Limang araw na ang lumipas simula noong aksidente na naganap kanila Taylor at sa mga pinsan niya. At isang himala na kaunting galos lamang ang tinamo nilang tatlo kahit pa sabihin na tumaob ang jeep na lulan nila paalis ng hospital. Nakakalungkot lang at nag daan na ang Pasko at lahat kami ay nasa hospital pa rin upang mag bantay kay Juno.
"Sana matapos na ang lahat ng ito." Wika ko sa harapan ng altar sa loob nitong maliit na kapilya sa hospital. Naramdaman ko naman na may tumapik ng aking kanang balikat. Pag lingon ko si Keith pala.
May suot pa siyang brace sa braso. Nagkapilay kasi siya rito pero hindi naman ganoon kalala.
"Ikaw pala." Sabi ko sa kanya na may halong pagkagulat.
"Nandirito ka lang pala." Sabi niya. Tumango na lamang ako. Naupo naman siya sa tabi ko.
"Sana magising na siya. Sana matapos na ang lahat." Turan ko kay Keith. Napansin ko naman na huminga nang malalim si Keith at may kinuha sa kanyang bulsa. Ang maliit na bolang kristal.
"I'm afraid." Wika niya habang nilalaro na naman ulit sa kanyang kamay ang kristal.
"Uhhhmn, para sa'n?" Kunot noo kong sabi sa kanya.
"Para kay Juno." Tugon nito sa akin. Naningkit naman ang aking mga mata sa kanyang sinabi.
"Noong araw na naaksidente kami hindi iyon isang pagkakataon lamang. Sinadya iyon na mangyari. Habang nagmamaneho ang jeepney driver lumitaw bigla sa gitna ng kalsada ang kaluluwa ng babaeng gumagambala kay Juno. Dahil dito ay ang dalawang drivers ng mga sasakyan na nagkabanggana ay parehong nagulat at nasindak kung kaya nawalan ng konsentrasyon ang dalawang panig sa pagmamaneho. Sumigaw ang jeepney driver na walang preno pero ang totoo meron naman talaga. Sa sobrang taranta at takot niya hindi na niya naapakan ang tamang kontrol ng jeep kung kaya ay tuluyan nagsalpukan ang jeep na minamaneho ng driver at ang van. Batid ng masamang kaluluwa na nandirito kami ng aking kakambal upang puksain siya at itaboy kung kaya gumagawa ito ng paraan para hindi matuloy ang amin mga plano laban sa kanya." Lahad sa akin ni Keith. Tila nabuhusan naman ako ng malamig na yelo sa kanyang mga ikunuwento.
"I'm sorry pati kayo ay nadamay pa dahil sa kalagayan ni Juno." Sabi ko habang nakayuko.
"Wala ka dapat ihingi ng tawad Demi. Para sabihin ko sa'yo ilang beses na rin nalagay sa panganib ang mga buhay namin ni Charles dahil na rin sa kakaibang katangian na meron kami. Pero hanggang ngayon ay humihinga pa rin kami." Sagot niya sa akin nang biglang itinaas niya ang hawak nitong maliit na bolang kristal.
"Ang ganda no. Bigay sa akin ito ng isang dating kaibigan. Alam mo ba na dahil sa kristal na ito ay marami na kami na napuksang masasamang kaluluwa at ibang elemento. Nandirito ang lakas at kapanyarihan ko. Kaya hindi ako natatakot sa kahit anong panganib na maaring ilatag sa akin ng kahit anong entity sa paligid." Sabi niya sa akin. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang meron sa maliit na bolang kristal na iyon. Kung ano man hiwaga ang tinataglay ng bagay na iyon ay hahayaan ko na lamang maging misteryo kay Keith.
"Oo nga napakaganda. Napakamisteryoso." Tugon ko sa kanya. Nang biglang nagliwanag na nakakasilaw ang bolang kristal. Napapikit ako dahil sa pagkasilaw.
"Idilat mo ang iyong mga mata Demi. Hayaan mo na pumasok ang nakakasilaw na liwanag sa iyong mga mata nang makita mo ang mga bagay na hindi mo noon nasisilayan." Napakalalim nan
g pananalita sa akin ni Keith. Kinakabahan man ako ay sinunod ko na lamang siya. Marahan kong iminulat ang aking mga mata at pilit hinarap ang nakakasilaw na liwanag na nagmumula sa maliit na bolang kristal. Hindi naglaon ay naglaho na rin ang nakakasilaw na liwanag mula sa bolang kristal na hawak ni Keith."Hindi mo man naiintindihan ang nangyari kanina, sa tamang panahon ay mauunawaan mo rin ang lahat. Magagamit mo rin ang isang handog na ibinahagi sa'yo ng aking munting bolang kristal, Demi." Sabi sa akin ni Keith. Ang wirdo niya pero ipinagkibit balikat ko na lamang ito. Ayoko na masyado pa mag isip ng kung ano.
"Demi, magmadali kayo sa kuwarto ni Juno!" Biglang lumitaw si Taylor sa may pintuan ng kapilya na humahangos. Agad naman kami napatayo ni Keith at nagmadali bumalik sa kuwarto ni Juno.
Pagdating namin sa may labas ng kuwarto ni Juno ay tila nagkakagulo ang mga nurse at ang doktor.
"Ano ang nangyayari rito Nick?" Tanong ko.
"Bigla na lamang dumilat si Juno at nagsimulang mangisay sa kama!" Sagot sa akin ni Nick. Sinilip ko ang sa salamin ng pintuan nitong kuwarto ni Juno kung ano na ang nangyayari sa kanya. Tila napanganga naman ako nang makita ko na ang nangyayari sa loob ng kuwarto ni Juno. Nangingisay pa rin ito habang hinahawakan siya ng mga nurse at ang doktor naman ay tila may itutusok na injection sa braso ni Juno para kumalma ito. Nanlilisik din ang mga mata nito. Pero ang talagang mas nakapag pagulat sa akin ay nang napatingin ako sa ibabaw ng kisame sa may kama ni Juno. May babaeng nakabaliktad sa kisame habang nakatingin ito nang napakasama kay Juno. May tumutulo pang laway sa bibig nito. Para siyang asong ulol. Napakagulo ng buhok niya. Ang dungis ng kanyang suot na bestida. Hanggang sa biglang bumaling ito ng tingin sa may pintuan kung saan ako sumisilip. Napaiwas naman ako ng tingin bigla. Napasapo ako ng dalawa kong mga kamay sa dibdib.
"Nakita mo na siya sa unang pagkakataon." Bulong sa akin ni Keith habang sapo ko pa rin ang aking dibdib. Mukhang alam ko na ang kanyang tinutukoy. Ang masamang kaluluwa ng babae na gumagambala kay Juno.
Hinila naman ako nila Taylor papalayo sa pintuan ng kuwarto ni Juno habang naiwan na nakasilip pa rin sa loob si Nick.
"Mas tumitindi na ang puwersa ng kaluluwang ito!" Sabi bigla ni Taylor sa amin.
"Paano na si Juno?" Nag aalala kong sabi.
"Medyo magaling naman na kami sa kaunting tinamo namin na galos at hindi malalang pilay sa banggaan nakaraan. Baka mamayang gabi maari na namin simulan ni Keith ang pagharap sa kaluluwa na gumugulo kay Juno." Sagot ni Charles.
Mayamaya pa ay lumabas na ang mga nurse at ang doktor. Kinausap kami ng doktor. Naturukan na nila ng pampatulog si Juno. Sa ngayon hindi pa alam ng mga doktor kung ano nga ba ang posibleng nangyari kay Juno. Nagising nga raw siya ngunit sinabayan naman ng matinding seizure sa kama. Hindi naman na namin kailangan ang paliwanag pa ng doktor kung tutuusin dahil alam naman talaga namin na ang may kagagawan ng lahat ay ang kaluluwa ng babae.
-----End of chapter 15-----
Please vote and comment below. Thanks.

BINABASA MO ANG
Juno (Series Vol. I Completed)
Horror(Dark Fantasy Series #1) Highest Ranks: #1 in Katatakutan 8/19/21 #1 in Paranormal 8/3/21 #10 in Katatakutan 6/12/21 Brief Synopsis of Juno: Isang kababalaghan sa nakaraan ang muling babalikan ni Demi sa bayan ng La Paz, sa probinsya ng Tarlac na...