Chapter 3 - The Deal
"Damn" bulong ko ng matalo na naman sa pustahan kung anong team ang mananalo sa NBA Finals.
"Pano ba yan?" maangas na sabi ni David habang nakatingin sakin.
"Tss. Magkano ba?" alam ko naman na pera na naman ang kapalit nito eh, kahit na mayayaman kami yan ang laging gusto nilang kapalit. Pero sabi kasi ni David wag na daw pera eh.
"Anong mag kano? wag na pera! nakakasawa!" protesta naman ni Sander.
"Dare nga diba?" sabi ni David habang taas baba pa yung kilay.
"Anong kalokohan na naman yan?" naiinis na tanong ko sa kanila. Lagi silang ganyan tatlo na nga lang kami ang lalakas pa sa kalokohan at ako lagi ang victim.
"Ganito na lang dude, ang unang babaeng makalagpas dyan sa corridor ay liligawan mo" sabi ni David habang tinuturo pa yung corridor.
"Lul. Pano kung Nerd ang lumampas dyan?" nag tawanan naman sila sabay apir.
"Edi ligawan mo!" sabay pa nilang sabi. I just rolled my eyes. Fucking cousins they are.
"Anong kapalit neto?" tanong ko.
"Porsche. What do you think?" sabi ni David habang winawasiwas pa yung susi ng kotse nya.
"Fine!" sabi ko at nag abang ng babaeng lalampas sa Corridor ilang minuto din ang inantay namin bago may dumaan.
Shit. I know her sya yung babaeng umagaw sa napkin na hawak ko at siningil ako ng pagkamahal mahal. Eto na siguro ang chance para gantihan sya and this is sounds so exciting.
"Pano ba yan?" tanong ni David at Sander. I stand up at inayos ang damit ko.
"Well then, let's start the playboy's game" sabi ko at lumapit na sa babaeng yun. Oo medyo kinakabahan ako pero ano pa bang magagawa ko? talo nga ako eh diba! talo!
Sinadya ko syang banggain para malaglag yung mga gamit nya. "Sorry." sabi ko at tinulungan sya mag dampot.
"Ano ba yan Kuya, parang ang liit ko naman at di mo ko nakita bulag lang bulag?" sabi nya ng hindi nakatingin sakin. Eh kung ihampas ko kaya sa kanya tong mga gamit nya? etong babaeng to talaga kahit kailan!
"Sorry na nga eh diba?" tumayo sya at napatingin sakin. Agad namang nanlaki ang mata nya.
"Uy pogi! ikaw pala yan?" hinatak ko sya papunta sa likod ng school para di sya marinig nila Sander.
"Dito ka din pala nag aaral" sabi ko. Wala eh, kailangan kong maging mabait sa kanya for a while dahil kailangan ko syang ligawan.
"Malamang nakita mo na nga diba? by the way, maganda ba yung Whisper?" tangg! who the hell is she to open that goddamn topic?!
"Bakit ako yung tinatanong mo? ako ba gumamit ha? ako? ako?" sabi ko sabay turo pa sa sarili ko. Kainis. Di ko mapigilan yung inis ko sa kanya.
"Ay! hindi ba ikaw yun pogi?" di ko alam kung matutuwa ako oh maiinis sa tuwing tinatawag nya akong Pogi.
"Ate ko nga sinabi ko na sayo yun diba?" nag isip muna sya bago mag salita.
"Ahh oo nga pala ano? sorry naman" sabi nya sabay kamot ng ulo. May kuto ata?
"Ano nga palang pangalan mo?" inunahan ko na yung kaba ko.
"Ah! ako?" tanong pa nya. Palihim akong nag roll eyes bakit ba ang tanga tanga ng nilalang na to?
"Oo" pinipigilan kong pilosopohin sya dahil kailangan kong makuha ang loob nya.
"Ky--" di nya natuloy ang sasabihin nya ng may sumigaw mula sa likod ko.
"CALVIN?! OMG BABYYYY!" I closed my eyes. Damn. It's Jade at sigurado akong kukulitin nya lang ako.
"What?!" naiinis na tanong ko sa kanya. Si Ky? ewan. Basta etong babaeng to papalit palit lang ng tingin samin.
"Break na ba talaga tayo? pero hindi pwede" sabi nya sakin at yung mga mata nya para ng nag mamakaawa.
"Ano mo sya?" tanong ni Babae.
"I didn't know her" naningkit naman ang mga mata ni Jade ng marinig nya ang sinabi ko.
"Are you kidding me?" naiinis na tanong ni Jade sakin.
"I have my girlfriend so please? wag mo ng ipag siksikan ang sarili mo sakin" sabi ko.
"Then who is she?" ramdam ko ang galit sa boses nya at wala akong pakialam dun.
"Ako!" sabi ni Babae at tumabi pa sakin. Nagulat ako sa sinabi nya, what did she said?! so hindi na ko mahihirapan sa kanya?
"Bitch!" naiinis na sigaw sa kanya ni Jade.
"Whoa easy! mag papakilala lang ako, Im Kyline Ferrer" she said then winked.
Maganda sya. She have that angelic face na parang mabait pero pag tulog lang bagay din sa kanya yung pangalan nya she looks like a barbie kahit wala syang gamit na make up lalo na yung mata nya basta manikang manika yung muka nya. Bagay nga syang pag laruan. LOL
"Argh! I hate you, both of you!" sigaw ni Jade sabay layas. Si Kyline naman tawa ng tawa so proud sya sa nagawa nya huh?
"Girlfriend na pala kita." biro ko sa kanya. But I wish na sana totohanin na nya dahil hindi ko thing yung manligaw sanay akong makuha ang mga babaeng gusto ko in just a blink of an eye.
"Ano ka? chicks? drama lang yun no, ginaya ko lang yung nabasa ko sa wattpad ganun yung ginagawa ng mga bitches diba? parang si Dama yung anak ni Meg.." sa lahat ng kinukwento nya about sa wattpad wala akong naintindihan dahil di ako interesado pero atleast may nalaman ako tungkol sa kanya. Book worm pala sya.
"Ano tapos na?" tanong ko sa kanya tapos umiling naman sya.
"Alam mo ba mag basa ka ng books! follow mo na din ako pag may wattpad account ka na may stories na ko dun e" napaka dal dal nya pala ano?
"Okay" maiksing sagot ko sa kanya. Puro sya libro nabobored na ko kainis.
"Ano nga palang name mo pogi?" napatingin ako sa kanya. What a nice question?
"Calvin Reid Alcantara" napatakip naman sya ng bibig nya. Baka kilala nya ang mga Alcantara?
"Calvin Reid? as in CR? OMG banyo?!" tawang tawa naman sya sa naisip nyang pang asar sa pangalan ko. There's no funny at that. Sabagay ako ang inaasar eh matatawa ba ko?
"Stop that" sabi ko sa kanya pero di ko pinahalata sa boses ko na naiirita na ako sa kanya. KANINA pa.
"Eh pag binaliktad naman RC? so softdrinks ka naman ngayon?" sabi nya at sinundan na yun ng malakas na tawa. Napapa mura na lang ako ng palihim.
"Aware ka bang binubully mo yung pangalan ko?" tanong ko sa kanya kaya tumigil sya sa pagtawa.
"Aware ka din bang there is something funny on your accronym?" sabi nya ng nakangiti.
"That's not funny." seryosong sabi ko sa kanya. Iniinis nya talaga ako.
"Sorry! okay? sorry na!" sabi nya at tumigil na sa pagtawa. She was so childish, annoying, madaldal, nakakainis, crazy.
"Okay lang" sabi ko and forced my self to smile at her.
"Saang section ka nga pala Calvin?" she asked seriously.
"Section one, what about you?" nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
"Second lang eh bumagsak kasi ako sa Math" sabi nya at nag pout pa. I found it cute, oh easy lang kayo di ko sya crush or something cheesy na iniisip nyo dyan.
"Math is just one click, Kyline gusto mo itutor kita?" ngumiti naman sya sakin.
"Gusto ko yan! basta friends na tayo ah?" sabi nya ng nakangiti pa din. It shows her perfect set of white teeth.
"Sure"
BINABASA MO ANG
The Playboy's Game
Fiksi Remaja[Bad Boys Seires #2] • Calvin is his name, ang pangalan na maraming nakakaalam, ang sabi nga nila 'Pag Alcantara ka, mayaman ka na sikat ka pa' but he's not using that name in good things, he used that by playing on some girls. Kyline is her name, o...