Epilogue

2.8K 89 12
                                    

Nang narinig namin ang putok ng baril na naging sanhi nang pagkabasag sa salamin ng bintana ay agad na nagtago kami nina Taylor at Keith. Malakas ang kutob ko na bumalik na naman ulit yung gustong pumatay sa akin sa bahay ni Taylor.

Nagtago kami sa ilalim ng malaking lamesa sa dining area. Pinapakiramdaman namin ang pagpasok sa bintana ng pyschopath na iyon. Hanggang sa nasilayan na namin muli ang babaeng may suot ng maskara. Sumampa siya sa bintana habang hawak ang baril. Tahimik lamang kami na inoobserbahan ang bawat kilos ng pyschopath.

"Lumabas ka na Demi. Alam ko nandiyan ka lamang sa tabi-tabi." Wika ng babae na may nakakalokong tono ng boses. Napalunok na lamang ako ng aking laway sa kanyang turan.

"Kailangan natin gumawa ng paraan." Bulong ni Taylor.

"Oo nga tama si Taylor kailangan natin gumawa ng paraan." Mahinang boses na pag sang-ayon din ni Keith.

"Ano naman ang paplanuhin natin? May baril siya. Tayo wala." Sabi ko sa kanila.

"May baril siya pero tatlo tayo. Kaya mas nakakalamang pa rin tayo sa kanya Demi." Sagot ni Taylor.

"Aagawin ko ang baril sa kanya. Kayo naman ni Demi at Taylor sunggaban ninyo siya nang sa gano'n ay hindi na ito makapalag pa." Sabi ni Keith sa amin.

Kinakabahan man kami lahat ay sumang-ayon na lamang sa naisip na balak ni Keith. Dahil madilim sa buong bahay ni Taylor ay nagawa namin gumapang nang malapitan sa babaeng nakamaskara. Agad na inagaw ni Keith ang baril sa babae ngunit nanlalaban ito. Hanggang sa may narinig na lamang kami na putok ng baril. Biglang huminto pareho si Keith at ang babae.

"Fuck." Sambit ko. Hindi namin alam kung may natamaan ba. Hanggang sa napansin namin na napaatras ang babaeng nakamaskara kay Keith. Nakita namin na may sumisirit ng dugo sa tiyan nito. Marahan siyang napahandusay sa sahig. Ngunit nilalabanan pa rin niya ang kanyang kamatayan dahil nagawa pa nito gumapang papunta sa pintuan upang tumakas. Nilapitan namin siyang tatlo. Hinawakan ni Keith at Taylor sa magkabilang kamay ang babaeng nakamaskara upang hindi na ito manlaban pa. Ako na man ay tinangka na tanggalin ang suot niyang maskara. Sa pagkakatanggal ko sa suot niyang maskara ay nagulat at namilog ang aking mga mata sa mukha ng taong nakukublihan nito.

"Ate Selena..." Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Nagulat ka ba aking bunsong kapatid haha?" Sagot niya sa akin habang may tumutulo na rin dugo sa kanyang bibig.

"Bakit? Bakit mo ako gusto patayin?" Naguguluhan kong sabi sa kanya.

"Dahil gusto na kitang sumunod sa punyeta mong bestfriend na si Juno. Lahat kayo mga walang kuwenta. Kinasusuklaman ko kayo. Dati si Juno lang na umagaw ng atensyon ni Nick sa akin. Ngayon naman ikaw na ang gusto kong patayin, Demi!"

"Hindi ko maintindihan. Bakit gusto mo akong patayin. At saka si Nick bakit mo rin siya pinatay?"

"Gusto mo malaman lahat? Puwes sasabihin ko sa'yo aking pinakamamahal na kapatid. Si Nick lang naman ang dumukot at pumatay kay Juno. Tinakot ko siya na kung hindi niya papatayin si Juno bago mag bagong taon ay ipapadala ko sa kanyang pamilya ang sex video ni Nick sa akin na siyang malamang ikasasama at ikadidismaya ng kanyang ina na si aling Tessa. Oo may nangyari sa amin dahil nang minsan na nagkaroon ng birthday party ng isa namin mutual friend ay pareho kami nagpunta sa venue. Nalasing siya at dinala ko siya sa isang bakanteng kuwarto sa bahay ng kaibigan namin na nagdaraos ng kanyang kaarawan. Ginawa naman ni Nick ang gusto ko. Pinatay niya si Juno at hindi lang iyon ginahasa pa niya habang ako naman ay kinukuhanan pa sila ng video---" hindi na naituloy pa ni ate Selena ang iba pa niyang sasabihin ng sinampal ko siya ng malakas. Napakasama niya. Hindi ko lubos maisip na siya ang mastermind sa lahat ng nangyaring patayan.

"Napakasama mo!" Sigaw ko sa kanya ngunit tinawanan niya lamang ako.

"Hindi pa ako tapos my dearest sister. Gusto ko rin ikuwento sa'yo kung bakit ko pinatay si Nick. Tinawagan ako ni Nick noong isang araw. Sabi niya sa akin sobra na raw siyang nakokonsensya. Gusto na raw niya umamin at mag sabi sa'yo. Pero siyempre hindi ako makakapayag. Dahil sa oras na ginawa niya iyon ay pati ako maaapektuhan. Kaya inunahan ko na siya bago pa umamin sa'yo Demi. Ako na ang pumatay sa kanya mismo haha!"

"Nasusuka ako sa sama ng ugali mo ate Selena. Hindi ka pinalaki ng ganyan nina mom at dad!" Nagagalit kong sabi sa kanya.

"Putang ina mo, Demi! Magtigil ka nga masyado sa pagiging santa santita mo! Kahit kailan ikaw na lang parati ang pinapaboran nina mom at dad. Isang araw habang magkausap kami ni mom sa skype sinabi niya sa akin na sa'yo nila ipapamana ang 70% ng kanilang property including the furniture business ng pamilya natin. At sa akin naman ay 30% lang ng property kesyo hindi raw nila ako masyado nakikitaan ng interes sa negosyo. Napaka unfair nila! Fuck!"

"Pero mali pa rin ang lahat ng ginawa mo ate Selena!"

"I'm just being fair and kind to myself!"

Hanggang sa napansin kong biglang umubo ng malakas si ate Selena at naghabol ng hininga. Ilang sandali pa ay tumirik na ang mga mata nito at binawian na ng buhay.

"She's dead." Sabi ni Keith.

"My goodness Demi I can not believe na psychopath pala ang ate selena mo. Buti hindi ka nagmana sa kabaliwan niya." Sabi naman ni Taylor

"Hindi rin ako makapaniwala." Sabi ko.

Nang biglang may lumitaw na dalawang puting liwanag sa harapan namin.

Mula sa mga puting liwanag na iyon ay biglang lumitaw sina Juno at Nick.

"Juno? Nick?" Hindi ako makapaniwala. Nasa harapan namin ngayon sila. Maaliwas ang kanilang mga mukha habang nakatingin sa amin. Magkaholding hands din sila.

"Maraming salamat sa inyo Demi. Dahil sa inyong tatlo nawakasan na rin ang kasamaan ni Selena. Ngayon ay malalagay na sa katahimikan ang mga kaluluwa namin ni Nick." Wika sa amin ni Juno.

"Masaya ako para sa inyo." Sabi ko sa kanila. Pagkatapos no'n ay naglaho na sila pareho.

Kinabukasan ay iuuwi ko na sa Quezon City ang labi ni ate Selena. Sina mom at dad naman ay sobrang gulat sa mga isinalaysay ko sa mga nagawang masama ni ate Selena. Nakarating na rin kay tita Heather ang pagiging mastermind ni ate Selena sa pagpatay ng kanyang anak. Nasa ospital pa rin si tita Heather habang binabantayan ni Joe.

"Paano ba iyan best aalis ka na naman ulit ng La Paz. Mukhang hindi na naman ulit tayo magkikita." Sabi sa akin ni Taylor. Nandito kami ngayon sa labas ng bahay ni tita Heather.

"Ano ka ba? Puwede ka naman bumisita sa akin sa Quezon City. Saka sa burol ni ate Selena." Sagot ko sa kanya.

"Oo nga naman. Maiba nga pala ako. Kunin mo itong sobre." Biglang may iniabot sa akin si Taylor na puting sobre.

"Kanino ito galing?" Tanong ko.

"Kanino pa nga ba. Eh, di kay papa Keith! Ayieeee!" Kinilig pa ang bruha.

"Ano naman laman nito?"

"Baka love letter. Haha!"

"Siraulo ka."

"Pinapasabi rin ni Keith na buksan mo iyan kapag nakauwi ka na ng Quezon City."

"Okay."

Pagkatapos ng pag uusap namin ni Taylor ay nag paalam na kami sa isa't isa at nilisan ko na ang bayan ng La Paz sa Tarlac.

-----
AUTHOR'S NOTE: Kalma hindi pa rito natatapos ang kuwento nina Demi, Keith, Taylor, at Charles. May series 2 pa. Paki click na lang po ang external link para sa series 2 (book 2) which is entitled, Demi: https://www.wattpad.com/401619758-demi-prologue Pero kung hindi ninyo makita ang prologue ng series 2 punta na lang po kayo sa aking profile.

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon