Chapter 14 "A Girl and A kid"

359 45 11
                                    

Teumae's Pov

Paikot-ikot ako sa kama at hindi makatulog. Hindi mawala sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Ayl sa park, habang hinihintay kong bumalik si Ahalki na bumili ng bottled water.

Nakita kong umilaw yung cellphone ko. Actually, kanina pa ito nagba-vibrate. Kinuha ko ito at binuksan. 17 missed called and 17 messaged from Ahalki.

Huh, sabi ko na nga ba, siya yung kanina pang tumatawag. Pero bakit nga ba ayoko itong sagutin o replyan?

i just don't want. Inuutusan ako ng damdamin ko na sagutin siya, pero pinipigilan ako ng isip ko na gawin ito.

i confessed to myself that i already falling for my bestfriend. Pero dahil sa mga sinabi sa akin ni Ayl tungkol sa bestfriend ko, nag-agam agam na naman ako. Paano kung totoo ang sinabi niya? Paano?!

Nakaramdaman ako ng sakit ng ulo at kirot sa lalamunan. Gusto ko pa sanang pumunta sa kusina para uminom ng tubig. Kaso, tinamaan na ako ng antok.

"Teumae! Teumae!" ang narinig kong sigaw na unti-unting nagpagising sa akin.

Kaso, sobrang bigat ng mata ko! At ang malala, parang pinukpok ng sampung libo, animnaput pitong daan at isa ng martilyo ang ulo ko sa sakit!

"Teumae, hindi ka ba papasok?"ang narinig kong tanong sa akin.

PInilit kong buksan ang mga mata at nakita si ate.

"Ate, anong oras na?" tanong ko na medyo nanghihina. Gosh, hindi ko kayang bumangon!

"O? Okey ka lang ba Teumae? Ang tamlay mo," ang sagot ni Ate, at naramdaman ko nalang hinawakan niya ang pisngi at noo ko, "Hala! May lagnat ka!"

Lagnat?! Oh no!

"Teumae! Wag ka munang mamamatay, tatawagin ko si Mama, huh?"ang sabi ni Ate bago ko naramdaman ang pag-alis nito.

O.a si ate a.

Hay, siguro, kaya ako nagkaganito dahil hindi ako uminom ng tubig pagkatapos kumain ng ice cream. Tinakasan ko kasi si Ahalki e. Yan tuloy, ang aga kong pinarusahan. Speaking of Jeonghan, hindi ko pa pala nababasa ang mga text nya sa akin kagabi. Ano kaya ang mga sinabi niya? Nag-alala kaya siya?

Pabebe pa kasi ako e! isang reply lang naman, hindi ko pa magawa. Tapos, ngayon, mukhang hindi pa kami magkikita. Teka, hindi ba magandang bagay na hindi kami magkikita? But, bakit namimiss ko na siya agad?! Ang gulo gulo ko!

Dumating na si ate na kasama si Mama.

"Nilalagnat ka Teumae?" tanong ni Mama bago humaplos sa noo ko.

"Ma, hindi ko po kayang pumasok ngayon," ang tugon ko.

"Tama, wag ka munang pumasok. Magpahinga ka muna. Teka, ipagluluto kita ng lugaw," ang nag-aalalang sabi ni MAma bago nagmamadaling umalis.

Antok na antok ako!

"Gusto mo, pumunta ako sa school mo para ipagpaalam ka?" tanong ni ate. Kaso, hindi na ako makatugon dahil sa antok at sakit ng ulo.

Nakarinig nalang ako na nag-ring ang cellphone ko at sinagot iyon ni ate. Sino kaya yung tumawag? Bahala na, hindi ko na kaya, matutulog muna ako.

...

I slowly opened my eyes.  Sa wakas, nakaramdam ako ng kaginhawaan. Tumingin ako bahagya sa desk sa tabi ko. Nakita ko yung mga towel, tubig, gamot at isang mangkok ng lugaw. Siguro nung natutulog ako, hindi ko namamalayan na inaalagaan ako ni Mama.

O? Parang ramdam ko na may nakatingin sa akin. Si mama kaya ang nakaupo malapit dito sa higaan ko?

I looked at her.

Who am i?Where stories live. Discover now