Chapter 18 "This or that?"

191 23 1
                                    

Teumae's Pov

When was the first time I saw Ahalki as a man in my eyes?

Akala ko noong sinapo niya ako nang noong nasa harap kami ng barbeque-han at muntikan nang mahagip ng mabilis na bisikleta.

Pero ngayong tumatakbo ako patungo sa hospital, hinihingal at kinakabahan, narealize ko kung kailan eksaktong nangyari na nakita ko siya bilang lalaki, hindi bilang isa lamang matalik na kaibigan.

Nagsimula ito nong nagkunwarian akong naghihingalo sa harap niya kaya naman binigyan niya ako ng CPR, which was not a CPR but actually a kiss. Oo, aaminin ko na malaki ang naging epekto sa akin ng pangyayari na ilang taon na ng nakalilipas. Ngunit, minabuti ko noon na huwag ng pagkaisipin ang pangyayari na iyon at balewalain. Sino bang mag-aakalang darating ang panahon na ma-i-inlove pala ako sa kaniya?

Huli na ba ang lahat?

Kung dati pa sana ay pinagpatuloy ko ang nasimulang nararamdaman, mas matagal ba sana ang panahon na magkasama kami hindi lang bilang magkaibigan kundi bilang magkasintahan? Magkasintahan na bawal sa paningin ng iba?

Huli na nga.

Bakit?

Dahil heto siya sa aking harapan, nakahiga sa kama, wala ng buhay at nakatakip ng puting kumot ng hospital.

Kusang tumulo ang dalawang patak ng luha mula sa aking mga mata. Kasunod nito ang paghihingalo at paninikip ng aking dibdib; hindi parin ako makapaniwala!

Dahan-dahan akong lumapit, pero kusang bumigay ang aking mga tuhod anupat napaupo ako sa malamig na sahig. Waring umugong ang tunog sa paligid pati narin ang iyakan ng mga tao sa aking likuran.

Nananakit ang aking mga lalamunan at ilang sandali pa ay tanging pangalan nalang niya ang lumabas sa aking bibig habang lumuluha.

"Ahalki!"

"Leader!" sigaw naman ni Tim na kapwa ring nakaluhod at nakayakap sa taong aming tinatangisan.

Hanggang sa...

"Krrrrkklllllhhhssss," isang tunong ng hilik na nagpahinto sa aming lahat.

Hilik? Tama! Isang hilik na nagbigay sa amin ng pag-aasa!

Agad na ibinaba ni Tim ang puting kumot at sumambulat sa amin si Ahalki na malalim ang tulog, nakaganga, naghihilik at nakatanggal ang IV needle; pati narin ang kung ano ano pang linya na naging paliwanag kung bakit tuwid ang kaniyang life line!

Nakakabwusit! Buhay pa pala siya! Gusto ko siyang alugin at sapakin dahil sa tuwa! Pero napaiyak nalang ako habang nakatakip sa bibig.

"Sira ulo. Kinabahan ako,"reklamo ni Ayl na nagpupunas ng mga mata. Umiyak din pala siya.

Maging sila Casey, Rom at Doll ay nagpupunas ng mata at halos mapamura.

Who am i?Where stories live. Discover now