Ahalki's Pov
10 years ago, pumasok ako sa isang bahay habang nakahawak sa laylayan ng damit ng aking tatay. I am very small and need to lifted my head just to see my father's face. Hindi ko alam kung kaninong bahay ang pinuntahan namin o bakit kami tumungo roon. Ang alam ko lang, pumasok ako sa isang bahay na matatawag talagang tunay na tahanan.
May mga picture ng buong pamilya na nakadisplay at gusto ko ang pakiramdam ng paligid. Kahit mura pa ang aking isipan, alam kong matinong pamilya ang nakatira roon, isang pamilya na pangarap ko.
"Bakit tayo nandito?" tanong ko kay daddy. Pero hindi siya sumagot at ibinitiw lang ang mga kamay ko sa laylayan ng kaniyang damit.
Maya-maya ay may lumabas na isang lalaki, at isang babae na humarap sa amin. They looked at me from head to toe, na para bang ini-scan nila ang buo kong pagkatao. I know that I am too young to understand kung ano ang nangyayari. Kaya minabuti kong sundin ang senyas si daddy na tumungo muna sa direksyon na tinuro niya -- ang likod bakuran.
I went to the backyard with light step. Until, I saw a girl playing with her dolls by herself.
"Oh? Hello," she waved at me and smile. Feeling close agad? Hinatak niya ako papunta sa mga laruan niya at binigyan ng isang doll sa kamay. "Laro tayo ng doll. Ang pangalan ng doll ko, Mimi, ikaw naman si Teressa."
Isang akong lalaki at kinasusuklaman ko na makahawak ng manika. Kaya naman, kahit hindi ko intensiyon ay naibato ko ang doll na binigay niya.
"Hoy! Bakit mo binato?!" Agad niyang pinulot ang manika at masamang tumingin sa akin.
"Hindi ako babae para maglaro ng ganiyan," ang sabi ko.
"Oh? L-Lalaki ka pala?" She looked at me from head to toe. Mukha ba akong babae? "Akala ko babae ka. Kasi ang liit ng mukha mo at parang bao ang buhok mo. Akala ko tuloy girl ka, sorre."
Kasalanan ko bang masyado akong gwapo para mapagkamalang babae at kasalanan ko rin bang ganito ang usong buhok noong 1990's para sa mga batang lalaki?
"Teumae ang pangalan ko. Ikaw boy?" She asked.
"Ahalki."
"Oh Ahalki." She continued in playing her dolls. May plano na sana akong umalis nang mapahinto ako dahil napansin kong may kinakalikot siya sa loob ng sapatos niya. "Ano kaya itong malambot at malamig na bagay sa loob ng sapatos ko?" she asked herself. Hinubad niya ang sapatos at inilagay ang kamay sa loob.
Dahil sa sobra akong na-curious kung ano nga ang bagay na tinutukoy niya ay pinagmasdan ko ang bawat kilos niya. Hanggang sa nang itaas niya ang kaniyang mga kamay ay nakakita ako ng isang panget na-- "Palaka?"
"Waaaaa! Palaka!" she shouted at inihagis ang palaka sa direksyon ko.
"Waaaaaaaaaaa! B-Bakit mo hinagis sakin?!" reklamo ko habang nagtatalon.
"Sorry!" natataranta niyang paumanhin habang hinahanap kung saan napunta ang inihagis niyang palaka.
Saan nga ba napunta 'yun? Pati ako ay nakihanap din. Pero nawala ako sa wisyo ng makarinig ng malakas na ,"Kokak" sa bandang itaas.
Nanalangin ako na sana, hindi totoo ang naisip ko na baka nasa ulo ko ang palaka. Pero--
"Hala! Nasa ulo mo Ahalki!" sigaw nung babaeng parang "Tumae" ang pangalan.
Sa sobrang takot ay napatakbo ako ng pa-ikot ikot at nag-mala rakista sa pag he-headbang, maalis lamang ang palaka sa ulo ko.
"Tulungan mo 'ko!" pagmamakaawa ko. Pero nakita ko nalang siya na tumatawa at namimilit ang tiyan. Kaya napahinto ako at napatitig.
YOU ARE READING
Who am i?
أدب المراهقينTeumae is a high school girl student suddenly involve in a famous secret identity gangster called "12am". The leader of this gang always protect her, even though he hides his identity by wearing a helmet. Falling in love with a gangster, who didn't...