2 AM Thoughts

1K 20 4
                                    

Alas dos na ng madaling araw.

Eto nanaman ako... Iniisip ka nanaman.

Minsan, naiisip ko-tama na siguro. Minsan, napapangiti na lang ako dahil masyado na ata akong hibang. Bawat segundo ng bawat minutong lumilipas-ikaw lang ang laman ng isip ko.

Minsan gusto ko na lang isulat 'tong lahat; gusto na lang isa-kwento lahat ng 'to.

'Yun lang kasi ang paraan ko ng pagbitaw-ang pagsusulat.

Pero ayokong bumitaw.

Pero gusto kong isulat.

Ah, sige. Isusulat ko na lang kung bakit ayaw ko pang bumitaw-kung bakit ayaw ko pang makalimot.

Word 2013.

Blank document.

Nagsimula akong tumipa ng mga letra-2 AM Thoughts.

May mga bagay na sa sobrang mapait, ayaw mong makalimutan. Kumbaga, stocked knowledge. Kumbaga, guide. Para sa susunod na matanga ka nanaman, meron ka ng guide kung paano tumayo.

May mga tao na kailangan ng burahin sa buhay mo pero hindi mo magawa, kasi nanghahawak ka pa rin dun sa isang bagay-isang bagay na either tama o mali, but still worth holding on.

Sisimulan ko ang kwentong ito sa isang eksena-eksenang kahit kelan ay 'di ko makakalimutan. Eksenang kahit ata magka-amnesia ako, maaalala ko pa rin-dahil sa sobrang saya, kilig, lahat na.

"Ang tagal na kitang gustong makita," sabi niya nung una kaming nagkita.

Student teacher siya nung 2nd year highschool ako. Class monitor ako pero dahil na-confine ako sa hospital ng mahigit dalawang linggo dahil sa dengue, huling-huli na ako sa balita na may bago pala kaming student teacher.

Unang kita ko sa kaniya, kumabog lahat ng lamang-loob ko. Ang gwapo niya kasi. Siya 'yung taong kapag nakita mo, maa-attract ka sa kaniya in an instant. Ganda pa ng built ng katawan niya. Tapos brushed up 'yung buhok niya. Kung hindi nga siguro siya naka-uniform ng pang-student teacher, hindi ko naman aakalaing student teacher siya. Mukha kasi siyang mayamang negosyante.

Simula ng araw na 'yun, itinaga ko sa bato na palagi na akong papasok sa school. Bago kasi siya dumating, madalas akong absent. Kasi... wala lang. Nakakatamad lang.

Mabait siya, matalino tapos sobrang cute niya kapag nangiti-ang laki kasi ng front teeth niya. Tapos nawawala 'yung mata niya kapag ngumingiti. Hindi naman siya chinito pero ewan ko. Kapag ngumingiti siya, pati mata niya ngumingiti.

Tandang-tanda ko pa nung unang araw na nagkita kami. Right after class, tinawag niya ako sa harap at nakipag-high five. Nung puntong nag-dikit 'yung mga kamay namin, hah, alam ko na-na... hindi ko siya makakalimutan.

Tinanong niya ko, "What's up?" sabi ko naman, "Okay lang po," sabay ngiting saktong pabebe lang. Nakikita ko pa nga sa gilid ng mata ko kung paano ako tignan ng mga kaklase kong babae. Na para bang nanalo ako sa lotto at sobrang inggit na inggit sila.

Ayun, konting introduction lang sa isa't-isa. Eugene pala ang pangalan niya. Hindi ko na sinabi pa 'yung pangalan ko dahil alam niya na. Kahit isipin ko ngayon, sumasaya ako. Kung paano niya sinabi 'yung "Ang tagal na kitang gustong makita," na para bang magkakilala na kami dati at nalayo sa isa't-isa ng napakatagal na panahon.

Pagkatapos ng araw na 'yun, para bang may magic. Kahit saan kasi ako magpunta, andun siya. Naisip ko pa nga na baka na-love at first sight siya sa'kin tapos stalker ko pala siya. Pero naisip ko rin, sa sobrang layo ng estado namin, malayo naman sigurong mangyari 'yun. Isa pa, ang dami-daming kaagaw-agaw pansin na ibang estudyante. Bakit naman niya ako magugustuhan?

SHORT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon