Teumae's Pov
May allergy ako sa pusit.
Actually, nadiscover ko lang at ng pamilya ko ang tungkol doon, when i was in first year high school. Nagluto kasi si mama ng adobong pusit as our breakfast. Hindi kasi uso ang tinapay at kape sa amin kapag umaga.
Pagkatapos kong kumain, namula ang buo kong katawan, tapos nagkapantal-pantal ko. Hindi narin ako makahinga ng maayos nun kaya sinugod na nila ako sa hospital.
Edi, hindi ako nakapasok! Sarap tuloy ng buhay sa hospital. Naka-aircon, may pagkain na katabi at panood-nood lang ng t.v.
[flashback=
Nang nagtext bigla si ate sa akin.
“Teumae, tinext ko si Ahalki na nahospital ka. Malamang papunta na yun diyan na kabadong-kabado. E kasi naman, hindi ako pinatapos magsalita sa phone. Akala ata, nag 50/50 ka na. Kaya ikaw na bahala magpaliwanag, okay? Papunta narin ako diyan, dala mga underwear nyo senyorita.”
Wow, natouch naman ako na nagmamadali ngayong pumunta rito sa hospital si Ahalki. Hmmm, speaking of 50/50, may naisip tuloy akong kalokohan.
Ano kaya kung lokohin ko si Ahalki na mamamatay na ako? Hihihihi *evil laugh*
“Teumae! Teumae!” ang narinig kong malakas na sigaw na papalapit ng papalapit.
Aha! Malamang si Ahalki na ‘yun!
Agad akong humiga sa hospital bed, at sinimulan na ang mala-oscar best actress award. Ready, action!
“Teumae!” ang mala-hysterical na tawag sa akin ni Ahalki pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto.
“O? A-Ahalki?” naghihingalo kong pagtawag, with matching papungay ng mata.
Hinihingal na lumapit sa akin si Jeonghan at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
“Anong nangyari?! Tinawagan nalang ako ng ate mo. Ano bang nangyari sayo?!” sigaw niya sa akin.
Sus, kunwari galit, pero nag-aalala naman.
“Ahalki, hindi ko na kaya,” hinawakan ko ang dibdib ko na parang naghahabol na ng hangin.
“Ano? Te...teka, malala ba talaga ang sitwasyon mo?” nagsimula ng matakot ang loko.
Hihihihi *evil laugh*
“Sa tingin ko, pwede na akong mamatay Ahalki.”
“Ano bang sinasabi mo?! Wag mo nga akong lokohin!”
“Hindi kita niloloko. Talagang, hinintay ko lang ang pagdating mo, bago ako magpaalam sa mundong ito.”
Sana matapatan ng aircon yung mga mata ko, para may tumulong luha. Hahahahaha!
“Ha? Wait tatawag ako ng doctor!” natatarantang sabi ni Ahalki at umakma nang aalis.
Kaya agad kong hinablot ang kamay niya.
“Dito ka lang! Mamatay na ako!” sigaw ko.
At nang humarap siya, nagkunwarian akong...
“Ugh...ugh! ahh...uh!” nagkunwarian akong hindi na makahinga.
“Teumae! Teumae!” nagwawalang sigaw ni Ahalki.
Eto na ang climax! Itinirik ko na ang mga mata ko at, “Ahal...” at nagpatay-patayan.
“Teumae!!!” malakas na sigaw ni Ahalki.
Pfffft hahahahahhaha! Gusto ko ng tumawa! Grabe, sakit ng tiyan ko kakapigil. Ano na kayang gagawin ni Ahalki? Bakit parang tumahimik ang paligid? Tsaka bakit uminit?
YOU ARE READING
Who am i?
Teen FictionTeumae is a high school girl student suddenly involve in a famous secret identity gangster called "12am". The leader of this gang always protect her, even though he hides his identity by wearing a helmet. Falling in love with a gangster, who didn't...