Chapter 3: Pangatlong Kama

3.2K 140 5
                                    

"Are you sure hindi na kita sasamahan dito sa labas ng ancestral house ninyo Demi?"

"Yah, I'm sure. I'll just press the doorbell. Thanks Nick. You may go home now. Ingat din sa pagmamaneho."

Napabuntong hininga ako. Naihatid na rin ako ni Nick dito sa bahay namin ng pamilya ko sa bayan ng La Paz.

Hindi ko mawari ang aking nararamdaman ngayon. Masaya na kinakabahan at may halo pang takot.

Siniyasat ko ng mabuti ang kabuuan na hitsura ng bahay sa labas ng lumang gate nito. Walang pinagbago. Mukhang naalagaan naman mabuti ni Tita Heather ang ancestral house.

Pinindot ko na ang doorbell para pagbuksan na ako ni Tita Heather ng gate. Habang naghihintay sa pagbukas ni Tita Heather ng gate ay napatingin ako sa screen ng iPhone ko. 11:30 PM na pala ng gabi. Malapit na mag madaling araw.

"Demi?" Dinig ko bigla sa harap ng gate. Pinagbuksan na pala ako ni Tita Heather.

"Tita Heather!" Masaya kong sabi sa kanya. Agad naman ako ginawaran ng mahigpit na yakap mula sa kanya. Dama ko ang kanyang pagkasabik sa muli namin pagkikita.

"Tara pasok na tayo." Sabi niya sa akin. Tumango naman ako.

Pagkapasok namin sa loob ng bahay ay nakaramdam agad ako ng pagkagaan ng kalooban. Masaya ako na muling nakaapak sa loob ng ancestral house namin kung saan ako lumaki.

Agad na nakapukaw ng pansin ko sa loob ng bahay ang mga picture frames na nakadisplay sa mga lamesitas sa salas. Mga larawan ng iba't ibang henerasyon ng amin pamilya simula sa amin mga lolo at lola. Pero ang mas nakaagaw ng aking pansin ay ang picture frame na magkakasama kaming tatlo ni ate Selena at ng amin pinsan na si Juno. Ang saya namin sa larawan na ito. Kuha ang larawan na ito noong seventeenth birhday ni Juno. Yung suot niyang damit sa larawan, ang puting damit na niregalo ko sa kanya naman noong nag tapos kami sa high school. Iyan din ang suot niya ng natagpuan siyang patay.

Bigla naman akong napabalikwas nang naramdaman kong may pumatong na kamay sa kanang balikat ko. Pag lingon ko ang aking Tita Heather lang pala.

"Ano Demi gusto mo ba kumain muna? Baka nagugutom ka?" Tanong niya sa akin.

"Hindi Tita Heather." Matipid kong sagot. Bigla ko naman naalala ang aking regalo kay Tita Heather. Kinuha ko agad ang maliit na kahon na nababalot ng gift wrapper na kulay asul sa aking bag.

"Happy Birthday Tita Heather! Regalo ko nga pala sa inyo." Masaya kong sabi.

"Salamat Demi. Nag abala ka pa." Nahihiyang sabi sa akin ni Tita Heather.

"Buksan ninyo na po." Sabi ko sa kanya. Sabik naman na binuksan ni Tita Heather ang aking maliit na regalo. Pagkasira naman ni Tita Heather sa balot ng regalo ay bumungad sa kanya ang isang maliit na kahon. Kahon na naglalaman ng isang mamahalin gold necklace na binili ko pa sa Paris nang nagbakasyon ako mag isa noong nakaraan summer.

"Napakaganda Demi. Salamat dito."

"You're welcome Tita Heather." Pagkatapos no'n ay niyakap ako ni Tita Heather.

Habang yakap ako ni Tita Heather ay bigla kami pareho nagulat nang narinig namin nahulog ang isa sa mga picture frame na nakadisplay sa lamesitas.

Agad na nilapitan ni Tita Heather ang picture frame. Nakataob ito nang nahulog sa sahig. Lumapit din ako rito. Pagkadampot ni Tita Heather sa picture frame ay nabasag pala ang salamin na nakalagay dito. May mga butil pa ng bubog na nasa sahig. At ang picture frame na nahulog ay ang larawan na kuha noong seventeenth birthday ni Juno.

"Nabasag. Sayang naman. Bibili na lang ako bukas ng pamalit dito sa central mall pagkatapos mag simba sa umaga." Sabi ni Tita Heather.

"Linggo nga pala bukas Tita Heather sasama ako sa inyo sa pag simba."

"Sigurado ka? Ayaw mo ba matulog at magpahinga na lang muna sa bahay. Panigurado pagod ka sa biyahe." Tanong sa akin ni Tita Heather.

"Sigurado po ako Tita Heather gusto ko po mag simba kasama ninyo."

"Sige, kung gano'n sasamahan na kita sa iyong kuwarto nang makapagpahinga ka na. Alas nuwebe ng umaga ang misa na dadaluhan natin."

"Opo." Pagkatapos no'n ay sinamahan na ako ni Tita Heather sa aking kuwarto.

Ang kuwarto na tutulugan ko ay ang ginagamit namin tatlo nina ate Selena at Juno noong nandirito pa kami lahat.

Ang nostalgic ng feeling habang pinagmamasdan ko ang buong kuwarto. Parang kailan lang magkakasama pa kami rito na natutulog.

Nanariwa sa aking alaala bigla yung panahon na nandirito pa kami pareho ni Juno. Noong high school bago matulog nagkukuwentuhan pa kami ni Juno ng mga nangyari sa amin sa eskuwelahan. Lalo na noong mga panahon na nililigawan pa lamang siya ni Nick. Grabe, sobrang kilig na kilig si Juno kapag nagkukuwento siya kung paano siya sinusuyo sa ligaw ni Nick. Pati tuloy ako kinikilig. Ang sarap lang balikan ng mga masasayang alaala noon. Pero nakakamiss din kasi wala na si Juno.

Sa loob ng kuwarto rin ay may tatlong kama. Sa pagkakaalala ko yung unang kama sa kaliwa ay gamit ni ate Selena. Ang pangalawa naman sa gitna ay akin at ang pangatlo sa kanan kay Juno.

Gusto ko muna maligo bago matulog. Inilapag ko na ang dala kong bag na puno ng aking mga damit sa kama. Buti na lang din at may banyo sa loob ng kuwarto namin.

Nang nasa loob na ako ng banyo ay inusisa ko muna ang tubig na dadaloy sa shower. Pagbukas ko sa shower ay itinapat ko ang aking kamay dito. Dama kong maligamgam ang tubig. Buti naman kung gano'n. Hindi ako giginawin sa pagligo ko ngayon gabi. Sinimulan ko na ang pagligo di kalaunan.

Sa kalagitnaan ng aking pagligo ay biglang natigilan ako. Marahan kong isinara ang shower. Narinig ko kasi na may bumukas ng pintuan sa kuwarto. Dinig ko ang yabag ng paa. Baka si Tita Heather lang iyon kaya ipinagkibit balikat ko na lamang. Muli ay ipinagpatuloy ko ang pagbabanlaw na sa aking katawan. Mayamaya pa ay natapos na rin ako maligo. Nagpunas na ako ng tiwalya sa aking basang katawan.

Pagkalabas ko ng pintuan sa banyo ay biglang nanlaki ang aking mga mata. May taong nakahiga sa pangatlong kama. Sa kama ni Juno! Ngunit hindi ko batid kung sino ito dahil nakatalukbong ang buong kumot sa kanyang katawan.

-----End of chapter 3-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon