Chapter 11 "Leader"

321 49 4
                                    


Teumae's Pov

“Si...sino ka?!”

Hinugot ko ang aking buong lakas upang itanong ito sa kaniya – ang lalaking nakatago ang katauhan sa isang helmet, ang lalaking sinasabing leader ng ‘12am’ motor gangster, ang lalaking nagligtas sa akin, ang lalaking unti-unti kong minahal kahit na hindi ko batid ang kaniyang katauhan, siya na pumrotekta sa akin. Sino siya?

At,

Ano ako sa kaniya?

“Who am i?”

Dahan-dahan siyang lumingon, suot ang kaniyang helmet. Aking natatanaw ang kulay kahel na papalubog na araw mula sa kaniyang likuran. Kahit nasisilaw ay sinisikap kong huwag alisin ang 
tingin sa kaniya.

“Ako ay...” sambit niya na nagpabilis ng tibok sa aking puso.

Ito na ba ang panahon? Ang panahon kung saan, ipapakilala na niya sa akin ang kaniyang katauhan?

Sinumulan niyang hubarin ang suot na helmet, na waring napakabagal na pangyayari sa aking paningin. Kasabay ng bawat segundo ang malalalim na paghinga na aking inilabas.

Ngunit, nang sandaling tanggalin na niya ito ay bigla nalang nanlabo ang mga mata ko.

Anong nangyayari?

Bakit wala na akong makita?

Leader?

Leader?

Leader?!

“Leader!!!”

Puting kurtina, mga libro at isang lampshade na nakapatong sa lamesa ang aking kasalukuyang nakikita.

“Hah, huh, haaah, huh,” mabibigat na paghinga na nagmumula sa akin.

Ako ay...?

Nasa sarili kong kuwarto?

I look at my surroundings. Tama! Nandito nga ako sa kuwarto ko at kasalukuyang nakaupo sa higaan. O? Panaginip? Panaginip lang ba ang lahat?

Mariin kong hinawakan ang dibdib, gamit ang magkabilang kamay.

“Hoooo,” i breathe out, “Panaginip lang pala.”

When i about to step down from my own bed ay may kakaiba akong naramdaman sa paligid.

O? May nararamdaman akong gumagalaw. Hala! Ano yun?!

Dahan-dahan akong napatingin sa kaliwang bahagi ng aking kuwarto kung saan may narinig akong mga kaluskos. Huwag naman sanang...

Napakagat ako sa labi at nanalangin ng nanalangin.

Wa...wala naman sigurong multo sa umaga, hindi ba?

I fist my hands bago tumayo at silipin ang kasuluk-sulokan ng aking silid. At... ilang iglap lang, kumalma narin ako. Pambihira naman o!

“Ate!” i shouted.

Pagkasigaw ko ay napatayo naman ang salarin na kanina pa nagtatago. Pambihira si ate o! Siya lang pala yung naririnig ko kanina na kumakaluskos. Teka, e anong ginagawa niya sa kuwarto ko? At bakit siya nagtatago.

“O Te...teumae, gising na pala you? hehehehehe,” nauutal niyang pagbati sabay may itinago sa likod. E?

“Anong tinatago mo sa likod?”

“Wa...wala ‘to.”

“Ate,” nameywang ako para ipakitang kilalang kilala ko siya.

Sa wakas, sumuko narin naman ang loko. Ipinakita lang naman niya na hawak hawak niya ngayon ang paborito kong pink mini dress.

Who am i?Where stories live. Discover now