Chapter 17 - I Hate You I Love You
Calvin's POV:
"Charge one fifthy" sabi ng doctor at sinubukan muling patibukin ang puso nya.
"Charge two hundred fifthy" at agad na naman nyang sinubukan ngunit walang nangyari.
"I'm sorry" saktong pagkasabi nya nyan bumuhos ang luha ni Tita Colleen at ganon na din si Tito Kyle.
"No! gumawa kayo ng paraan! save his life!" sigaw ni Tita Colleen na walang tigil sa pag wawala dahil sa pagkawala ni Harvey.
"Ginawa na ho namin ang lahat, wala na talaga I'm really sorry Mam" sagot ng Doctor kay Tita.
Harvey ano ba? bakit ka naman nangiwan? hindi mo ba alam na kailangan ka namin? kailangan ka ng kapatid mo? ng pamilya mo at ni Raine?!
Nag lakad ako ng wala sa sarili papunta sa chapel dito sa loob ng hospital umupo ako sa upuan hapang nakatingin sa Mama Mary na nasa itaas na may mga angels pang nakapalibot.
Naaalala ko na naman yung maamong mukha ni Ky sa kanya, yung mukha na hindi mo kayang tanggihan. Agad kong pinunasan ang luha ko at kinuha ang papel na nasa bulsa ko.
If I'm going to die, I want to help I want to gave my heart to Raine. Mahal na mahal ko sya she deserves to live than me so inaasahan kong gagawin nyo ang gusto ko.
Love,
Harvey Quinn Divina.
Yung sulat nya ng makita ko iyon parang gusto kong ubusin lahat ng luha ko at paapawin yun sa buong chapel. Bakit ba kasi kailangan pa nyang mawala? ginawa nya ba yun para maligtas si Raine?
"Calvin.." nilingon ko ang tumawag sa akin sa labas ng chapel at nakita ko si Sander, Klyde at Dj.
Tumabi sila sakin. Napansin kong namumugto na ang mga mata nila kakaiyak.
"Apat na lang tayo" malungkot na sabi ni Klyde.
"Tatlo na lang." pag tatama ni Sander na ipinag taka namin.
"Bakit naman?" tanong ko.
"Dahil si Dj magiging tatay na, si Harvey nangiwan na so tayo na lang talaga" binatukan naman sya ni Dj ng mahina.
"Baliw. Kahit na magiging tatay na ako eh hindi ko naman kayo kakalimutan" nakangiting sabi ni Dj samin.
"Pero sayang talaga si Harvey no? bata pa sya at madami pa syang pwedeng gawin sa buhay nya tapos ang aga nyang nakuha" pag katapos sabihin ni Klyde yan nanahimik kaming lahat.
Feeling ko nag dadasal sila, kahit wala sa mukha nila na marunong sila mag dasal.
"Oo nga pala asan na si Kyline?" tanong ni Sander na ikinabasag ng katahimikan naming apat.
"E-Ewan. Hindi na sya tumatawag or nag tetext kahit ano wala na." nag katinginan naman silang tatlo.
"Di kaya alam na nya?"
———
Nalaman na nila Tita Colleen at ng lahat ang tungkol sa sulat na nakuha kay Harvey ng mamatay sya dahil sa car accident, nung una hindi sang ayon si Tita Colleen pero nang malaman nyang sobrang lala na ng sakit ni Raine ay pumayag na sya sa gusto ni Harvey na ibigay ang puso dito.
"Kinakabahan ako sa magiging result" bulong ni Mom kay Dad pero narinig ko dahil katabi ko lang sila.
"Hindi sya pababayaan ni God, I know and I'm sure on it." sagot ni Dad.

BINABASA MO ANG
The Playboy's Game
Fiksi Remaja[Bad Boys Seires #2] • Calvin is his name, ang pangalan na maraming nakakaalam, ang sabi nga nila 'Pag Alcantara ka, mayaman ka na sikat ka pa' but he's not using that name in good things, he used that by playing on some girls. Kyline is her name, o...