“Ate. May itatanong ako.”
Umupo si Ate sa tabi ko at nakisalumbaba rin sa lamesa. “Ano yun?”
“Anong gagawin mo kung may humalik sayo na stranger?”
“Humalik na stanger? Hmmm, depende. Gwapo ba yung stranger?”
Gwapo? Sa pagkakatanda ko, collar bone, cute na chin at mapulang labi lang ni leader ang naaninag ko. Medyo malabo pa nga ito.
“Feeling ko gwapo naman,” tapat kong sagot kay ate.
“Feeling mo?! Teka, nagtatanong ka ba dahil na-experience mo na ha?!”
Halata ba na tinatanong ko 'to out of experience?
“Uy hindi ah! Curious lang,” I lied.
“Sus! Siguraduhin mong hindi yan galing sa true experience. Kung hindi, kakalbuhin kita!”
Good decision pala na hindi ko talaga sinabing ako.
“Oo na! So, ano nang gagawin mo kapag may humalik sayong stranger? Stranger na parang pogi?”
“Hmmm, kung gwapo naman, okay lang." Sabay malanding tumawa ang bruha.
“What?! Okay lang! Nababaliw ka na ba ate!?” I exclaimed.
Sa gulat ay nalunok ni ate ang tawa niya.
“Sinong matinong tao ang basta nalang magpapahalik sa stranger?! Tapos okay lang?” Dagdag ko pa.
Look who’s talking, duh.
“Edi si sleeping beauty. Di ba nung halikan sya ni handsome prince, ngumiti pa sya,” pamimilosopo ni ate.
“Hindi naman siya totoong tao. Kung ikaw man si sleeping beauty, ‘di ba dapat sinampal mo yung nag-kiss sayo?”
“Ba't ba tinatanong mo ang mga gan'yang bagay ha Teumae? Umeebeg ka ba?” This time sumeryoso ang kaniyang titig.
“H-Hindi ah!”
“'Yun naman pala eh. Alam mo ba ang sikat na kasabihan ngayon? Sabi ‘bago mo sundin ang puso mo, sundin mo muna ang...”
“Nanay ko?” pangunguna ko sa kan'ya.
“Mali, sundin mo muna ang ate mo. Maghugas ka na ng plato!” sigaw ni ate sabay tumayo at pumunta sa sala.
“Teka nga lang ate. Ako na kagabi ah. Bakit ako na naman ngayon?! Tsaka papasok pa ko, malelate na ‘ko.”
“So uutusan mo ang ate mo na maghugas, ganun?”
“Kainis! Ang hirap naman maging bunso. Ako lagi ang inuutusan!”
YOU ARE READING
Who am i?
Teen FictionTeumae is a high school girl student suddenly involve in a famous secret identity gangster called "12am". The leader of this gang always protect her, even though he hides his identity by wearing a helmet. Falling in love with a gangster, who didn't...