Chapter 7: Pagpupuyos Ng Damdamin

2.6K 116 1
                                    

Desyembre 2, 2014

Nakakakaba alas diyes na ng gabi at hindi pa kami pareho nakakauwi ni Juno sa bahay. Kasalukuyan namin na nilalakad ang madilim na kalye ng Bonifacio. Kakatapos lang kasi ng birthday ni Taylor sa bahay niya kanina kasama ang iba namin mga ka-batch sa highschool at ilan malalapit na kaibigan pa. Bigla naman napatingin ako kay Juno na kanina pa tahimik at mukhang balisa simula nang umalis kami sa bahay ni Taylor.

"Ayos ka lang?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi ito tumugon. Binalingan lamang ako ni Juno ng isang matamlay na tingin.

"Ang weird mo." Sabi ko sa kanya.

"Hindi natin dapat ginawa iyon." Sabi sa akin bigla ni Juno.

"Ang ano?" Kunot noo kong tanong sa kanya.

"Alam mo ang tinutukoy ko Demi." Seryosong turan niya. Bigla naman akong napahinga nang napakalalim dahil sa kanyang sinagot sa akin.

"You know what, you're just thinking too much. Wala lang iyon. For sure everything are all prank made by Taylor." Sabi ko sa kanya. Naglaro kasi kami kanina sa kuwarto ni Taylor ng ouija board. We tried to summon a spirit. Guess what happened. A spirit from nowhere joint our game a while ago. The medium which is called planchette just moved itself on the ouija board. But I have a doubt that is not for real. I have this feeling that our friend Taylor is making some prank with us. Mahilig kasi siya mag biro o gumawa ng ghost prank sa amin mga kaibigan niya na natutunan nito sa mga videos on Youtube. For me its scary but a bit fun as well. But in Juno's point of view its different. For her its real. She really thought that we summoned a spirit from nowhere at hindi iyon maipagkakaila sa nahihintakutan na mukha ni Juno.

"I'm not over thinking Demi. I felt it. Not just I felt it, but I saw it too!" Sagot sa akin ni Juno sabay takbo papalayo sa akin. Napakunot noo na lamang ako sa kanyang sinabi at inakto.

Sabi niya, she just not felt it, but saw it too? Wirdo niya. Ano'ng pinagsasabi niya? Nasobrahan ba siya ng champagne na ininom namin sa birthday party ni Taylor? Bakit ako hindi naman nalasing? Gulo niya. Napakamot na lang tuloy ako sa aking ulo.

Ang tanging iniisip ko na lang ngayon ay huwag kami mahuli nina Tita Heather, Mom, and Dad na ngayon pa lang pauwi ng bahay. Kapag nagkataon baka ma-grounded kami.

Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay nakarating na rin kami sa labas nitong gate ng bahay. Nakapatay na ang buong ilaw. Mukhang tulog na ang lahat. Mukhang hindi naman kami pareho mahuhuli nila Tita Heather na masyadong nalipasan na ng gabi sa daan pag uwi.

Marahan namin binuksan ni Juno ang pinto sa harap ng bahay gamit ang duplikado kong susi nito. Pagpasok sa loob ng bahay ay agad kong hinubad pati si Juno ang amin mga sapatos upang hindi marinig ang yabag ng mga lakad namin nila Tita Heather.

Makalipas ang ilang sandali pa ay narating na namin ang amin kuwarto. Pagbukas ko sa pinto ng kuwarto ay agad na bumungad sa amin ang nakapamewang kong ate na si Selena.

"Wow, at bakit ngayon lang kayo umuwi?" Nakangising tanong sa amin ni ate Selena.

"At ikaw bakit ka pa gising Selena?" Tanong din ni Juno kay ate.

"Aba, at ako pa talaga ang tinanong mo ng ganyan Juno. Baka gusto ninyong pumunta ako ngayon agad sa kuwarto nina Tita Heather at Mom para isumbong kayong dalawa ni Demi." Mataray na sabi ni ate kay Juno.

"Kung sa bagay ang aso ay hindi basta natutulog sa gabi hanggat hindi dumarating ang kanyag amo haha!" Pang aalaska ni Juno kay ate Selena.

"Talagang pinipilit mo akong magalit Juno! Gusto mo talagang isumbong ko kayo ni Demi!" Sabi ni ate Selena sabay taas ng kanan kilay nito sa amin ni Juno.

"Whatever Selena. Do whatever you want!" Maangas na sagot naman ni Juno kay ate sabay pamewang din nito.

Nangangamoy away ata sa kuwarto namin.

"At talagang sinusubukan mo ako Juno!" Naiinis na ngayon sabi ni ate Selena.

"Puwede ba matulog na lang tayong lahat. Mag aaway na naman kayo." Pag saway ko sa kanilang dalawa. Ngunit ayaw ata mag paawat ni ate Selena at bigla niyang sinugod si Juno at sinabunutan ito. Ako naman pinilit kong awatin si ate Selena kaso sobrang lakas niya at tinulak ako nito sa sahig. Si Juno naman nanlaban at nakipag sabunutan din kay ate.

"Tumigil na nga kayong dalawa. Para kayong aso't pusa. Baka dahil sa ginagawa ninyo ay magising pa sina Tita Heather, Mom, at Dad!" Pag saway ko sa kanilang dalawa ngunit tila hindi nila ako naririnig at patuloy lamang sa away. Nang biglang tumigil na rin nga silang dalawa. Hindi dahil sa akin pag saway ngunit sa biglang nahulog at nabasag na flower vase sa harapan ng altar nina Virgin Mary at Sto. Niño sa loob ng amin kuwarto. Binalot bigla ng katahimikan ang buong kuwarto namin. Nakakapagtaka at biglang nahulog sa altar ang flower vase samantalang nasa gitnang parte ito ng altar. Pagkatapos ay biglang bumukas ang amin pintuan sa kuwarto at may pumasok na napakalakas na ihip ng hangin. Bigla akong kinilabutan nang dumampi sa aking balat ang ihip ng hangin.

"Matutulog na ako. Bahala na kayong mag ligpit ng nabasag na flower vase sa altar." Maawtoridad na utos sa amin ni ate Selena. Hindi na kami kumibo pa ni Juno sa kanya. Nakita ko naman na pumunta sa loob ng banyo si Juno. Ako na lang ang nag kusa mag ligpit ng nahulog na flower vase.

Habang nililigpit ang nabasag na flower vase gamit ang walis tambo at dust pan ay napaisip ako bigla sa pag sugod ni ate Selena kay Juno kanina. Nagseselos pa rin ata siya. Hindi lang basta selos, nararamdaman ko nagagalit pa rin si Ate Selena kay Juno. Iisang lalaki lang kasi ang itinutubok ng kanilang mga puso. Si Nick. Sa kasamaang palad si Juno ang niligawan ni Nick noong nasa highschool pa lamang kami at hindi si ate Selena. Kahit anong klaseng pagpapansin ni ate Selena kay Nick si Juno pa rin ang nagustuhan nito at ngayon ay mag kasintahan na rin sila. Malas lang ni ate Selena ni-minsan hindi nasuklian ni Nick ang pagkagusto niya rito.

Until now she is still in prisoned of her own resentment in the past.

Mayamaya pa ay lumabas na rin ng banyo si Juno. Nilapitan ko siya at kinumusta.

"Ano, okay ka lang Juno?" Nag aalala kong tanong sa kanya.

"Medyo, sumakit lang ang anit ng ulo ko. Bwisit kasi iyan inggitera mong ate hanggang ngayon hindi pa rin niya matanggap na kahit kailan hindi siya magugustuhan ng aking boyfriend." Naiinis niyang sabi sa akin.

"Hinaan mo nga ang iyong boses Juno. Baka magising pa si ate Selena at magkaroon pa ng round two ang away ninyo kanina." Pag sita ko kay Juno. Tumango na lamang siya sa akin at nahiga na agad ng kama pagkatapos.

-----End of chapter 7-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon