Chapter 22: Sanib

1.9K 75 10
                                    

Humahangos akong pumunta sa ospital kung saan isinugod si tita Heather. Sinalubong naman ako ni Joe nang nakita niya ako sa nurse station.

"My God, how's tita? Is she good now?" Nag aalala kong tanong kay Joe.

"She's fine now. Kakagising niya lang. Kaso parang may kakaiba kay ninang nang nagising na siya.

"Ano iyon? "

"Mabuti pa Demi sumunod ka na lang sa akin papunta sa kuwarto ng iyong tita."

Pagdating namin sa loob ng kuwarto ni tita Heather ay nakita kong tulala ito. Nakatingin ng diretso sa may bintana. Agad na nilapitan ko si tita upang kumustahin siya.

"Tita, kumusta ka na?" Tanong ko sa kanya ngunit hindi siya sumagot. Kinausap ko siya muli at sa pangalawang pagkakataon ay sumagot na siya sa pabulong na pananalita. Isang salita ang kanyang binigkas. Paulit-ulit. Hindi ko alam kung bakit niya iyon sinasabi.

"Dugo... dugo... dugo..."

"Tita?" Napakunot tuloy ako ng noo sa kanya. Hanggang sa tinawag ako ni Joe upang lumapit sa kanya.

"Simula noong nagising siya iyan na ang kanyang sinasabi. Hindi ko alam kung ano ba talaga nangyari sa kanya kanina sa bahay bago siya himatayin. Pero narinig kong may isinigaw na pangalan ang iyong tita bago siya himatayin."

"Pangalan? Sino?"

"Sinigaw niya ang pangalan ng kanyang anak na si Juno."

Nang biglang nagwala sa kama si tita Heather na para bang nababaliw. Pinagbabato niya ang unan sa amin at sa bintana. Kamuntik na rin niyang tanggalin ang nakakabit na suwero sa kanya buti na lang at napigilan ko siya. Tinawag agad ni Joe ang doctor at mga nurse na naka duty kay tita. Pinalabas muna kami ng doctor. Mayamaya pa ay lumabas na ng kuwarto ang doctor.

"Sino sa inyo ang kamag-anak ng pasyente?" Tanong ng doctor.

"Ako po. I'm her niece." Sagot ko.

"You're tita is okay now. Tinurukan na namin siya ng pampatulog. We are expecting na pag gising niya ay nahimasmasan na siya. And we will do further check up soon with her.  Maiwan ko na kayo muna." Sabi ng doctor sa amin.

Pagkatapos no'n ay niyaya ako ni Joe na mag kape muna sa cafeteria ng ospital.

"Ang weird ni ninang. Why is she acting like that?" Sabi sa akin ni Joe. Ngunit hindi ko siya inimik. I still don't like him. I still feel a sense of bad blood with him. Ang yabang kasi niya noong una kami nagkita sa kuwarto sa bahay nang dumating ako sa Tarlac.

"Hey, aren't you listening to me?" Maangas niyang tanong sa akin.

"Oo nakikinig ako." Mataray kong sagot naman sa kanya.

"Eh,  bakit hindi ka nagsasalita?"

"Eh, sa ayoko mag salita!" My goodness, naiirita na naman ako sa kanya. Nakakastress talaga ang lalaking ito sa tuwing nakikita ko ang kanyang pagmumukha. Ang dami naman kasi puwedeng pagbakasyonan sa bahay pa namin sa La Paz.

"Whatever."

"Uhhhm, anyway I'm just curious on what you told me a while ago." Pag iiba ko sa nakakairitang tensyon sa amin dalawa.

"What?" Kunot noong tanong niya sa akin.

"Narinig mong sinigaw talaga ni tita Heather ang pangalan ni Juno bago siya himatayin?"

"Yes. At bakit mo naman natanong?"

"Wala lang."

"I heard some stories about your dead cousin. Totoo ba na nagmulto siya pagkatapos niyang mamatay?" Bigla akong natigilan sa kanyang turan. Aba, bukod sa hambog na nga ang lalaking ito may pagkachismoso rin.

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon