DWIGHT'S POV
Ilang oras ko nang hinihintay si Alia dito sa labas ng gymnasium. May practice pa kasi siya ng pep squad. Parang gusto ko nang maasar sa sarili ko habang hinihintay siya.
Why do I even need to wait for her? Kung alam niya kung sino ako, no doubt she would be the one to troll along my back, begging to tell the whole story about me and our father's past.
Who would expect a prestigious senator to have an illegitimate child?
Ilang beses ko nang tinangkang sabihin kay Alia ang totoo. I also wanted to be a part of a family. I wanted her to know that she has a brother. Naiinggit ako sa kanya pero habang nakikita ko siya at kung ano ang kinalakihan niyang buhay, I thought life was really made fair square.
Ilang minuto ang nakalipas nang mula sa labas ay papasok sana ng gym ang isang kasamahan ni Alia sa squad.
"Payatot!"
Hindi man lang ito lumingon kaya tinawag ko siya ulit, "Hoy payatot!"
Saka na ito lumingon. I saw her eyes glared when he saw me then. Naglakad siya palapit sa akin na siyang mas nakapagpangisi sa akin.
"Mag-iingat ka." dagdag ko na mistulang iniiba ang ekspresyon ng aking mukha.
She seemed puzzled. I grinned a bit to withdraw her temper. Hindi rin nagtagal ay wala na sa mukha nito ang pagkapikon.
"Mag-iingat ka, baka magkawatak-watak ang mga buto mo 'pag intinapon ka ng ka'squad mo" I said and winked at her.
Bago pa man mag-iba uli ang ekspresyon niya ay tinalikuran ko na siya. Nakakabagot, matagal pa siguro ang practice ni Alia ngayon kaya ay uuwi nalang ako. Wala na ako sa mood. Plano ko pa naman sana ay makipagkilala man lang sa kanya. I can only imagine kung anong magiging reaction ni Dad pag nalaman niya from Alia that she knows me.
Gabi na kaya madilim na sa school. Bilang nalang din ang mga estudyante na hindi pa umuuwi. Naramdaman kong may patak ng tubig mula sa ibabaw kaya itinaas ko ang palad ko para makumpirma kung umuulan ba.
'Umaambon na nga'
Saka ay tumakbo ako papuntang covered walk bago pa lumakas ang ulan. Hindi pa man din nakaka-abot ng covered walk ay may nakabunggo akong babae. Marami itong dala kaya ay nahulog ang mga ito.
Mabilis nitong pinulot ang mga gamit nito at saka ay tumakbo uli palayo. Sa pagmamadali ay naiwan nito ang isang handmade envelope. Pinulot ko ito at saka dali-daling tumakbo papuntang covered walk.
Wala akong balak ibigay ito uli sa may-ari nagbabakasakali lang, malay mo may lamang pera o kung ano.
Handmade nga ito at pinagtiyagaang gawin. I flipped it back to see more of it and figured there was a picture.
Napabuga ako ng hangin at napangisi, kilala ko ang nasa picture.
Saka ay binuksan ko ang envelope para malaman kung anong laman.
Lintik na! Love letter lang yata.
Binuklat ko ang sulat sa pagkakatupi at nagsimulang basahin iyon.
Unang-unang nakalagay ang date para bukas bago ang laman nito. I figured the letter will be given supposedly tomorrow.
Hi Gretel,
HAPPY BIRTHDAY..
Hindi ko na tinapos ang pagbabasa. I looked at the picture again and grinned. A very happy picture indeed. Then, I crumpled it and threw it away.
BINABASA MO ANG
I Lost Her When She Lost Her Weight R-18
Teen FictionGretel Francisco was not the sexy type. She has the blessing of big weight and big appetite. Yet her heart was as big as her. In her heart was Sandro Kiamco. Ngunit pansinin kaya siya nito? O tulad ng iba ay babuyin din siya nito? Gaano nga ba kasak...