Chapter 5 "Guitar"

346 49 13
                                    

Anong ginagawa mo sa taas ng puno Ahalki ?” nagtataka kong tanong habang nakatingala at nakatitig sa kan'ya.

Pero hindi s'ya sumagot. Sa halip at tinitigan lang n'ya ako, taglay ang mukha na hindi ko mabasa ang emosyon.

Hindi mo ba ako naririnig? Kako, umaano ka d'yan? Tsaka, sayo ba galing 'tong airplane na 'to na may kung anong nakasulat ha?” tanong ko pa uli.

Again, he didn't answer.

Hoy, hindi ka ba sumasagot dahil galit ka pa sakin?! Ano ba kasing ginawa ko at gan'yan ka!?” pikon na pikon kong tanong.

Nakakainis na kasi e. Nagtitimpi nalang ako, pero ang totoo napipikon na ko sa pagiging mailap ni Ahalki sa akin ngayong araw. Di man lang n'ya ipaliwanag kung bakit!

Hoy Ahalkiiiiiiiiii!!!” talagang pikon na pikon ko ng sigaw sa kaniya. Halos mapahingal na ako at mamula sa galit habang tinititigan ko siya ng masama.

Ngunit, kahit pinakita kong galit na galit na ako ay nananatiling seryoso ang mukha ni Ahalki. Umiba sya ng tingin at bumaba sa puno.

Nagulat ako kung paano sya bumaba sa puno. Kasi, ang kilala kong Ahalki ay lampa at matatakutin. Kaso, ayoko sanang aminin, pero  nung bumaba sya, ang astig at cool n'yang tignan. I was in awe, tulala sa kaniyang direksyon.

A-Ahalki,” nauutal kong pagtawag resulta ng pagkamangha sa kanya.

Nanatili syang nakatalikod sa akin at hindi man lang lumilingon. “Itapon mo yang papel,” sabi n'ya. Pagkatapos ay tumakbo ito paalis.

Gusto ko syang sigawan ngunit, hindi ko na nagawa. Dala ng pagtataka sa mga ikinilos at isinalita niya ay napatingin nalang ako sa paper airplane na hawak ko.

I read it again. “Sister or woman?”

Hindi kaya, may nagugustuhan si Ahalki ngayon?

Kung mayroon man, sino?

Time passes by on this day.

Araling panlipunan ang last subject namin sa araw na ito. At ito ang pinakafavorite kong subject. Kaya naman, todo ang pagsisikap ko na laging maging best in A.P kada grading period. Ewan ko ba, sadyang mahilig lang ako sa history. So, kapag Araling panlipunan time, talagang nakikinig ako ng mabuti. Kasi after discussion, nagpapaquiz na agad si sir para daw tumatak sa amin yung natutuhan namin.

Pero malaki ang problema ko ngayon. Hindi ako makapagpokus sa discussion kasi, nakapokus lang ang tingin at isip ko dun sa kakaibang lalaki sa 2nd row. Walang iba kung hindi si Ahalki.

Kada subject kasi namin, nag-iiba kami ng katabi. So Kada iba ng upuan, isa lang ang tinitignan ko. Pero, kahit parang lalabasan na ng laser yung mata ko, hindi man lang lumingon pabalik yung Ahalki na yun. Hmp.

Ano kaya talaga yung ibig sabihin nung nakasulat sa papel?

Ang kutob ko, babae ang dahilan kung bakit sya nagkakaganyan.

Hindi ko tuloy naiwasang mapalingon sa katabi ko. Sya si Cazey – ang pinakamagandang estudyante na nag-aaral sa school na ito. Lahat ata ng mga lalaki , sya ang first love. Sino bang hindi magkakagusto sa kanya, e ang ganda ganda nya? Isa pa, hindi sya flirt, kaya hinahangaan ko din sya bilang babae. Kahit na maraming nanligaw sa kanya, deadma lang. Kung tungkol sa background nya, hindi ako sigurado.

Huwag mo kong titigan, awkward,” narinig kong sabi nya habang hindi inaalis ang tingin kay Sir.

Hala! Nakatitig na pala ako sa kanya ng todo. Kakahiya naman!

Who am i?Where stories live. Discover now