Chapter 13 "Lips"

348 41 5
                                    

Teumae's Pov

Nakatingin ako sa kawalan habang pilit na inaalala ang huling bagay na binaggit ni Ahalki kahapon. Kainis! Bakit kasi saktong nawalan ako ng malay sa pinakamahalagang panahon?!

Ilang ulit kong ginulo ang buhok, pero wala paring epekto.

Gosh! Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. Patirik narin ang araw at...

Patirik? O? Edi magtatanghali na pala?

“Lunch break na, wala ka bang planong umalis sa kinauupuan mo?” pamilyar na boses na narinig ko mula sa likuran.

I looked back!

Nakita ko si Ahalki na nakaupo sa taas ng puno habang nakatitig sa akin.

“Masyado ka pa namang nag-aalala sa grades mo. Hindi ka ba papasok sa room para makapakinig ng lessons?” dagdag pa nito.

Pinanood ko kung gaano siya ka-cool na bumaba mula sa puno. Yung tipong, natakpan pa ng bangs niya yung kaniyang mga mata pagkababa. But when he looked at me, hinawi niya ang bangs niya, dahilan para tumibok ng mabilis ang puso ko ng magtama ang aming mga mata. I tried to calm myself. Kaso, nang humakbang na siya papalapit ay talagang ramdam na ramdam ko ang tensiyon.

Tsk! Kaninang umaga lang, noong hindi ko pa naaalala na siya at si lider ng 12am gang ay iisa, malaya ko siyang nakakasalamuha.

Pinagsisihan ko ba na sa loob ng ilang oras, naalala ko na kaagad ang mga pangyayari?

Limang steps nalang ang kailangang hakbangin niAhalki para tuluyang makalapit sa akin. Ngunit, hindi ko maiwasang mapaatras  sa karagdagan niyang hakbang.

Nang mapansin niya na umatras ako ay tumigil siya sa paglapit. He stared at me for about 20 seconds.

“Naalala mo na ba? Base sa mga ikinilos mo ngayon, parang naaala mo na,” sambit niya, making my face go red.

Ano ka ba Teumae?! Kahit na siya nga si lider, baka nakakalimutan mong siya parin ang kababatang kaasaran at kapikunan mo rati! Bakit ka nagkakaganito?! Dahil ba sa gusto ko si lider?

Teka! Teka!

Klung siya si lider, gusto ko ba siya? Si Ahalki?

“Tsk, akala ko aabot  ng isang araw na makakalimutan mo ang pagtatapat ko kahapon. Pero oras lang pala ang ibinigay mo,” reklamo niya and i saw him smirked. Oh my goodness! Bakit ang hot tignan ng smirked niya?!

Baliw na ako! Oo baliw na ako. Hindi ko na siya makita as my bestfriend. He is a man to my eyes. Gayunpaman, nag-aalinlangan parin ako sa tunay kong nararamdaman.

“Ano yung huli mong sinabi kahapon bago ako mawalan ng malay?” tanong ko while fisting my both hands.

He stopped.

Mukhang gulat siya nang malaman na may mga parte pa ng nangyari kahapon ang hindi ko matandaan. Pero ang mas nakakagulat, napangiti lang siya at napatakip pa sa bibig na waring nagpipigil ng tawa.

Hello? Ahalki, seryoso tayo uy!

“Still, binigyan mo pa ako ng kaunting oras, Tumae,” ang sabi niya.

Tumae? Walangjo! Loko to a!

“Ayokong sabihin, sa tingin ko, mas maganda kung wag mo nang alalahanin,” ang dagdag pa niya.

“Hindi pwede! Dapat kong malaman! Hindi pa ba sapat ang lokohin mo ako sa loob ng mahabang panahon?! Bestfriend kita! Pero itinago mo sa akinang pagiging lider mo ng gang at ang...”

“Nararamdaman ko sayo?”

“Ha?”

“Na gusto kita, tama ba?”

Who am i?Where stories live. Discover now