CHAPTER SEVEN: Surprise Gift Part I

94 4 0
                                    

DWIGHT'S POV

"Hmm... Alam mo may gift ako sayo." nginitian ko ng malawak si Gretel.

Naalala ko ang sulat na nabasa ko kahapon. Wala na sana iyon sa isipan ko pero naalala ko ulit nang makita ko sa big screen ang pagbati ng school kay Gretel.

It confirmed the letter then.

"Naku, hindi na naman kailangan Dwight." bakas sa bilog niyang mukha ang kaba.

That usual expression

Sanay na ako sa ganyang mga mukha ng mga inaasar ko.

"Naisip ko lang kasi matutuwa ka kapag binigay ko sayo ang gift ko. Tamang tama birthday mo" I widened my smile to cover what's in my mind.

Sa totoo lang ay impromptu nalang ang lumalabas sa bibig ko. Wala talaga akong gift para kay Gretel. Wala lang, para may masabi.

"Salamat." her voice seemed plain yet unsure. "Mauna na ako Dwight."

"Sige, see you sa classroom." then I left her with my usual look.

Balak kong pumunta ng canteen para may ma kain ako sa classroom pag nagutom ako.

Malapit na ako sa canteen nang magsabay kami sa paglalakad ni Sanford.

"Ang aga mo ah" he teased.

"Bakit? Ikaw lang ang pwedeng pumasok ng maaga?"

"Hindi yun, ang aga mong mambuska. Birthday na nga nung tao.. Nakuu"

Pinandilatan ko siya ng mata. 'Tong isang to akala mo kung sinong anghel.

"Hindi ka pa ba nasasanay? Ang dami mo'ng alam ha"

Nag-uusap pa kami ni Sanford nang may humarang sa aming lalaki na kung makaasta ay kanya ang daan. Nakikipagbiruan ito sa ilang kasama nito kaya hindi nito pansin na naharangan niya na pala kami

"Anak ng, paharang-harang" tinulak ko ito palayo. Nakakabanas. Hindi man lang tinitignan kung sino ang hinaharangan.

Nang itinulak ko ito ay tiyempo namang may lalaking may dala-dalang mga box sa likuran nung lalaking paharang-harang. Sumagid yung kamay niya sa lalaking may dala ng maraming box kaya ay nahulog ang mga dala nito.

Napalinga-linga ako sa laman ng mga box. May ilang may laman ng pagkain ng hayop, fertilizer at mga vitamins para sa hayop. Sa palagay ko ay Agriculture student ang isang to.

Tila may malaking bombilya ang pumatong sa ulo ko. May naisip akong magandang taktika. Ang talino ko talaga!

Pinulot ko ang buong box na may nilalaman ng gusto kong dalhin. Saka ay kumaripas ako ng takbo.

"Mauna na 'ko San!" napailing-iling lamang ito habang tinutulungan ang lalaking may-ari nung mga box.

***

GRETEL'S POV

Nagsusulat ako sa notebook ko habang naghihintay sa Prof namin. Kapag daw kasi after 30 minutes ay hindi pa rin dumadating ang Prof, pwede na kaming umalis dahil ibig sabihin no'n ay wala kaming klase.

Hilig kong magsulat ng kung ano-ano kaya Journalism ang course ko. Nasa dulo na ako ng sinusulat ko nang may pabagsak na umupo sa tabi ko.

Oo nga pala, kaklase ko si Dwight sa subject na 'to.

Ngumiti ito habang hinihingal. Halatang nagmadali itong makarating sa room dahil pawisan ito. Ngunit hindi bakas dito ang pagod.

"Guys!" kinuha nito ang atensyon ng mga kaklase namin.

"Na-greet niyo na ba si Gretel? Birthday niya." at talagang ito pa ang nagkalat ng birthday ko.

Hindi ako makapagsalita. Wala akong ideya sa kung anong pinagsasabi ni Dwight pero natutukso akong paniwalaan siya. May malaking bahagi ng puso ko na gusto ang ginagawa at pinagsasabi niya.

"Diba sabi ko sa'yo may gift ako. Ito yun Gretel" mukhang excited pa itong inabot ang isang box sa akin. "Sorry hindi ko nabalot. Nagmadali na kasi ako eh."

Nginitian ko si Dwight. Ngayon ay totoo na ang ngiting 'yun. Kaya siguro parang nagmamadali si Dwight nang dumating.

"Salamat, Dwight" yun lang ulit ang nasabi ko. Ilalagay ko na sana ito sa ilalim ng upuan ko nang humirit ang mga kaklase namin.

"Open the gift Gretel!" nahiya ako sa pinagsasabi nila.

"Oo nga, sige na Gretel!" hirit pa nung iba.

"Buksan mo Gretel, siguradong matutuwa ka" sabi ni Dwight.

Pati tuloy ako ay naintriga sa kung anong laman ng box. Kilala ng lahat si Dwight. Minsan ay nakikita ko siya na maybinubully na ibang estudyante pero kaibigan siya ni Sanford. It is something for me.

Napabuga ako ng hangin, Buksan ko kaya?

I Lost Her When She Lost Her Weight R-18Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon