sa tingin ko, gusto niyang maglaro. Suot niya yung jersey ng tatay niya na oversized naman. Buti na lang flat chested siya kaya hindi awkward.
Cha. Tawag ko sa kaniya minsan Chicharon, minsan Chandelier. Minsan simpleng hoy o taba. Hindi kami close. Madalas lang kaming maglaro ng basketball. Minsan nakakasabay ko siya bumili ng isaw at tenga ng baboy dun sa ihawan. Tapos, mag-uusap kami. Minsan tungkol sa basketball, minsan tungkol sa Garena, minsan tungkol sakin. Pero malabo yung tungkol sa kaniya.
Ang alam ko 3rd year college na siya. Narinig kong sabi nung nanay niya noon, “Ikaw na lang nga bumili nung Technical Pen mo!” kaya sa tingin ko Engineering siya. Medyo nakakatawa kasi hindi naman obvious sa itsura niya na paraaral siya. Kung katulad siguro ako nung HS kong kapatid na palabasa sa Wattpad, iisipin ko gangster yang babaeng yan.
Tuwing lalabas siya sa bahay nila, nag-aalisan yung mga tambay. Yung aura niya kasi parang palaging galit na palaging gustong manakit. Ewan ko ba. Hindi siya kagandahan sa paningin ko. Pero kung babae ako, malamang maiinggit ako sa kaniya. Sa katawan, hindi gaanong payat, di rin mataba. Saktuhan lang. Maganda rin ang buhok niya kaso palaging nakaboknay. Ganda ng pilikmata niya, mahaba na makapal.
Hindi ko alam kung bakit naging ganyan siya. Anong ganiyan? Para siyang lalaki kung umasta. Hindi naman siya ganiyan dati. Mas kikay pa nga siya sa kapatid kong babae dati eh. Sabi nung chismosa kong kapatid, niloko raw nung boypren kaya nagpaka-tibo. Ewan, malay ko ba kung totoo. O baka naman nagpapaka-astig lang siya para sundin siya ng mga kapitbahay naming mas bata sa kaniya?
Hindi siya gangster ha, siga lang talaga.
Napag-desisyunan kong lumapit sa kaniya. Wala kasi akong makalaro ng Garena. Kulang yung taya ko. Masyadong maliit. Kailangan ko ng ka-team.
Siniko ko siya kaya napatingin siya agad, “Baket?”
Napaka-angas niya talaga. “Laro tayo.”
“Ng ano?”
“Garena.”
“Wala akong pera. Bukas na lang.”
Mga ganun. Ganun lang ang usapan namin. Hindi inaabot ng limang minuto. Walang ngitian o tawanan. Hindi nga kasi kami close. Hindi rin naman ako feeling close. Nilalapitan ko lang siya kapag may kailangan ako o kaya kapag kailangan niya ko.
“Oh! Gago ka ha! Travelling ka kupal!”
Wala kami sa Tondo pero siya ang Reyna ng Tondo. Yun ang tawag sa kaniya nung mga batang madalas maglaro ng batuhan bola sa kanto. Bukod sa sobra siya kung magmura, madalas din niyang paalisin yung mga bata para makapag-skateboard siya.
“Wala ka talagang pera, Cha-ynis garter?”
Tinignan niya ko ng masama, “Ulul. Kung may pera ako sa tingin mo nakatayo ako dito? Tsaka tantanan mo nga ako sa mga pangalan na yan!”
“Sayang. Laki pa naman ng taya nila Bano.”
“Magkano?”
“2k daw eh.”
“Ah.”
Tapos naglakad siya palayo.
Ganyan yan. Bastos. Palaging umaalis kapag kinakausap. Di naman siya lumayo. Lumipat lang siya ng pwesto. Iniiwasan niya ba ko? Tss… wala namang bago.