Chapter 6 "Handkerchief"

319 48 11
                                    

Nasa harapan ako ng pinto papalabas nang aming bahay. Matapos ang ilang minutong pag-aagam agam ay nakapagdesisyon narin akong bumaba at maglakas loob na harapin ang kung sinumang 12am member na nakatanaw sa akin mula sa kwarto.

Just who is he? 

Si Ayl? Yung hinala kong si disposable Fork? Or ang... leader nila?

Pero kung sino man s'ya, ano namang kailangan nya sakin?

Whoever he is, hindi na ako pwedeng umatras.

I cheered myself for the last time before I opened the door.

Matapos ang limang hakbang papalabas ay naaninag ko na ang lalaking naghihintay sa akin. Kahit nakahelmet  s'ya ay ramdam ko ang kaniyang mga titig na sumusubaybay sa saking bawat galaw.

My chest feels so tight.

Ano pong, kailangan nyo sa akin? Mister?” tanong ko. Pamilyar sa akin ang suot niyanv helmet. Ito yung helmet na suot ng naghatid sa akin noon sa bahay. Then, he is really their leader!? “Leader?” I tried to call him.

Kagisa-gisa ay naglakad na s'ya papalapit sa akin. Kada hakbang naman niya, ay sya kong pag atras mula sa aking kinatatayuan.

“B-Bakit? A-Anong kailangan ninyo M-Mr. leader?” nauutal kong tanong habang umaatras.

Sandali nga lang. Bakit parang may kung ano sa loob kanang sapatos ko? Ginalaw ko ang mga daliri sa kanan kong paa  at may kakaiba nga akong nakapa.

“Wait!” senyas ko sa papalapit na leader ng 12am.

Kaya kahit  mukhang nagtataka ay huminto nalang s'ya sa paglapit.

Hinubad ko ang kanan kong sapatos at sinilip kung ano 'yung malambot na bagay na nakakapa ko sa loob. Kaso madilim kaya di ko makita. Kinuwit ko nalang gamit ang kaliwa kong kamay ang kung anong bagay na nasa loob. Malambot it at medyo malamig.

Hinatak ko ito papalabas at itinaas.  Nanlamig ang tiyan ko at nanindig ang balahibo! “Waaaaaahh!” I shouted.

Yung nasa loob ng sapatos ko at yung bagay na hinawaka’t itinaas ay isang palaka!

Sa gulat at takot ay naihagis ko kung saan ang nakakainis na palaka na iyon.

I really hate frogs. Not as a human-animal relatioship. Sadyang natatakot lang ako sa 'itsura nila. Reptiles are my weakness.

Matapos ang ilang segundong panginginig at paghingal dahil sa takot ay napalingon akong muli sa leader ng 12am na malamang, nagulantang sa O.a kong pagkilos.

So I forged a cough. "Ahem. Pasensya na. Ahmm, kasi, yung palaka nandoon sa-” paliwanag ko sana. But when I lifted ng eyes, I saw the frog  sitting above his helmet.

Patay!

“May...may...may...” nanginginig kong pahiwatig habang nakaturo sa tuktok ng helmet nya. “Y-Yung palaka! Nasa tuktok ng helmet mo!”

Hindi man siya sumigaw pero halata ko sa kilos niya ang pagkatakot. Para siyang mannequin na na-stroke.

Hindi ako makapagdesisyon kung lalapit ba ako at tutulungan s'ya dahil nandidiri ako.

Then he pointed me, and pointed his helmet. Parang inuutusan niya ako na tanggalin ang palaka sa ibabaw. Hindi ako makalapit kaya siya na mismo ang naglakad papalapit na tarantang taranta.

"A-Ayoko!" Pagsuway ko na umaatras palayo.

Bigla namang tumalon pababa ng kusa ang palaka. He doesn't know it. Para tuloy siyang tanga na pumapadyak padyak.

Who am i?Where stories live. Discover now