" Ma naman bakit ka naman kasi nagpabuntis kay daddy alam mo namang ang dami dami na nung anak sa iba diba ? Okay lang sana kung kay daddy mismo" pagmamatuwid ko kay mommy dahil naiinis talaga ako sa kanya. Imagine naman kasi 39 na ang mommy ko pero nagawa pang magpabuntis.
" Anak di pa naman sure ayaw mo ba nun magkakameron kna ng baby brother or sister? " ayaw ko nga nun tss. mahilig ako sa bata pero not this time.
Sa inis ko nun kay mommy ay naglibang libang muna ako sa park. dun ako madalas tumatambay kasama ang pusa kong kitkat. tahimik kasi dun at makakpag muni muni ako. minsan nga natutulog pa ako dun HAHA.
At dahil nga naikwento ko ng natutulog ako dun ay inantok na nga ako HAHAHHA. pumunta ako sa upuan at doon humiga. Hayyyyyy ang aliwalas ng langit. ang dami kong nabubuong mga shape sa ulap. Naalala ko tuloy si daddy ko. dito kami madalas pumunta. habang abala ako ng pagtitig sa ulap ay bigla na lang . . .
" Waaaaaaaaa. takot ako takot ako" sabi nung bata na ang tantiya ko ay nasa tatlong taon na. isa siyang babae. isang napakacute at gandang bata.
"Anak ng tokwa ! sino ka? " napabalikwas ako pati ang pusa ko ay nagitla din.
"Me? My name is Briella Yuniz Gonzales. I'am 3 years old I lived at blah blah blah" ang daldal ng batang to tinanong ko lang kung anung pangalan niya tapos ang dami ng sinabi.
"Hep hep hep daldal mo naman ang tanung ko lang ay kung anung pangalan mo ? "
" Ella my name is ella. Pede ikaw nalang mommy ko ? " Anu daw? kung pede daw ako maging mommy niya? hello ????????? instant noodles meron pero instant mommy wala.
"Hindi nu. wala pa akong anak at ayaw ko magkameron ng anak nu. wala pa nga akong boyfriend tsupi uwi ka na sa inyo sigurado hinahanap ka na ng magulang mo" pilit kong pinauuwi ung bata pero nakakapit siya sa damit ko at ayaw bumitaw sa damit ko hanggang sa umiyak na siya. Aminin ko man sa hindi nakakdala ako iyak ng batang to. hindi ko alam sa sarili ko kung baki nagawa ko na lang itong yakapin.
" Waaaaaaaaa. ikaw ang mommy ko ! gusto ko sayo. ikaw gusto ella" halos hinahapo na siya kakaiyak. wala akong nagawa kundi yakapin siya at sa tanang buhay ko nasabi ko nalang na . . .
" Okay ella i will be your mommy but please tell me where did you leave? " Anak ng pink na ipis talaga bakit ko nasabi yun ? Tumigil naman agad siya sa pag iyak na parang walang nangyari. ngumiti ito agad sakin.
"Promise? youre my mommy na? yehey ! ella has mommy na " talong siya ng talon. ang cute cute niya. nasan kaya ang magulang niya at bakit ang ganitong kagandang bata at iniiwan na lang nila basta basta.
"Syempre hindi nu joke lang yun" umiyak nananamn siya ng malakas. Biglang kumulog. at umulan waaaaaaaaaa. sign ba ito na dapat pagbigyan ko ang batang ito?
"No ! nasabi mo na. you're my mommy na. "
"O-Okay ella i will be your mommy na" Jusko mahabaging bathala bakit mo ko pinaparusahan ? handa ko ng tanggapin ang anak ng mommy ko kahit isang dosena pa yun wag lang ganito na isang iglap lang mommy na ako? Waaaaaa.
Sa sobrang lakas ng ulan ay binuhat ko siya sa ilalim ng malaking puno sa park. kahit papano ay hindi kami masyado mababasa dito.
" Mommy, ella is scared takot ella mommy ko" panay lang ang hikbi niya sakin. at nakasubsob siya sa balikat ko.
Hinintay ko munang tumila ang ulan at saka ko siya dinala sa aming bahay. at pag minamalas ka nga naman ay bakit sabay pa? pede namang bukas na yung isa diba ? Pagbaba ko kay ella sa sofa ay nakakapagtakang walang tao sa bahay. Pumunta ako sa kusina at nakita kong may iniwang sulat sa akin si mommy.

BINABASA MO ANG
From NBSB to instant MOMMY (Completed)
RomanceNO BOYFRIEND SINCE BIRTH. Never been kiss, Never been touch 100% Virgin ! Hanggang sa nagising na lang ako isang umaga na INSTANT MOMMY NA AKO ! Instant mommy at instant wife. Paano ako makakaalis sa sitwasyong kusa ko nading nagustuhan...