GRETEL'S POV
Malamig ang ulong naglakad ako papuntang entrance ng school.
Sabay ng pagswipe ko ng ID ko sa guard's station ang pag pop-out ng picture ko sa malaking tv sa tapat ng entrance.
Lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ang "Happy Birthday" sa ibaba ng picture ko. Kita ng lahat ng papasok sa school ang monitor kaya may ilang binati ako. Nginitian ko lamang sila sapagkat iilan sa kanila ay kasamang pangungutya ang pagbati. Well, hindi na mawawala yun.
'Hindi ko sisirain ang araw ko sa pag-iisip sa kanila', anas ko sa sarili ko.
Regular sa eskwelahan na batiin ng monitor sa guard's station kapag kaarawan kaya expected ko na iyon. Kailangan kasi na ma'swipe ng mga estudyante ang mga ID sa machine bago makapasok ng entrance gate for security reasons kaya hindi maiiwasang hindi mahagip ng monitor, isa pa there is that happiness within kapag nakita mo ang pangalan mong binabati sa monitor.
"Happy birthday!" napalingon ako sa nagsalita.
It's Dwight...
Hindi ko parin mawari kung talagang palabati lang ito o kaya ay may iba pa itong iniisip bukod sa nakikita ko.
"Hmm... Alam mo may gift ako sayo." malawak ang ngiting saad nito.
Ayoko na sanang paunlakan pa si Dwight. Notorious ito, ngunit tulad ng nakagawian ay ayokong sirain ang araw ko.
"Naku, hindi na naman kailangan Dwight."
"Naisip ko lang kasi matutuwa ka kapag binigay ko sayo ang gift ko. Tamang tama birthday mo" mas lumawak pa ang pagkakangisi nito. Gwapo ito, ngunit hindi talaga ako komportable sa presensiya nito.
"Salamat." wala na akong ibang masabi. Wala naman sigurong masama kung bigyan niya rin ako at tanggapin ko. "Mauna na ako Dwight." segunda ko.
"Sige, see you sa classroom." he then managed to leave with his happy-go-lucky look.
Naglakad na ako patungong classroom. Maging si Dwight pala ay naabutan ang pagbati sa akin ng monitor sa guard's station. Lihim ko na lang iyong ikinatuwa.
SANFORD'S POV
"Why can't you just quit?" eto na naman ang paulit-ulit na punto ni mommy.
"Mom, I have already started the game." pagsegunda ko sa paulit-ulit ko ring sagot.
"It's now or never Sanford." napabuntong-hinga ako sa pagbibigay ni mommy ng ultimatum.
We are on our way to school habang bumper to bumper ang mga sasakyang patungong first gate ng school. Hindi ko na sinagot pa si mommy. Hahaba lang ang usapan.
Si Lolo ang unang nagturo sa aking maglaro ng soccer. It's the only thing I have left from him. Maski picture ay itinapon na lahat ni mommy.
Itinakwil ni Lolo si Mommy dahil nagawa parin ni Mommy na balikan si Daddy matapos ang ginawa nito sa amin nang malamang nagdadalang tao si Mommy sa akin. Nagulat si Daddy no'n at iniwan si Mommy. As a father, lolo accepted us but was hurt for Mom.
Mom promised to never communicate with Dad again but Dad felt sorry. Bumalik si Daddy, promising us a family. Mom knew how hard it is to be a single parent since lolo himself was a single parent. Pinaliwanag niya na ayaw niyang maging katulad ni Lolo. Ayaw niyang lumaki ako na walang ama. Lolo didn't understand her point. All he knew was that we are all set to leave him.
Si lolo ang sponsor ng national soccer olympics. I knew that's the very reason why she wanted me to stop playing. Ayaw niyang umabot ako sa nationals. Alam ko na 'yun ang rason niya dahil iyon din ang rason ko kung bakit ako sumali ng soccer team. She's afraid to let lolo know that her relationship with Dad failed the same as how Lolo thought. But, I want to meet lolo again.
This is my game, not even Mom can stop me from playing.
Nang malapit na kami sa first gate, mula sa bintana ng sasakyan ay nakita ko si Gretel. Napangiti ako nang maalala ko kung paano siya namula kahapon. It felt weird pero saglit kong nakalimutan ang pag-uusap namin ni Lara. Talking to Gretel yesterday made me feel more welcome to see a greater world. A world that is not locked only to me and Lara.
And her blouse unbuttoned..
I inevitably smiled wide. Para siyang bata, I thought.
If Lara was as young as her, would she have cheated on me still?
I knew Lara have grown matured and tired of what's set for us. Pero hindi parin dahilan 'yon para pagtaksilan ako.
I whisked my head and looked ahead. Again, Gretel caught my eyes.
Ayaw ko sa mga pinagagawa ni Dwight. Hindi ko kailanman naisipan mang'bully but I had that urge to tease Gretel even a little. Siguro ay dahil sinasabi nila na may gusto siya sa akin.
Bukod tangi si Gretel sa mga estudyante na papasok ng first gate, considering her huge weight. Minsan naiisip kong naaawa ako sa kanya. Alam kong mahirap dalhin lahat ng hinanakit ng kapag laging na bubully.
I remember when I saw her having a hard time picking her books. I knew deep inside she also wanted to be able to do things normally.
And that guy who helped Gretel pick up her last book..
He looked familiar. Ngayon ko lang napagtanto na parang nakita ko na nga siya.
Natigil na lamang ako sa pagiisip nang makarating na ang sasakyan namin sa first gate.
"I'm going, Mom" I reached her cheek to kiss her goodbye but she refused.
Nagtatampo na naman si Mommy.
"Mom.."
"Quit soccer." she insisted
"No matter what you say, I'm happy with soccer." saka ay dali-dali ko siyang ninakawan ng halik sa pisngi and banged the car door close.
Eksaktong paglingon ko sa first gate ay nakita ko sa monitor sa may guard station ang picture ni Gretel. Sa ibaba nito ay may nakasulat na 'Happy Birhday'
I threw her a look to see how she responded to the greeting and smiled when she seemed smiling too.
Until I saw Dwight smiling too at her back.
BINABASA MO ANG
I Lost Her When She Lost Her Weight R-18
Teen FictionGretel Francisco was not the sexy type. She has the blessing of big weight and big appetite. Yet her heart was as big as her. In her heart was Sandro Kiamco. Ngunit pansinin kaya siya nito? O tulad ng iba ay babuyin din siya nito? Gaano nga ba kasak...