Ang unang araw sa school na wala si Ahalki ay talaga namang nakakaboryo. Wala pang bente kwatrong oras ang nakakalipas mula ng huli ko syang nakita. Pero ramdam ko na ang pangungulila sa bakla na iyon. Asan na kaya siya ngayon? Nakalapag na kaya ang eroplano sa ibang bansa? Hindi man lang kasi siya nag-email , chat or text. Hmp! Bahala siya! Ma-mi-miss niya ako!
I won't ever miss him. Ever!
Itaga pa sa bato!
"Nami-miss ko na siya," pag-amin ko habang naglalakad. Dakila ka talaga ng marupok Teumae.
Ayaw ko sanang aminin pero miss ko na nga si Ahalki. Wala na kong maasar, wala na kong maninjja moves, at wala na kong...
‘boogghs’
Aray! Tumama sa kung ano ang malapad kong noo. Saan kaya ako nauntog? Ang sakit 'nun ah.
“Ay sorry miss,” a guy apologized to me. Nilingon ko ito at nakitang may bitbit siyang flower base na sa hinala ko ay ang salarin ng namumula kong noo. “Bute nalang kahit matigas yung head mo miss, hindi nabreak yung flower base na handle handle ko. Dadalhin ko pa naman ‘to sa principal office,” masaya nyang sambit na parang wala naman sa mukha nyang nag-alala sya sa akin.
Taglish ah. Infairness cute siya.
“G-Ganun ba? Sori naman,” naiinis kong tugon sa sinabi nya.
“Anyway, kakatransfer ko lang dito. Alam mo ba kung saan ang office ni principal?” tanong niya habang patuloy na nakangiti ng nakakaloko sa akin.
“Yung office ng bruhang babae na mukhang witch na nagsumpa gamit ang kanyang patpat kaso sa di inaasahang pangyayari ay sa kanya tumama ang spell at naging palaka?” pagdedescribe ko sa principal ng school na ito.
“Ha? Bruhang babae na look like a witch na nagsumpa using her patpat but unfortunately, ay sa kanya tumama yung spell and she became a frog?”
Pansin ko lang, parang hirap siya mag-tagalog.
“Yup, a frog, bu-ll-f-rog. Hindi mo sya kilala?” I explained.
“Eh ako kilala mo ko?”he pointed himself. "Ako lang naman ang apo nung bullfrog.”
YOU ARE READING
Who am i?
Teen FictionTeumae is a high school girl student suddenly involve in a famous secret identity gangster called "12am". The leader of this gang always protect her, even though he hides his identity by wearing a helmet. Falling in love with a gangster, who didn't...