Gretel's POV
Hindi ko kailanman inakalang magwawakas sa ganoong paraan sina Lara at Sanford. They are not just a couple; they are a perfect one.
Pero wala pala talagang perfect sa mundong ito.
Nakaupo ako ngayon sa bench sa parking lot. As usual, hinihintay ko si Manong Boy, driver namin. Baka kung saan na naman gumala yun. Hilig kasi nun mag long cut kapag susunduin na ako. Wala, trip niya lang.
Tumayo ako mula sa pagkakaupo. Naiinip na talaga ako. Pero alam kong kahit gaano katagal ni Manong Boy ay wala akong choice kundi maghintay.
I winced with the thought of riding a jeepney. Siguro ay iyon na ang isa sa greatest fears ko.
Naranasan ko na dating sumakay ng jeep. Pero bata pa ako nun. Mula ng magdalaga ako at mas lumaki pa ay hindi na ulit ako sumakay ng jeep.
Mas nakaka'humiliate kasi. Alam mo yung feeling na iisang tao ka lang pero parang tatlong tao na ang napunong pasahero kapag ikaw ang sumakay?
'Maglalakad-lakad na lang ako para hindi ako mainip'
Nagsimula akong maglakad at magikot-ikot sa parking lot. Kaso iilang minuto pa lang ay hinihingal na ako. Ramdam kong pinagpapawisan ako kaya ay hinawakan ko ang bandang leeg ng blouse ko at inilayo ng bahagya sa katawan ko para makapasok ang hangin. Paulit-ulit ko itong ginawa na parang pinapaypayan ang sarili hanggang sa makaipon ako ng sapat na hangin para makapaglakad ulit.
"Nice place to exercise" napalingon ako sa nagsalita.
"Ahh.. Hin.." bigla akong nautal nang makilala ko ang kaharap ko.
"Sanford by the way" saka ay inabot niya ang kamay sa akin ng nakangiti.
Sa kabila ng nakita ko kanina, heto parin siya. pinapakilig niya pa rin ako sa kahit anong gawin niya.
"G..Gretel" I then threw him back a smile.
"Yeah Gretel, I thought we already knew each other back then. Hindi na natin kailangang magpakilala sa isa't isa" saka ay humalakhak ito.
Is this his way of getting Lara out of his mind?
"Syempre lahat naman nakakakilala sa'yo." nakayukong sabi ko
Pero ba't kilala niya rin ako?
Magsasalita na sana siya ngunit inunahan ko na ito, "And of course, everyone would know me, I'm unique" sabay paglahad ko ng aking mga kamay sa aking kabuuan.
"No, not that." he then backed off, refusing what I meant. "I remember you as that cute girl in hawaiian with a lovely scar at her back"
Ohmigosh!
Namula ako ng bahagya sa sinabi ni Sanford. Naalala niya pala ang siyang dahilan kung bakit crush na crush ko siya?
And that scar.. he saw it? Nakakalungkot naman at sa dami ng mga bilbil ko, hindi man lang nito nagawang takpan ang peklat ko sa likod.
"Ang tagal na nun" sa gulat ay yun lang ang nasabi ko.
"Hmm, oo nga no. But how can I forget? Ikaw lang ang may ganoong scar sa likod" he then grinned at me making me melt so bad.
Saka ay naalala ko ang nakita kong tagpo nila ni Lara. How could he hide it all inside? Siguro ay kailangan niya ito ngayon, ang may kausap.. para makalimutan niya ang kanina.
"I got the scar from an accident. Alam mo ba, parang amulet ko 'to" sabay hipo ko sa may bandang likod ko kung saan naroroon ang aking peklat. "My brother and I was robbed back then when I was still 9, he was 13 that time. He had a good built kaya mukha siyang matured kaysa sa edad niya. Nanlaban si kuya agad nang makita niyang hinablot ako nung humold-up sa amin. The man stabbed me at the back.. while he.. he stabbed my brother to death."
Kita sa mukha ni Sanford ang pagkalungkot sa narinig. I then continued knowing he was listening, "Bata pa ako nun pero naiisip kong kung alam ko lang na ganun ang mangyayari sana ako nalang ang nawala. Minsan naiisip ko it would have been better kung ako yung nawala. But now, I know my brother is in a lot safer place. Things happen for a reason." I smiled hoping my story would make him feel better.
"Gretel.. I'm sorry for bringing it up.. about the scar"
I smiled at him showing I am fine. I thought it might give him relief knowing everyone has experienced different downs, not only him did.
"It's okay.. because the good thing is, my scar formed into something that reminds me of my brother. It's priceless"
Ngayon ay nakatanaw lang siya sa akin. He's gasping everything I told him and then nodded.
"Ang tapang mo para hindi na umiyak kapag naalala mo yun" he now smiled tapping my head.
"Bata pa kasi ako nun" pagdadahilan ko.
"Eh ngayon? Hindi ka na naiiyak?" pang-aasar niya.
"Hindi na, malaki na 'ko" matapang at malawak ang ngiti kong sabi.
Napabungisngis lamang ito, "Promise.." bahagya niyang inilapit ang mukha niya sa tenga ko at bumulong, "I would kiss you if you'd cry."
Namilog ang mga mata ko sa sinabi ni Sanford.
Ano daw?
Pwede ba'ng umiyak ako ngayon agad-agad?
Hindi paman nakakalipas ang isang minuto ay nakarinig ako ng malakas na busina.
Si Manong Boy!
Sabay kaming napalingon sa sundo ko.
Walastik na, Manong Boy naman.. panira.
"Sundo mo?" tanong ni Sanford.
Tumungo lang ako sa kanya. Hahakbang na sana siya paalis nang, "Before I forget, button your blouse Gretel. Huwag ka kasi sa school mag exercise, saka na kapag naka P.E uniform ka" he then walked pass me with a teasing smile and left me with an embarrassed red face.
I looked down at my blouse and saw 2 from the 5 buttons of my blouse unbuttoned.
BINABASA MO ANG
I Lost Her When She Lost Her Weight R-18
Novela JuvenilGretel Francisco was not the sexy type. She has the blessing of big weight and big appetite. Yet her heart was as big as her. In her heart was Sandro Kiamco. Ngunit pansinin kaya siya nito? O tulad ng iba ay babuyin din siya nito? Gaano nga ba kasak...