Finale ❤

1.6K 38 0
                                    

After 9 months . . .

Jewel's POV

Ang laki na ng tiyan ko. Boy daw ang gender ng baby namin ni bryle.
Next month ikakasal na din kami ni bryle.
Masayang masaya ang lahat kaya lang . .

Nabalitaan namin na bumigay na si coleen. Sobrang nalungkot ang lahat. Iyak ng iyak si tita elisse dahil sandali lamang niyang nakasama si coleen pero nawala na agad ito.

Kaya hindi muna namin itutuloy ang kasal namin ni bryle next year na lang dahil masama daw dahil kamamatay lang ni coleen.

Sobrang malala na pala ang sakit ni coleen and naglead to AIDS na yung sakit niya. Knowing AIDS,wala talagang gamot ito at tangi lamang mkakapagpadugtong ng buhay ay patibayin ang immune system.

Sobrang masakit dahil babago pa lamang sila nag bubuild ng relationship bilang magkapatid ay nawala na agad ito.
Pero nagpapasalamat pa din kami sa diyos na naayos ang lahat bago pa man mawala si coleen.

Sa ngayon ay huling lamay na para kay coleen.
Pagang paga na ang mata ni tita elisse.

"Tita mabuti po sana kung magpapahinga muna kayo dahil maaga po bukas ang misa para kay coleen. For sure di niya gugustuhin na ganyan kayo sa huling araw niya"

At lalong umiyak si tita elisse. I feel her pain nung mawala ang daddy ko kaya pareho kaming nag iyakan.

Kinabukasan ...

Minasahan muna si coleen. at as usual umiiyak padin si tita. panay ang hagod sa likod ni bryle para gumaan ang pakiramdam nito.

Umattend ako at si ella ng kalahati ng misa dahil kailangan daw namin umuna sa sementeryo dahil buntis ako. May mga pamahiin sila kasi dito.

At yun na nga.. pati ako umiiyak. Sobrang nakakalungkot ng pangyayari na ito sa buhay namin di ko akalain  na mangyayari ito sa pamilya namin.

Nag bigay na ng huling message si tita elisse at tito alfred.

After ng libing. lahat ay nagpahinga. sama sama muna kami sa bahay namin ni bryle dahil para hindi malungkot si tita elisse at tito alfred.

Napagalaman din namin na hindi nababaliw si coleen yun lang sadya ang sinabi ng impostor na yun at siya mismo ang nagbibigay na mga gamot na maaring makasama at magpabaliw kay coleen. Iyak ng iyak si tita elisse ng malaman iyon dahil wala siya sa tabi ni coleen para alalayan ito sa mga pinagdadaanan nito.

After 1 week habang nasa CR ako at nanakit na ang tiyan ko.

" Bryle!!! Hon!! Manganganak na ako"

" Ha?Teka anong gagawin ko. Hon"

Tarantang sabi ni bryle

Agad niyang pinaandar ang sasakyan. Agad din sumunod sa hospital si tita elisse at tito alfred ksama si ella dahil di na ito naasikaso ni bryle sa sobrang taranta.

" Congratulations Mommy Jewel!! "

Sigawan nilang lahat pagpasok ko ng loob ng room. at buhat ni bryle ang baby namin.

Bryle's POV

Sobrang saya dahil sa wakas daddy na ako. Normal ang baby ko at maayos ang panganganak ni jewel.
Sobrang nakakagalak ng puso. Malungkot lang din dahil wala na si coleen.

Pinangalanan naming Wayne Shenon ang baby namin.

Sa buhay minsan madami talagang pangyayari na hindi natin inaasahan.
May mga taong dumadating sa buhay natin na di natin akalain na magiging parte na ng buhay natin.

Sobra akong nagpapasalamat kay jewel.
Sa mommy ko na mommy din pala ni coleen na di ko alam na kambal pala talaga kami.

Ang galing ng buhay. ang dming twist. Pero nalulungkot din dahil nadagdagan man ang pamilya ko ay agad din namang nawala si coleen sa buhay namin. Kung sanay nabuhay pa siya mas magiging close pa sana kaming magkapatid.

Sa ngayon ay pinagpapasalamat ko sa diyos na meron kaming bagong buhay na makaksama. Ang baby wayne namin.

Sa lahat ng nangyaring ito, Mas magiging matatag pa lalo ang pamilya namin.
Ganun  naman talaga dapat sa pamilya. kahit gaano pa kadaming pagsubok ang dumating, sa dami man ng problema at twist sa buhay ang pamilya ang magiging sandigan natin.

***

OMG tapos na 😩
Thank you guys. May isa pang chapter please.

From NBSB to instant MOMMY (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon