Chapter 15 - Last Time?
"Bakit mo naman naisip to Vey?" tanong namin kay Harvey.
Nag punta kasi kami dito sa resort na lagi naming pinupuntahan nakakamiss na nga din dito eh natuklasan kasi namin to noong mga bata pa lang kami pano ba naman kasi kung hindi gago to si Sander niligaw kami! kaya kakalakad namin napunta kami dito sa resort dahil sa maliliit pa kami naka pasok kami sa gate.
"Wala, feeling ko kasi last time na natin to" malungkot na sabi ni Harvey habang nilalaro yung tubig sa pool.
"Bakit naman? pwede pa naman tayo bumalik dito ah?" sabi ni Klyde.
"Busy na tayo masyado sa school kaya sulitin na natin yung pag bobonding ngayon" sabi ni David at sakto namang dumating si Sander na dala dala yung iPod nya at tawa pa ng tawa.
"Ano yan?"
"Mukang busy ka dyan ah?"
"Nakakatawa ba yan?"
"Share naman dyan!"
Sunod sunod na tanong namin pag upo nya sa gilid ng pool.
"Tignan nyo to oh, walang tatawa chalenge! tara gawin natin?" sabi ni Sander habang baba taas pa yung kilay. He's so childish.
"Oo nga masaya yan!" isa pa tong si David. Pag buhulin ko bituka nilang dalawa eh.
"Tara dali minsan lang naman eh" pag yayaya naman ng dalawa. So pati sila makikisali?
"Oy Calvin? ano na? tara!" tuwang tuwang sabi sakin ni David.
This man, hindi nya alam na magiging tatay na sya soon pag labas nung baby sa sinapupunan ni Patty, kung hindi ba naman kasi sya gung gong! binuntis nya eh ilang taon pa lang yun si Patty!
"Ayoko." straight na sagot ko sabay roll eyes.
"Ganto na lang taas ang kamay ng may gusto sumali sa chalenge!" sabi ni Harvey sabay nag taasan sila lahat ng kamay. Except sakin, sila nga lang diba.
"Majority wins." sabi ko.
"Sasali ka ba oh ihuhulog ka namin sa pool?" sabi ni Harvey habang may nakakalokong ngiti sa labi.
Tangna mo Vey, pasalamat ka minsan ka lang makulit kaya pag bibigyan kita! tumayo na ako agad sa kinauupuan ko bago pa ako malaglag sa pool.
Sinet nila yung phone at nakatapat na yun samin, shet! natatawa ko!
Pero bago pa ako matawa..
"HAHAHAHAHAHA! TANGINA DI KO MAPIGILAN! WALA NAMANG NAKAKATAWA HAHAHA! - OY ARAY!" agad namin syang pinag hahahampas. Loko tong si Harvey, lakas mag hamon talo din naman pala.
"Whoo.. Wala ka pala eh!" sigaw namin sa kanya sabay saboy ng tubig.
"Ah so, gusto nyo pala ng basaan?" natatawang tanong ni Harvey at akmang tatayo para basain kaming apat.
"Hoy hoy hoy, wag mo kong babasain sasapakin talaga kita pag na bwisit ako sayo!" pag babanta ko ng mapansin ko na ako yung unang babasain nya.
"Wala! ikaw nag simula e" sabi nya at binuhusan ako ng tubig galing sa pool.
Tanggg! ang lamig! para na akong manginginig sa sobrang lamig ng tubig sa pool, siraulong 'to!
"Pakyu ka Harvey! humanda sakin!" sigaw ko at saka hinabol sya para gantihan.
Nag sigayahan naman ang mga ulupong ko pang pinsan kaya mas gumulo na.
Pagkatapos ng napaka lalanding harutan, nag pahinga na kami sa sari-sariling kwarto. Yep ganon kami kaarte ayaw namin na mag kakasama sa iisang kwarto, I mean ganyan ako kaarte, ayaw ko silang katabi or kasama sa iisang room dahil sa magulo sila at magulo talaga sila at higit sa lahat talagang magugulo sila.
BINABASA MO ANG
The Playboy's Game
Novela Juvenil[Bad Boys Seires #2] • Calvin is his name, ang pangalan na maraming nakakaalam, ang sabi nga nila 'Pag Alcantara ka, mayaman ka na sikat ka pa' but he's not using that name in good things, he used that by playing on some girls. Kyline is her name, o...