GRETEL'S POV
Parang kailan lang nang naghighschool kami ni Cream, pero heto kami ngayon at parehong mga kolehiyala na.
Napangiti ako nang maalala ko sa Cream.
Cream is my bestfriend. Napagkasunduan naming sa parehong university parin mag-aral ng college since sikat na school din naman ang pinapasukan namin sa highschool, napagpasyahan naming dito pa rin mag-aral.
Pero nasa major in Music ang kinuhang kurso ni Cream. Well, she's good at it. Kaya naman napilitan parin kaming maghiwalay ng bestfriend ko. I definitely have no talent in music! Aminado naman ako dun.
"Huy!" gulat sa akin ni Cream.
Agad akong nanigas sa ginawa niya, dahilan kaya nahulog ang hawak kong Nova.
"'To naman, kung makagulat ka ha. Nahulog tuloy yung pagkain ko" pagrereklamo ko sa kanya.
"Naman, ang lalim kasi ng iniisip mo. Tsaka dapat kasi bawas-bawasan mo na ang pagkain niyang junkfood."
I was taken aback. Minsan lang kasi ako nito pagbawalan sa mga gusto kong gawin.
"Yes Ma'am" sumaludo pa ako sa kanya sabay abot ko sa kanya sa kakapulot ko palang na Nova. "Oh eto sa'yo na. Mas kailangan mo yata to eh."
Inismiran niya lang ako.
Cream is a certified nerd. But she's beautiful in the inside. No one notices because everyone seemed to already live by basing on the outside.
Nakakapagpa-weird kasi sa kanya ang eyeglasses niyang sobrang kapal, pati na rin ng get-up niyang makaluma.
Kaya nga habulin kami ng pambubuska eh. Pero madalas ay sa tingin ko'y nadadamay lang siya sa akin. Ayusan lang kasi siya ay puwede na, samantalang ako ay.. hindi na matatago ang taba.
"Ayoko ng Nova, hindi masarap. Pati na ng chocolate mousse. Yucks, kadiri!" pagmimick niya pa sa mga sosyal na nasa tabi naming lamesa.
Nasa canteen kasi kami. And once again, pinandidirian na naman ng mga estudyante na naririto rin.
"Ang sarap kaya nun! Wag ka ngang ganyan, ginugutom mo naman ako eh"
"Ah basta, hindi ka na kakain non mula ngayon okay?"
Agad akong naguluhan sa inaakto ni Cream. Hindi naman kasi siya dating ganoon. Bakit niya ako pinagbabawalan sa mga pagkaing alam niyang gustong gusto kong kainin?
Mariin kong tinitigan si Cream habang nakahalumbaba.
"May problema ba?" giit ko sa kanya.
Saka ay inabot niya sakin ang dala niyang libro na nakabukas na. Binasa ko ang nilalaman nito, umaasang masasagot nito ang katanungan ko kay Cream.
Agad na nakapa ng mga mata ko ang nakahighlight na mga letra....
'causes of diabetes'
Sinapok ko sa kanya ang libro sa bandang balikat.
"Binibigyan mo na agad ako ng sakit, umiiral na naman ang pagka bookaholic mo!" inirapan ko si Cream sabay simangot.
BINABASA MO ANG
I Lost Her When She Lost Her Weight R-18
Teen FictionGretel Francisco was not the sexy type. She has the blessing of big weight and big appetite. Yet her heart was as big as her. In her heart was Sandro Kiamco. Ngunit pansinin kaya siya nito? O tulad ng iba ay babuyin din siya nito? Gaano nga ba kasak...