TPG 025: Graduation

1.2K 18 2
                                    

"Sa wakas! Graduate na tayo!" Sigaw ni Sander sabay hubad ng toga niya.

"Sa wakas. Pumasa ka ng leche ka" pang iinsulto naman ng kapatid niyang si Klyde. Natawa na lang kami ni David nang mag tinginan sila ng masama.

"Saya sana kung andito si Harvey no?" Sabi ko na ikinatahimik nilang lahat.

"Alam ko na kung saan tayo dapat na pumunta" sambit ni Sander at pinasakay na kami sa loob ng Fortuner niya.

**

"Ang daya talaga. Dapat kasama ka namin ngayon e, dapat naka toga ka rin, dapat kakain tayo sa labas nang kumpleto, dapat lima yung diploma, dapat wala kaming dadalawin ngayon" sabi ni Sander at napansin kong umiiyak sina Klyde at David.

"Tol miss na miss ka na namin. Sayang nga lang at di ka nag tagal" binatukan ko na nga.

"Nananadya ka? Pinapaiyak mo talaga kami?" Natawa na lang sila Klyde sa sinabi ko.

"Ang mabuti pa, kumain na lang tayo" pag yayaya ko at tumango naman sila.

Nag lalakad na kami papunta sa sasakyan nang may tumawag sa pangalan ko, nilingon ko yun at nakita ko si Paolo I was expecting Kyline but I didn't see her.

At ano nga bang ginagawa ni Paolo dito?

"Can we talk?" Nakangiting sabi nito.

Sinenyasan ko naman sila Klyde na mauna na.

"May sasabihin ka?" Walang ganang tanong ko.

"My grandfather is gone. You can get Kyline again" sabi niya. Kumunot ang noo ko.

"Anong connect?" Tanong ko.

He sigh. "Sa sobrang pag mamahal ko kay Kyline noon, naisip kong i-block mail siya para lang mapunta siya sa akin, sabi ko lahat ng shares ng lolo ko sa company nila ay i pupull out kapag di siya pumayag na maging girlfriend ko" kwento niya.

Tangina lang. Gusto ko siyang ilibing ng may black eye ngayon.

Hindi ako nag salita kaya itinuloy niya ang sinasabi niya.

"Naging akin siya. Pero ang sakit makita na araw araw siyang umiiyak dahil ikaw ang gusto niya, na kahit pag sleep talk niya pangalan mo ang naririnig ko. I was so desperate kaya nakakagawa ako ng bagay na di ko alam ay makakasakit sa kanya, wala na ang lolo ko, and na realize ko na pakawalan na lang siya. I don't deserve her"

So mahal niya ako? Kyline loves me?

"What do you want me to do?" Tanong ko. He smiled.

"Follow her. Dalian mo, baka maunahan ka ng oras, nasa airport na siya ngayon, papuntang Italy, you need to stop her" tumango ako at aalis na sana nang mag salita siya.

"Take care of her. Love her, don't hurt her" tumango akong muli at sumakay sa sasakyan namin.

"Sa NAIA bilis!" Utos ko kay Sander. Di na siya nag tanong at pinaharurot lang ang sasakyan hanggang sa makarating kami sa airport.

**

"Nakaalis na po ang flight going to Italy, kanina pang 15 minutes"

Nanlambot ako sa sinabi nung babae. Huli na, nakaalis na siya at di ko na magagawang pigilan yun.

For the second time, binitawan ko na naman siya.

The Playboy's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon