Chapter 20 - Groupings
Calvin's POV:
1 Month ago.
"Dapat nasa loob ka, tapos tutulungan mo syang umire parang ganito oh, whoo hoo hoo hoo sige pa babe ire pa whoo-Aray!" kahit kailan talaga tong si Sander walang naidulot na maganda.
"Kita mo ng takot sa dugo yan eh" sabi ni Klyde sabay tawa.
Ngayon na kasi manganganak si Patty, at nandito kami sa waiting area dahil pinasok sa emergency room si Patty sumakit kasi ang tiyan niya kaninang madaling araw.
"Hindi ako takot! Tss." kunwaring matapang na sabi ni Dj.
"Doc, kamusta na po yung patient?" tanong ni Tita Des ng lumabas na yung OB-Gyne ni Patty.
"Nasa 10 cm na kaya manganganak na sya" sagot ng Doctor at agad na nag madali papasok uli sa ER.
"Oh lord." bulong ni Dj.
"The patient's husband, please" sabi ng nurse na kalalabas lang ng emergency room.
Kaya naman tinulak namin si Dj papasok sa loob ng emergency room, halos mag harlem shake na sya habang sinusuot yung lab gown.
He was so lucky, as I see. Kahit na nagkaanak agad sila ng wala pa sa tamang edad tanggap naman sila ng kani kanilang magulang at si Patty na pangarap ni Dj ay nakuha na nya.
Ako? yung pangarap ko nasa kamay ko na, kaso nabitawan ko pa.
David's POV:
Pag pasok ko sa emergency room nakita ko agad si Patty na naka higa at nakabukaka pero may takip naman, nakita ko din yung mga gagamitin ng mga doctor para sa panganganak nya.
Shet! ako ba yung manganganak? bakit ako yung kinakabahan?!
"D-David, i-it hurts" sabi ni Patty habang nakikita ko ang mga luha na pumapatak sa mata nya. I wiped it and kissed her forehead.
"I'm here don't be afraid" nag salita ang matapang. Ehem.
"Let's start," sambit ng doctor at may hininging equipment na ewan ko kung ano yun. Minasahe nya pa pababa yung tiyan ni Patty. "Pag sinabi kong ire, ire ha, wag mong lagyan ng ingay ang pag ire mo" bilin ng doctor. I looked at Patty at kitang kita ko ang hirap sa mukha nya.
"Follow her okay? saglit lang yan" sabi ko para mawala ang kaba naming dalawa.
"Push!" kasabay nun ay ang malakas na pag ire ni Patty. "Wag mong lagyan ng ingay ang ire mo! another one, push!" napapapikit ako sa tuwing humihigpit ang kapit nya sa kamay ko. Kung pwede lang ilipat sakin lahat ng sakit gagawin ko kahit gano pa ako kaduwag.
"Malapit na, isa na lang!" utos ng doctor kaya sa isa pang pagkakataon ay umire ng malakas si Patty at doon ko na narinig ang iyak ng anak namin. Ng anak ko.
"Baby it's okay. Tapos na" I whispered to her ear and kissed her tears away.
"I love you.. Sorry.." bulong nya bago pumikit.
Kyline's POV:
"Thank you, Miss Ferrer" for the 10th time tinalo ko na naman si Calvin sa Math. And yes mag kaklase pa din kami but wala na ang tulad ng dati, we act like a strangers.
"Tss" narinig kong bulong ni Calvin ng umupo na sya sa upuan nya sa likod ko. Napangisi na lang ako.
One month na, naka move on na ako pinanindigan ko na ang sinabi nya noon na wala na, last na namin yun. And Paolo and I were back together. But I don't love him, ginawa ko lang syang panakip butas.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Game
Teen Fiction[Bad Boys Seires #2] • Calvin is his name, ang pangalan na maraming nakakaalam, ang sabi nga nila 'Pag Alcantara ka, mayaman ka na sikat ka pa' but he's not using that name in good things, he used that by playing on some girls. Kyline is her name, o...