Chapter 5 - Raine Alcantara
"Ayoko na! I quit! dumudugo na dugo ko!" sabi ni Kyline sabay nap, naka hawak pa sa ulo nya.
"Dugo mo dumudugo? astig mo din no?" natatawang tanong ko sa kanya.
Kaninang kanina ko pa sya tinuturuan sa Math pero kaunti lang ang nagegets nya, memorize naman nya yung multiplication table at mabilis sya mag calculate pero di nya pa din kinaya.
"Pakainin mo naman kasi ako Calvs! nakakairita ka naman ginugutom mo ko oh!" sabi nya habang nakahawak pa sa tyan nya. At dahil sa kailangan ko makuha ang loob nya, sinamahan ko sya sa cafeteria para kumain."May fiesta ba? bakit napakadami nyan!" sambit ko ng makita ang dalawang tray na puno ng pagkain. Sa pag kakaalam ko di ko naman sinabi na pati ako kakain pero bakit dang dami nyang binili?
"Gutom ako, wala kang magagawa" seryosong sabi nya at nilantakan na lahat ng pagkain na akala mo asong aagawan.
"Parang di ka babae kumain" sabi ko sa kanya at sinamaan nya lang ako ng tingin at nag patuloy sa pag kain.
"Andyan lang pala kayo!"
"Uy date agad?"
"Cheap ha, sa cafeteria talaga?"
"Ang cheesy na ang korni pa"Sunod sunod na sabi ng apat at siniksik ako sa upuan taena eto ayaw ko eh pangungunahan na naman nila ako sa balak ko ka bwiset.
"Sino sila?" tanong ni Kyline habang may lamang puto yung bibig kaya lumobo yung cheeks nya. Tinignan naman ako ng nakakaloko ng apat, siguro sinabi na ni Sander at David sa kanila yung tungkol dito?
"Eto si Harvey, kaibigan ko eto naman si Sander, David at Klyde, Mga pinsan ko." sabi ko sa kanya at tinitigan nya lang yung apat sabay nod at kumain na naman ulit.
"Kayo na ba ng Pinsan ko?" nabulunan naman si Kyline sa sinabi ni David at ako naman palihim syang kinurot.
"Ano? eh hindi naman nanliligaw yan eh" sabi ni Kyline habang subo lang ng subo ng pansit.
"Yun nga yung pinunta nya ngayon eh, manliligaw na sya" napatigil naman sa pagkain si Kyline ako naman ay nagulat at gusto ko ng wasakin ang buong pagkatao neto ni David.
"Hahaha! Nice joke." sabi ni Kyline sabay tawa.
"Totoo yung sinasabi nya" hindi na ako gumamit ng lakas ng loob para sabihin yan. Para san pa? di ko naman sya seseryosohin hanggang huli.
"Tss mga imbento nyo" sabi nya at saktong naubos na nya lahat ng pagkain na nasa tray.
"Totoo yun" pagpupumilit ko sa kanya. She just looked at me.
"Totoong imbento?" napapa roll eyes na lang ako sa isip ko sa mga sagot nya sakin she's so brainy as hell. Ang galing nya mang bara.
"No. Hindi sya totoong imbento, totoong kwento" pag papaliwanag ni Klyde. Si Sander naman halatang nag pipigil ng tawa at ganon na din si David at Harvey.
"Totoong kwentong, imbento?" put@!@8£;#!! this girl are getting into my nerves!
"Bokengkengina naman oh, may gusto sayo si Calvin yun yun! at gusto ka nyang ligawan, oh ano malinaw na?" buong pusong paliwanag ni Sander habang natatawa tawa pa.
Hindi nakapagsalita si Kyline at nakatingin lang sakin na para bang nag aantay ng sasabihin ko kaya naman nag salita na ako agad para mas maniwala pa sya.
"That's true Kyline, I like you even if you are so annoying at halos lahat ng kinukwento mo ay hindi ko type.. I like you and I love you" sabi ko ng nakatingin ng diretso sa mga mata nya.
Nararamdaman kong seryoso sya ngayong oras na to dahil di ko mabasa ang expression sa muka nya at parang kinabahan ako bigla sa magiging sagot nya.
"Alam mo bang pinipilit kong mag act normal sa harap mo? dati nakikita lang kita sa magazines ngayon liligawan mo na ko? isang Alcantara liligawan ako?" sabi nya then point her self.
"Yes Im serious about this Kyline, liligawan kita" sabi ko at hinawakan ang kamay nya. Malambot naman iyon at makinis kaya hindi nakakadiri hawakan.
"Okay. Tapos na ang usapan" sabi nya at tumayo tapos iniwanan kami. Ako naman pinag babatukan sila lalo na si David.
"Leche kayo! pinangunahan nyo nanaman ako!" naiinis na sabi ko sa kanila. Hindi pa nga ako ready na ligawan yung annoying na book worm na yun eh!
"Easy! we are just making your days easy!" sabi ni David at pumorma pa ng parang easing easy lang sa buhay.
"Tulungan nyo ko sa panliligaw, alam nyo naman na wala akong alam dyan eh!" naiiritang bulong ko sa kanila.
"Then research!" payo naman ni Harvey.
"Sus wag na! easy lang yan sakin ako na mag tuturo sayo" sabi naman ni Sander at tinapik pa ko sa balikat.
"Pag yang plano mo nadisaster, susunugin kita habang nanghaharana" banta ko sa kanya.
"Di yan! tutulong ako" sabat ni Klyde at nag taas pa ng kamay.
*Riiiinnnngggg!*
"Wait may tumatawag" sabi ko at sinagot yung tawag. And we heard Patty's voice. Yes WE dahil naka loud speaker.
"What is it Patt?" tanong ko sa kanya.
"It's about Raine, she's trembling dinala na namin sya sa hospital at inaantay na lang ang balita ng Doctor nya, you need to go here" sabi nya ng nanginginig pa ang boses.
"Saang hospital yan? pupunta kami"
"St. Lukes, please come here as fast as you can Tita Cassey needs you, wala pa si Tito dahil wala pa syang alam sa nangyari" hindi na ako nag paalam sa kanya at agad ng dumiretso palabas ng school buti pinayagan kami agad dahil sa excuse namin.
Pagdating namin sa hospital nandoon na si Dad at naka yakap sa kanya si Mom habang umiiyak. Shit. What the hell happened?
"Were here," pagpaparamdam ko sa kanila. "How's the condition of my sister?" tanong ko sa kanila. Mom was about to speak when the Doctor came out from emergency room.
"Family of the patient?" tanong ng Doctor kaya agad naman kaming lumapit at tinanong kung ano ng kalagayan ni Ulan.
"Okay naman sya, hindi nga lang namin malaman ang main reason kung bakit sya nag kaganon" paliwanag ng Doktor. Pero atleast gumaan ang pakiramdam namin ng sabihin nyang okay naman daw ang kapatid ko.
After nyang ma discharge umuwi na kami at pinagpahinga na sya siguro pagod lang yun kaya sya nag trembling kanina, sana nga walang masamang ibig sabihin yun.
Chineck ko si Ate and I saw her sleeping, napangiti lang ako when I remember the days na nakikipag laro lang sya samin but now she's a woman na may sarili ng buhay.
Pinuntahan ko din sila Mom and Dad at nakita kong katabi na nila si Ulan kaya nakahinga na ako ng maluwag at bumaba para kausapin yung mga hampas lupa.
"Di pa ba kayo uuwi? sawang sawa na ko sa pag mumuka nyo" pabiro kong sabi sa kanila.
"Uuwi malamang! inaantay ka lang namin buti nga inantay ka pa eh!" apela naman ni Sander.
"Oo nga ikaw na nga yung tutulungan manligaw dyan eh" kung makapag salita naman tong si Klyde kala mo seryoso ko sa Kyline the annoying book worm na yun.
"Basta bukas dapat nakaready na lahat ng props at gawin nyo namang makatotohanan ha.. Sige na layas!" sabi ko at tinulak sila palabas ng bahay.
Wait and see Kyline, sorry na lang at ikaw ang naging victim but I promise, you'll enjoy the game.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Game
Novela Juvenil[Bad Boys Seires #2] • Calvin is his name, ang pangalan na maraming nakakaalam, ang sabi nga nila 'Pag Alcantara ka, mayaman ka na sikat ka pa' but he's not using that name in good things, he used that by playing on some girls. Kyline is her name, o...