CHAPTER TWO
SANFORD'S POV
Kring kring..
Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa aking bulsa nang marinig ang ringtone nito.
It's Dwight..
"Bro?"
"My class is done." masayahing saad nito
"Ang ganda yata ng mood natin ngayon ah?"
"Hmm, parang gano'n. Natutuwa lang ako sa mga kaklase ko ngayon pare. Nasa classroom pa rin ako. And, don't you know that they know my sister?" halata sa boses nito ang pagiging good mood.
Dwight is desperate to acquaint with his sister. Kilala niya ito ngunit ito ang hindi nakakaalam na magkapatid sila ni Dwight. Sad to say, Dwight is illegitimate. But proud to say, he is Senator Muñoz's illegitimate. The very reason kaya mas nahihirapan si Dwight na ipakilala ang sarili niya sa kapatid na si Alia.
"That's good to hear! Puntahan na lang kita jan sa room mo. Naghihintay na sina Xel sa parking lot." may gimmick kami ngayong magbabarkada. Tiyak na matatagalan pa si Dwight kapag hindi ko siya mismong pupuntahan sa room niya.
Nasa tapat na ako ng elevator nang mapagtantong malayo-layo pa ang aakyatin nito kaya nagpasya na lamang akong maghagdan. I was very close to the stairs when I saw a plump girl picking a book. It's Gretel. I know her not because everyone says she has a crush on me. But because she is Lara's close family friend.
I was about to help her out when I saw some other man picking the book already.
"Thank you"
"There's no harm in asking for help." nakangiting sagot ng lalaking pumulot ng aklat ni Gretel.
Nang inabot na nito ang libro kay Gretel ay mas lumawak pa ang pagkakangiti nito.
"My name is Vinzor."
"Okay. My name is.."
"Gretel" sabay pa nilang sabi.
Bahagyang natawa si Gretel, salungat kong nagulat dahil kilala na pala nito si Gretel.
"What?" the guy seemed curious with what Gretel is laughing about
"Nothing. Naisip ko lang kung gaano ka lakas ng appeal ng bigat ko dito. Kahit sino kilala na ako."
The guy then gave her back the laugh she once threw to him. "I know you truly, Gretel. You'll see"
Patuloy lang ako sa pakikinig nang mahagip ng paningin ng lalaki ang direksyon ko. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. But, he just smiled at me then looked at Gretel
"I'll go ahead, Gret."
GRETEL'S POV
Napagpasyahan kong hintayin si Cream dito sa paborito kong upuan. Hinihintay ko kasi ang out niya para sabay kaming umuwi. Nakaupo ako ngayon sa bench na bakal na nakaharap sa soccer field ng paaralan. Mula kasi dito ay malinaw kong natatanaw si Sanford.
Nasa likuran ako ng net na siyang goal. Kaya, nasa likuran ako ni Sanford na siyang goalkeeper.
Ilang beses na akong naupo dito. Ilang beses na rin akong napapwesto sa likuran niya pero bakit parang hindi umeepekto sa amin ang mental telepathy? Yun bang tipong mapalingon naman sana siya sa'kin dahil magiging uneasy siya sa sobrang pag-iisip ko sa kanya.
Umayos ako ng upo para magbago naman ng topic ang utak ko. 'Gretel, hindi ka ba napapagod isipin siya?' tanong ng isang bahagi ng utak ko.
'Hindi nga ako napapagod sa pangungutya ng iba, ang isipin pa kaya si Sanford?' sagot naman ng puso ko.
Nagsimula nang magpraktis sina Sanford. Halos gumulong na ito sa bermuda basta't hindi lang makagoal ang mga nageensayong kicker pero gwapong-gwapo parin ito. Hanggang sa pinakahuling kicker ay hindi parin nakalusot kay Sanford ang bola, sa halip ay lumipad ito sa ibabaw ng net at nahulog sa tabi ng bench na inuupuan ko. Napalinga-linga ako. Lahat ng soccer players ay nakatingin sa banda ko, kaya inabot ko ng kamay ko ang bola sa paanan ng bench na kinauupuan ko. Ngunit may malaking hadlang sa katawan ko dahilan kaya hindi ko maabot-abot ang bola. Tumayo ako para tuluyang maabot ito ngunit huli na nang kunin na ito ni Sanford.
"Thanks for trying though." nakangiting saad nito at saka mahinang tinapik ang balikat ko.
Hindi ko malaman ang sasabihin. Tagaktak na ang pawis nito sa pageensayo ngunit akong nakaupo lang kanina ay halos sumabay na rin ang pagagos ng pawis.
Umalis na ito sa harapan ko para ipatuloy ang pag-eensayo ngunit naiwan parin akong nakatingala. Ilang minuto pa ang nakaraan bago ko nakuhang maupo ulit nang lumingon uli ito sa akin at ngumiti.
Nginitian ko rin siya ng ubod ng lawak. Pinipigilan kong hindi mapasigaw. Gustong gusto ng puso kong sumigaw sa sobrang kilig. Wish ko na yatang sana ay ako nalang ang bola para lagi niya akong sinasalo at yinayakap kahit ilang kicker na ang sinisipa ako.
----------
Tumirik na naman ang mata ni Cream nang sabihin ko sa kanya ang nangyari kanina sa soccerfield. Ang weird talaga nito, hindi man lang kinikilig.
"Aasa ka na naman, tapos lagi ka na ulit tatambay sa bench malapit sa soccer field? Hindi mo man lang ba naisip na baka matamaan ka lang ng bola dun? Baka pagtripan ka lang ng mga ka'teammate ni Sanford. Saka, sigurado ka nga bang mabait yang Sanford mo? Nakikita mo ba ang mukha ng mga kabarkada niya? Birds with the same feather flock together!" panenermon na naman nito.
"Mabait si Sanford. Highschool palang tayo hindi siya gaya ng mga kaibigan niya." pagdadahilan ko naman.
"Ay sus!" She gave up. Then said, "Kung tamaan ng bola yang ulo mo, ma realize mo kaya na mag bibirthday ka na?!" changing the topic made her face bloom. "Anong gusto mo gift sa birthday mo?"
I smiled while elbowing her. "Sino kamo ang gusto kong gift?" I giggled.
Her eyes widened. "Correction, mabait si Sanford!" I added which made her glare. She angered how I went back to our original topic.
Totoo naman kasi. Hindi lang iyon ang unang beses na napansin ako ni Sanford. At ang unang beses na napansin niya ako ay ang dahilan kaya tuluyan akong nahulog sa kanya. Ngunit tiyak kong limot na 'yon ni Sanford. Hindi na kasi ako nito pinansin na ulit. But our first conversation would surely live in my memory forever. Dagdag pa ang ngiting binigay niya sa akin kanina. Ang aga yata ng birthday gift ko Lord?
BINABASA MO ANG
I Lost Her When She Lost Her Weight R-18
Teen FictionGretel Francisco was not the sexy type. She has the blessing of big weight and big appetite. Yet her heart was as big as her. In her heart was Sandro Kiamco. Ngunit pansinin kaya siya nito? O tulad ng iba ay babuyin din siya nito? Gaano nga ba kasak...