Chapter 16 "Two Ideas"

399 49 10
                                    


Hindi maluwag ang daan, pero para sa amin ni Ahalki, na bukod tanging naglalakad sa gitnan nito, ay malaki na ito.

Wala ni isa sa amin ang may lakas ng loob na mag-salita. Paano ba naman kasi, kagagaling lang namin sa school, mula sa comfort room ng mga lalaki, at katatapos lang naming magkahalikan at mag-aminan ng nadarama. Siyempre, awkward 'no!

Kapag tumitingin siya at napapalingon naman ako, umiiba siya ng tingin. Ganun din naman ako, kapag ako naman ang sumusulyap at nahuli niya, titingin kunwari ako sa langit at magpapatay malisya; Iyan ang paulit-ulit naming ginagawa habang naglalakad at parehong nangangamot sa batok. Idagdag mo pa ang tensyong nararamdaman ko sa tuwing magkakatama ang mga balikat namin!

Para akong kinukuryente at naghihingalo sa kaba!

He and I were bestfriends, but not anymore. Ang alam ko lang, mahal namin ang isa't isa.

Sa gitna ng malalim na pag-iisip ay naramdaman ko nalang ang mainit na palad ni Ahalki sa mga kamay ko. I looked at him and check his reaction. Pero nakatingin lang siya sa langit at nag-uboubohan lamang: "Ahem!"

Hindi ko nakikita ang sarili kong mga pisngi pero alam kong namumula na itong tulad ng mga kamatis.

Finally, he looked at me. And when he saw my reaction, he locked his hand to mine. "Matagal ko nang gustong makipag-holding hands sayo while walking," he reported. "Ngayon nagawa ko na," he added as he smiled at me.

My goodness! Kung bibilangin ko kung ilang beses na ba ngumiti si Ahalki sa akin since we were young, aaminin kong mga nasa libo na iyon. But his smile today is different for me. Nakaka-fall! Kailangan mawala ang ngiti niya bago pa ako mahimatay sa kinatatayuan ko.

"Paano naging leader ng gangster ang katulad mong lampa?" I asked. Kaya naman biglang nawala ang ngiti niya.

"Hindi ako lampa. I can protect myself, at lalo nang kaya kitang protektahan."

"Sus. E 'di ba mula nung mga bata tayo, masyado kang matatakutin? Lalo na sa mga insekto."

"Hoy, magkaiba ang pagiging lampa sa pagiging matatakutin sa insekto. Oo aaminin ko na mas maton ka pa sa akin dati. Pero ngayon, iba na ako. Hindi mo ba naaalala kung paano ako nakipaglaban mag-isa sa tatlong lalaki?"

"Naalala ko," nakanguso kong sagot.

"Tsss," tugon niya.

"So, paano nga?"

"Ano ba?"

"Ikaw, paano?"

" 'Yung ano ba? Gulo mo Tumae."

"I mean, bakit? Paano ka naging leader ng isang gang? Paano naging leader ang dating lampa?"

"Hmmm, tama ka. Napakalampa ko rati. Noong bata pa tayo, hindi man kita maipagtanggol sa aso ng kapitbahay niyo. Tumakbo ako noon, nakagat ka tuloy at nabaliw."

"Yah!!!" Hinampas ko siya sa balikat. Kainis!

"Aray!" reklamo niya bago nag-peace sign. "Joke." At nagpatuloy na siya sa pagkukuwento. "12 am gang is not a gang actually. Gang lang siya sa pangalan pero hindi kami gumagawi like one. Aksidente lang kaming nabuo, dumami at gumawa ng pangalan habang itinatago ang sarili sa mga nakakakilala sa amin. In short, hindi kami gang kun'di mga kabataang rebelde."

I turned my head to his sorrowful eyes. Naiintindihan ko kung bakit gusto ni Ahalki na magrebelde. Dati palang, I found it weird na masunuring bata ang kaibigan ko. Kaya siguro noong una, itinago niya sa akin ang tungkol sa 12am dahil ayaw niyang masaksihan ko ang kaniyang pagrerebelde.

"Other gangs treat us as their enemy. So dahil lagi kaming nasusuong sa gulo, wala kaming choice kun'di masanay sa pakikipag-bubugan. Kaya naging ganito kami ngayon. Dahil sa sanay na kami, at ayaw naming magasgasan ang mga gwapo naming mukha, tssss, lalo na si Tim. 'Yun nga, dahil sa mga dahilang iyon, gumaling kami sa pakikipag-laban."

Who am i?Where stories live. Discover now