Marahan akong naglakad papunta sa kama ni Juno habang sapo-sapo ang aking dibdib. Kinakabahan ako. Sino siya? Sino itong nakahiga sa pangatlong kama?
"Sino ka?" Mahina kong sabi. Ngunit wala akong nakuhang kasagutan sa aking tanong. Nagkibit balikat na lamang ako at mas lumapit pa lalo kahit nanginginig na ang aking mga tuhod dahil sa kaba't takot.
Nasa gilid na ako ng kama. Sino ba siya? Hanggang sa narinig kong parang humikab ang taong natatakluban ng kumot. Isang boses ng lalaki ang pagkakaintindi ko sa hikab nito. Sa gulat ko sa hikab na pagkakabatid kong boses lalaki ay bigla akong napaatras at natumba ng malakas sa sahig. Naging dahilan naman ito upang magising ang lalaking natutulog sa kama ni Juno. Agad na naalingpungatan ito at inilihis ang kanyang kumot.
Pareho kami namilog ang mga mata nang nakita namin ang bawat isa at sabay napasigaw sa gulat.
"Aaaaaaahhh!"
"Sino ka?" Bigla kong tanong sa kanya.
"Ako? Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko niyan?" Nauutal na sagot naman sa akin ng lalaki.
"Ano ang nangyayari rito?!" Biglang basag sa amin ni Tita Heather nang pumasok siya sa kuwarto.
"Tita Heather sino ang lalaki na ito?" Agaran kong tanong kay Tita Heather. Hindi naman agad ako sinagot ni Tita Heather. Bigla lang siya napangiti at natawa.
"Tita...?" Kunot noo kong sabi.
"Pasensya na Demi. Nakalimutan kong sabihin sa'yo na hindi lang ikaw ang mag babakasyon ngayon dito sa ancestral house natin." Sagot sa akin ni Tita Heather.
"Meet Joe. Siya nga pala ang aking inaanak sa isa kong kumare na nasa Italy. Joe is Filipino-Italian. He will just stay here for a one month vacation. Dito rin ang kuwarto niya." Pagpapatuloy ni Tita Heather.
What the fudge! Seriously, dito rin matutulog ang lalaki na iyan sa kuwarto. Isn't too awkward if we will share the same bedroom? For Pete's sake!
"Okay." Matipid kong sabi na lang kay Tita Heather na may pilit na ngiti.
"Sige na, matulog na kayo at maaga pa tayo gagayak para sa pag simba bukas." Sabi sa amin ni Tita Heather at pagkatapos ay lumabas na siya ng kuwarto namin.
Binalingan ko naman ng masamang tingin si Joe habang siya naman ay nakangisi lang.
"The fudge." Mahina kong sabi sa kanya.
"Don't worry I'm harmless haha." Mayabang na sabi sa akin ni Joe.
"Jerk tss." Tugon ko sa kanya sabay irap at kinuha ko agad ang aking kumot at unan. Naisip kong sa salas na lang matulog. Alanganin ako sa inaanak ni Tita Heather. Guwapo at maamo ang mukha kaso parang hindi rin mapapagkatiwalaan. Mukha siyang manyak! Asar naman!
"Hey, where are you going?" Tanong sa akin ni Joe. Pero hindi ko siya sinagot. Diretsong lumabas lang ako ng kuwarto.
I would rather choose to sleep at the living room than to stay inside the bedroom with that Joe.
Nandito na ako sa salas at nakahiga na rin sa sofa. But I still couldn't sleep. I'm having a hard time to get a good position here to sleep. I don't usually sleep on sofa. Kung hindi lang dahil sa Joe na iyon!
Naisipan ko bigla tingnan ang aking cellphone. 1:30 AM na ng madaling araw pero hindi pa rin ako dinadapuan ng antok. Hindi ako komportable kasi sa sofa kahit malambot pa ito. Nakabaluktot ang aking katawan dito. Hindi naman gano'n kahaba ang sofa kasi kaya mapipilitan talaga ako bumaluktot para mag kasya lang dito.
Inilapag ko na ang aking cellphone sa katabing lamesitas. Sinubukan kong ipikit ang aking mga mata at matulog muli. Habang nakapikit at pinipilit na makatulog parang nanibago bigla ang pakiramdam ko sa salas. Parang lumamig at may nararamdaman akong malakas na ihip ng hangin. Bago ako humiga sa sofa kanina nakita ko ang mga bintana lahat ay nakasara. Wala rin naman air condition o hindi kaya electric fan na nakabukas malapit sa akin. Kaya nakakapagtaka. Hanggang sa bigla akong napadilat ng mga mata. Parang may narinig akong nabasag na ceramic sa kusina. Naisipan kong bumangon sa sofa at tumungo ng kusina.
Habang naglalakad sa salas patungo ng kusina ay mas naramdaman ko ang malakas na ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat. Nararamdaman ko na rin nagsisimulang tumayo ang aking balahibo sa buong katawan.
Ilang dipa na lamang at malapit na ako sa kusina nang biglang may naulingan akong mukhang nabasag na naman ulit na pinggan o baso. Bigla na akong kinabahan.
Nasa tapat na ako ng pinto sa kusina. Bubuksan ko na ang seradura nang naramdaman kong kusa itong umiikot para bumukas. Bigla kong binitawan ito at napaatras ako ng isang dipa sa pagkabigla.
Pinagmasdan ko mabuti ang seradura. Nakakakilabot. Kusa itong gumagalaw mag isa. Nang biglang tumigil ito sa pag ikot. Humakbang pa ako papalapit sa pintuan at tinangkang buksan na ang seradura. Sa pagkakataon na ito ay nabuksan ko na ang pinto. Nakapikit akong pumasok sa madilim na kusina. Ganito talaga ako ever since. Parang bata lang na takot sa dilim kung kaya ay nakapikit lamang ang mga mata.
Kinapa ko nang mabuti ang switch ng ilaw hanggang sa naramdaman ko na ito at nabuksan. Nang nabuksan ko na ang ilaw ay doon ko na muli naimulat ang aking mga mata.
Napakunot ako ng noo nang nakita ko ang buong kusina. Wala naman mga basag na pinggan o baso sa sahig. Pero alam ko ang aking narinig kanina. Malinaw na malinaw. May narinig talaga akong nabasag pero bakit ganito? Bakit parang wala naman nangayari na kakaiba sa loob ng kusina. So, weird. Nang bigla naman may naulinigan akong parang meron umaagos na tubig sa gripo sa loob ng banyo na malapit lamang sa kusina. Tinungo ko naman ang banyo. Pagpasok ko sa banyo ay nakita kong literal na may umaagos nga na tubig sa gripo. Umaapaw na rin ang tubig sa timba. Pero nakakapagtaka lang at wala naman tao sa loob ng banyo. Sinarado ko na lamang ang gripo pagkatapos ay naisipan ko ng lumabas sa banyo. Ngunit hindi pa ako nakakalapit sa pintuan nang biglang narinig kong may umaagos na naman muli na tubig sa gripo. Binalingan ko ito ng lingon at nakabukas nga muli ang gripo. Sa pagkakataon na iyon ay muling kinilabutan ako. Alam ko may hindi na tama. Natatakot man ako ay lakas loob kong nilapitan ang gripo para patayin. Nang napatay ko na ito ay napahinga ako nang napakalalim.
Papalabas na ako ng pintuan nang bigla naman namatay ang ilaw. Napatigil naman ako sa aking kinatatayuan dahil madilim. Sinubukan kong kapain ang switch ng ilaw. Nang nakapa ko na ito sa pader ay agad na pinindot ko ito. Sa pagbukas ng ilaw ay tila naging estatwa na ako sa aking kinatatayuan. Yung timba biglang nakatumba na sa sahig ng banyo. Ang mga ilang gamit din kagaya ng tabo, sabon, at bote ng shampoo ay nakakalat na sa sahig!
Sa sobrang gulat at takot ko kumaripas na ako ng takbo papalabas ng banyo pabalik ng salas.
-----End of chapter 4-----
Please vote and comment below. Thanks.

BINABASA MO ANG
Juno (Series Vol. I Completed)
Korku(Dark Fantasy Series #1) Highest Ranks: #1 in Katatakutan 8/19/21 #1 in Paranormal 8/3/21 #10 in Katatakutan 6/12/21 Brief Synopsis of Juno: Isang kababalaghan sa nakaraan ang muling babalikan ni Demi sa bayan ng La Paz, sa probinsya ng Tarlac na...