Chapter 2: Ang Pagbalik sa Bayan ng La Paz

3.7K 157 15
                                    

"Kumusta na Nick?"

"Ayos lang. Ikaw ba Demi?"

Kasalukuyan na nasa loob na kami ng montero van ni Nick. Dadaan muna kami sa bahay niya upang makita si Aling Tessa yung kanyang nanay. Malapit din kasi ang loob ko sa nanay ni Nick. Pagkatapos ay ihahatid na niya ako ng tuluyan sa ancestral house ng pamilya ko.

"Thanks for asking. I'm good as well. Kind of busy lately on work. But fortunately finally my vacation leave had been approved already on my company. Kaya ito I'm back!" Masaya kong sabi kay Nick habang nakatingin lang sa labas ng bintana ng kanyang sasakyan.

"Buti pinayagan ka na nina Mr. & Mrs. Gomez na bumisita sa Tarlac." Hindi agad ako nakasagot sa sinabi ni Nick. Hindi naman kasi ako nag paalam kanila mom at dad na uuwi ako sa bayan ng La Paz. They won't give there consent for sure.

"Ah... oo. Uhhhmn kumusta na nga pala si Aling Tessa?" Pag iiba ko sa pag uusap namin.

"She's fine. Busy with her new hobby." Tatawa-tawa na tugon sa akin ni Nick habang nag mamaneho.

"New hobby?" Kunot noo kong tanong.

"Yup, she has a new hobby. Aside from assisting her grandchildren on my big brother, masyado rin siyang abala sa bago niyang alaga. Si Hosico yung scottish cat na niregalo ko sa kanya noong last birthday niya."

"How cute!" Natutuwa kong sabi. Nang biglang napako ang tingin ko sa labas ng bintana sa isang babaeng nakaputi na nakayuko at nababasa ng ulan sa tabi ng isang puno ng mangga na nadaanan ng sasakyan namin.

"Ang weird niya..." Bigla kong sabi. Narinig naman ata ni Nick ang sinabi ko at tinanong niya kung sinong weird daw.

"Huh, weird? Sino? Si mama?"

"Ah, no. Not Aling Tessa. Don't mind me. May naalala lang ako bigla."

Ang talagang sinabihan ko ng weird ay yung babaeng nasa tabi ng puno nitong mangga na nadaanan namin. Weird kasi steady lang siya habang nakatayo at nauulanan. Pagkatapos ay nakayuko pa ang ulo niya habang natatakpan ng mahabang itim na buhok niya.

"Okay ka lang Demi?" Biglang tanong sa akin ni Nick.

"Yup." Matipid kong tugon na may kasamang pilit na ngiti. Napansin niya siguro na napako ang tingin ko sa nadaanan namin na puno ng mangga.

Mayamaya pa ay nakarating na rin kami sa bahay nila Nick. Wala pa rin pinagbago. Gano'n pa rin ang istilo ng bahay nila. Sobrang simple lang pero napakalaki. Yung tipong mga pang sinaunang bahay noong panahon pa ng mga Spanish era sa Pilipinas.

"Kumusta Demi?" Masayang bati sa akin ni Aling Tessa sabay yakap sa akin nang nakita na niya ako sa loob ng salas nitong bahay nila.

"Sobrang saya ko po Aling Tessa. Finally nakabalik na rin ako ng La Paz!" Masayang sabi ko kay Aling Tessa.

"O, siya mamaya na tayo mag kuwentuhan at maupo muna kayong dalawa riyan ni Nick sa sofa at ikukuha ko muna kayo ng strawberry juice at carrot cake na ginawa ko kanina."

"Sige po. Salamat." Sabi ko kay Aling Tessa at naupo na kami ni Nick sa sofa.

"Handa ka na bang bumalik mamaya sa ancestral house ninyo Demi?" Seryosong sabi bigla sa akin ni Nick.

"Oo naman."

"Ingat ka..."

"Ano ka ba. Bigla ka naman sumeryoso riyan. Okay na ang lahat Nick. Its been two years." Sabi ko kay Nick sabay patong ng kamay ko sa kanang balikat niya.

"Alam ko... alam kong dalawang taon na ang lumipas pero---" hindi na naituloy ni Nick ang kanyang sasabihin nang biglang pinigilan ko siya.

"Huwag mo na ituloy Nick. Okay na... okay na. Huwag ka na mag alala para sa akin." Sabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang may takot pa rin akong nararamdaman sa aking kalooban. Walang kasiguruduhan ang pag balik ko sa ancestral house. Pero hindi naman puwede habang buhay na ganito na lang ako. Iiwas o mag tatago sa nakaraan. Alam ko oras na para harapin ang nakaraan. Isa rin ito sa mga dahilan kung bakit ko gusto bumalik sa bayan ng La Paz. Gusto kong tuldukan na ang sinimulan namin na laro sa pag tawag sa kaluluwa ni Juno noon sa ancestral house matapos ang kanyang libing.

Mayamaya pa ay bumalik na rin si Aling Tessa daladala ang isang tray ng meryenda para sa amin ni Nick.

"O, Nick at Demi ito na ang strawberry juice at sliced carrot cakes ninyo. Medyo gabi na rin. Gustuhin ko pa makipag kuwentuhan sa'yo Demi kailangan ko na rin matulog at Linggo na rin bukas. Maaga pa ako mag sisimba. Kayo ng bahala rito ni Nick. Regards na lang sa Tita Heather mo Demi." Sabi sa amin ni Aling Tessa.

"Sige po Aling Tessa. Good night po." Sabi ko kay Aling Tessa. Ginawaran naman ako ni Aling Tessa ng ngiti at pagkatapos ay pumanaog na siya sa pangalawang palapag ng bahay sa kanyang kuwarto para matulog na.

Habang kumakain ng meryenda na inihanda sa amin ni Aling Tessa ay napansin kong suot pa rin pala ni Nick yung kuwintas na may pendant ng pangalan ni Juno. Girlfriend kasi ni Nick si Juno. Tandang tanda ko pa nang kamamatay pa lang ni Juno sobrang depress si Nick. Ilang araw siyang hindi lumalabas ng bahay at madalas na umiiyak mag isa sa kanyang kuwarto. Sobrang broken hearted siya. Akala nga namin mababaliw na siya noon sa pagkawala ni Juno. Pero sobrang mapagmahal at mapagkalinga ang kanyang ina na si Aling Tessa. Hindi siya pinabayaan nito hanggang sa paunti-unti na naka move on na rin si Nick at nagpatuloy sa kanyang buhay muli lalo na sa kanyang pag aaral sa college.

"Tara na." Sabi ko kay Nick nang natapos na kami pareho sa pagkain ng meryenda. Masyado ng gabi. Kailangan ko ng makarating sa bahay. Panigurado kanina pa hinihintay ni Tita Heather ang aking pagdating.

"Sige." Sagot sa akin ni Nick. Mababakas sa ekspresyon ng kanyang mukha ang medyo pagkabalisa sa pag hatid sa akin sa ancestral house.

I know it would be a bit risky. But I wouldn't know what's waiting on me if I won't try figuring out and if I will always hide on my own fear.

-----End of chapter 2-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon