Kailan kaya magigising si Ahalki?
Nagmamadali akong naglalakad papunta sa room ni Ahalki nang kusa akong mapahinto dahil nagkasalubong kami ng papa niya. He came. sa bagay, kahit na hindi sila mukhang close, at kahit na parang wala siyang pakielam sa sarili niyang anak, dapat lang na puntahan niya si Ahalki sa ganitong sitwasyon.
"H-Hello po," I greeted as I bowed my head. Sinilip ko ang reaksyon niya. He looks pale.
"Kamusta? Malala ba ang kalagayan ni Ahalki?" he asked. Ibig sabihin hindi pa siya dumadalaw sa room niya?! Grabe.
"Pasensya na po. Wala ako sa lugar para sabihin 'to. Pero bilang ama ni Ahalki, napaka-iresponsable niyo po."
Bahagya siyang napalaki ng mata dahil sa gulat. "H-Huh?"
"Bilang magulang niya, dapat na mas alam niyo ang kalagayan niya kaysa sa akin. Ginagalang ko po kayo, pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit nagkaganito si Ahalki." Humakbang ako palayo ngunit...
"Malaki ang galit ko..." ang sabi niya na nagpahinto sa akin at nagpalingon pabalik. "Sa nanay niya."
Sa nanay ni Ahalki? 'Yung babae sa litrato na itinatago nila Mama at Papa. May kinalaman ba ito sa hinala namin na magkadugo kami?
"Aksidenteng nabuntis ang nanay ni Ahalki, I was a college student that time when I met her. At iyon ang panahon na halos gustuhin na niyang mamatay dahil sa aksidenteng nangyari. Pero wala siyang choice kung hindi pakasalan ang lalaki na nakabuntis sa kaniya, kahit na mayroon siyang ibang nagugustuhan," he shared.
Halos hindi ako makaimik dahil sa pagkagulat sa lihim na nakaraan ni Ahalki. I didn't imagine na ganito kasalimuot ang istorya niya.
Huminga siya ng malalim saka nagpatuloy sa pagkwekwento. "Her husband gave everything he could offer. Money, attention and love. Hanggang sa isinilang si Ahalki. Akala namin, siya na ang way para maging maayos ang relasyon nilang mag-asawa. But whenever her mom saw him, she did everything para ipagtabuyan siya. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit sila palaging nag-aaway, lalo pa't mahal parin ng nanay niya ang first love niya. Until, the two got in an accident while fighting over that guy. Nandoon ako nang mangyari iyon, at ako lang ang naka-survive." He looked at me and smiled. "I really hate her, and whenever I saw Ahalki, naalala ko kung gaano niya pinahirapan ang asawa niya at palagi kong sinisisi na siya ang dahilan kung bakit sila namatay."
YOU ARE READING
Who am i?
Teen FictionTeumae is a high school girl student suddenly involve in a famous secret identity gangster called "12am". The leader of this gang always protect her, even though he hides his identity by wearing a helmet. Falling in love with a gangster, who didn't...