Malamig ang simoy ng hangin. Makikita ang napakagandang buwan sa mabituing kalangitan. At heto ako, nagmamadaling umuwi ng bahay.
"Kuya, wala ka na bang ibibilis?" Tanong ko sa tricycle driver. Nakasakay ako sa likuran niya at nakadungaw. Pano ba naman kasi, 20km/h lang ang takbo namin!
"Alam mo ba miss kung bakit tumagal ng 20 years ang motor ko?" Ang sagot sakin ni manong. Gusto ko sanang sumagot na hindi ako interesadong malaman pero nanatili nalang akong tahimik. "Kasi tumatagal ang motor kapag mabagal lang ang patakbo," pagpapatuloy niya.
Napasapo nalang ako sa ulo, sabay silay sa relo. "Patay tayo Teumae," bulong ko nalang.
12 am na! Tiyak na kakalbuhin ako ni Daddy pag-uwi ko.
Isa pa, bukod sa takot kay daddy, may isa pang dahilan kung bakit hangga't maaari ay ayaw kong abutin ng ganitong oras sa daan.
"Eiinnnnnnnnng!" Malakas na ugong ng mga paparating na motorbike.
Sa sobrang ingay ng mga motor ay napatakip ako ng tenga. Kusa naring itinigil ni Mr.Tricycle driver sa tabi ang motor nang marinig ang maingay.
Isa isang um-overtake ang mga motor, ata kada overtake ay napapakapit ako ng mahigpit sa bakal ng side-car.
Ang mga kabataang ito na gumagala tuwing alas-dose ng madaling araw gamit ang mga maiingay at magagarang motor nila ay kilala sa pangalang, "12 am."
Sila daw ay mga motor gangsters na kinatatakutan dito sa aming bayan. Kung bakit sila kinatatakutan ay hindi ako sigurado. Pero malamang na alam na alam ng mga classmate ko ang sagot. Baliw na baliw kaya sila sa gang na yun! Palagay ko sila ang nga baliw. Wala silang ginawa kundi mag imbestiga sa isang gang na hindi hinuhuli ng mga pulis. Ayon sa chismis, tatak ng grupo na ito ang pagsisikreto sa identities ng bawat miyembro. Sabi ng iba, mga highschool students palang daw sila at baka malay namin, nasa tabi tabi lang pala ang ilan sa kanila.
"Mga bwuset sa lipunan!" narinig kong pag-curse ni Manong driver bago pinaandar muli ang tricycle.
Tama si Manong! Maituturing nga silang salot sa pag-unlad ng bayan!
Pero bago ko alalahanin si Bayan, kailangan ko muna atang alalahanin ang sarili ko. This is it! Nakarating na ko sa tapat ng bahay namin.
Ilang beses akong napabuntong hininga habang nag-iisip ng paraan kung paano makakapasok- makapasok ng kasing tahimik ng bihasang magnanakaw.
Bahala na!
Dahan dahan kong binuksan ang pinto gamit ang aking susi. Buong ingat akong humakbang papasok. Pero may narinig akong paparating!Kaya, nagmadali nagtago sa likod ng sofa. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko!
Sumilip ako para tignan kung sino yung pababa ng hagdanan. Bahagya ako nakahinga ng makitang si ate lang pala ito.
Buti nalang at itong unsensitive person yung bumaba. Kung si Mama yan, baka amoy ko palang, buking na. Maisip ko palang kinikilabutan na ko.
Pinanood ko si ate na binuksan ang ref nang nakapungay ang mga mata. "Tubig! Tubig!" ungol niya. May kinuha siyang bote.
Medyo madilim na kaya di ko sigurado, pero bakit parang bote 'ata ng sukang sasa ang kinuha niya sa halip na bottled water?
Hinampas hampas ko ang tuhod dahil sa ngawit habang hinihintay si ate na umalis. Nang bigla nalang syang napasigaw.
"Wahhh! Pwehh pwehh!" sigaw ni ate. Anong nangyari dun? "Kainis! suka pala 'to!" reklamo nya.
YOU ARE READING
Who am i?
Teen FictionTeumae is a high school girl student suddenly involve in a famous secret identity gangster called "12am". The leader of this gang always protect her, even though he hides his identity by wearing a helmet. Falling in love with a gangster, who didn't...