"Ano'ng pinagmamasdan mo riyan sa labas ng bintana Juno?" Tanong ko bigla kay Juno. Pansin ko kasi kanina pa siya walang imik simula nang pumasok ako sa kuwarto namin mula sa bahay ni Taylor.
"Ano kaya pakiramdam ng mamatay? Ano kaya ang nararamdaman ng mga taong sumakabilang buhay? May langit at impiyerno nga ba?" Diretsahan sabi sa akin ni Juno na tila ikinahulog ng panga ko sa gulat.
"Ano ba ang mga pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan Juno. May gumugulo ba sa isipan mo ngayon?" Nagugulumihan kong sabi sa kanya habang nakahiga sa kama at yakap ang aking malaking unan.
"Wala. Kalimutan mo na lang ang sinabi ko." Sabi niya sa akin sabay tawa ng bahagya.
Nakatingin pa rin siya sa labas ng bintana. Pero kahit hindi niya sabihin batid kong may bumabagabag sa kanyang kalooban.
Nilapitan ko siya at niyayang lumabas ng bahay upang pumunta sa malapit na plaza. Pumayag naman siya. Sabi niya sa akin na mauna na raw ako lumabas ng kuwarto at susunod na lamang siya.
Paglabas niya ng kuwarto ay may dala siyang isang maliit na basket. Tinanong ko kung para saan iyon. Sabi niya sa akin kukuha siya ng mga bulaklak sa plaza. Ilalagay niya raw sa altar namin pag uwi mamaya. Sa totoo lang binalot ako ng pagkabahala ng sandaling iyon. Hindi niya kasi ugali ang mag alay ng bulaklak sa amin altar. Ang alam ko lang ngayon wirdo siya.
Habang nasa plaza ay napagmasdan ko si Juno habang namimitas ng mga bulaklak. Parang may kakaiba talaga sa kanya. Hindi ko batid kung ano pero alam ko may kakaiba sa kanya.
"Ang dami kong napitas. Ang ganda nila no. Kapag namatay kaya ako ganitong mga bulaklak din kaya ang parati kong matatanggap kapag bisperas ng undas hehe?" Bigla akong napakunot ng noo sa kanya sinabi. Puro mga gumamela ang kanyang pinitas.
"Juno, ang weird mo talaga! Bakit ka ba kanina pa nagsasalita tungkol sa kamatayan?" Sabi ko sa kanya habang itinutulak ang aking sarili sa swingset.
"Hindi ko rin alam. Tara uwi na tayo malapit na mag alas sais ng gabi. Baka mahuli tayo sa oras ng hapunan." Sabi sa akin ni Juno. Tumango na lamang ako sa kanya. Sa kabilang banda ay bigla kong naisip na parang sinasaniban siya ng isang kakaibang espiritu dahil sa inaakto nito.
Habang naglalakad papauwi ng bahay ay napansin kong wala na naman kibo si Juno. Thought to be honest she is really getting more weird and dull as a companion now. Where the heck this high intensity of weirdness of Juno coming from? When suddenly someone called the name of Juno at our back. Paglingon ko at ni Juno ay nakita namin si Mr. Salvador. Ang high school adviser namin dati.
"Kumusta na sa inyong dalawa lalo na sa iyo Demi? Ngayon na lang kita nakita. Ni hindi kita nakikitang dumadalaw sa eskuwelahan kung saan ka nagtapos ng sekondarya." Bati niya sa amin. Pinagmasdan ko muna siya bago nag salita. Wala pa rin pinagbago si Mr. Salvador. Mukha pa rin siyang heart throb. Kaya ang daming high school students na mga babae pati bakla ang nagkakagusto sa kanya. Kahawig niya rin si Chris Evans sa Fantastic Four.
"Naku pasensya na po Mr. Salvador masyado lang ako naging abala sa studies ngayon nasa college na po ako." Tugon ko.
"Buti pa itong si Juno madalas bumisita kahit matagal ng nakagraduate. Lalo na sa akin. Parati niya akong pinagdadalhan ng lunch." Sabi ni Mr. Salvador. Napaisip naman ako bigla sa kinuwento ni Mr. Salvador na madalas siyang bisitahin ni Juno sa high school na pinanggalingan namin. Pero ni minsan walang kinukuwento sa akin na gano'n si Juno. Nakakapagtaka lang.
"Talaga po." Sabi ko na may pilit na ngiti. Nabalingan ko rin naman ng nakakapagtakang tingin si Juno. Napansin ko rin na may kakaibang ngiti kay Juno habang pinagmamasdan niya ang dati namin guro.
"Sige, mauna na ako sa inyong dalawa. May dinner pa kami ng fiance ko." Pagpapaalam sa amin ni Mr. Salvador.
Pagdating ng bahay ay agad kami pumasok ng kuwarto ni Juno. Inialay naman ni Juno ang isang basket ng mga bulaklak na pinitas niya sa malaking hardin ng plaza sa altar namin sa loob ng kuwarto.
"Ngayon ko na lang ulit nakita si Mr. Salvador pero wala pa rin siyang pinagbago. Parang mas naging guwapo pa siya ngayon. Pero may fiance na rin pala siya." Sabi ko kay Juno.
"Oo nga." Matipid nitong sagot.
"Hindi mo sa akin nakukuwento na bumibisita ka pala sa dati natin eskuwelahan." Sabi ko kay Juno. Hindi agad ito sumagot sa akin. Tila nag iisip ng magandang maidadahilan sa akin.
"Oo nga. Pasensya kung hindi kita nasasabihan o sinasama.Mukha ka kasi parating abala sa iyong pag aaral kamakailan." Sagot nito sa akin.
"Ayos lang." Sabi ko naman sa kanya. Pagkatapos no'n ay napansin kong biglang lumuhod si Juno sa harapan ng altar. Yumuko ito at nag sign of the cross. Mukhang may taimtim siyang ipinagdarasal sa altar. Parang hindi siya si Juno. Hindi ganito ang Juno na kilala ko. As time passes by napapansin ko ang kanyang pagbabago simula noong umuwi kami sa birthday ni Taylor.
"Amen." Isang malakas na pagbigkas ang aking narinig na sinambit ni Juno at muling nag sign of the cross ito. Tapos na siya mag dasal. Nang biglang may bumukas ng pinto. Iniluwa nito ang aking ate Selena.
"Ano na ang plano ninyong dalawa? Kayo na lang ang hinihintay sa baba para mag simula na mag dinner." Mataray na bungad sa amin ni ate Selena.
"Opo, susunod na kami ni Juno." Sagot ko kay ate Selena at lumabas na ito ng kuwarto. Pero bago ito tuluyan lumabas ng kuwarto ay tinapunan muna ng masamang tingin ni ate Selena si Juno. Napansin ko naman na tila walang reaksyon naman si Juno kay ate Selena. Tinitigan lamang ni Juno si ate Selena na walang emosyon sa mukha.
"Tara baba na tayo Juno sa kusina para mag dinner." Sabi ko sa kanya.
"Mauna ka na. Mananalamin lang ako sa banyo saglit." Wika nito sa akin. Lumabas na ako ng kuwarto namin. Hindi alam ni Juno ay nasa labas lamang ako ng pintuan. Hinintay ko siya na lumabas ng kuwarto. Tiningnan ko ang aking suot na wrist watch. Limang minuto na hindi pa rin siya lumalabas ng kuwarto. Ang tagal naman ata niya manalamin. Pumasok ako muli ng kuwarto at binalak na katukin siya sa loob ng banyo. Pagdating ko sa tapat ng pinto nitong banyo upang katukin siya ay biglang natigilan ako. Hindi ko naituloy ang pagkatok ng tila naulinigan ko na nagsasalita si Juno sa loob ng banyo. Parang may kausap siya. Napatingin ako sa kanyang kama at nakita kong nakapatong naman ang mobile phone nito roon. Marahan kong idinikit ang aking tainga sa pinto ng banyo. Namilog ang aking mga mata sa aking narinig.
"Mamatay... mamatay... mamatay... mamatay ka Juno..." Wika ni Juno sa kanyang sarili. Napaatras na ako ng mga sandaling iyon sa harapan ng pinto ng banyo. Tila ibang tao ang nasa loob banyo at hindi si Juno.
Bakit sinasabi ni Juno iyon sa kanyang sarili?
May hindi talaga tama. Hindi ko alam kung ano iyon pero gusto kong tuklasin.
-----End of chapter 10-----
Please vote and comment below. Thanks.
BINABASA MO ANG
Juno (Series Vol. I Completed)
Horror(Dark Fantasy Series #1) Highest Ranks: #1 in Katatakutan 8/19/21 #1 in Paranormal 8/3/21 #10 in Katatakutan 6/12/21 Brief Synopsis of Juno: Isang kababalaghan sa nakaraan ang muling babalikan ni Demi sa bayan ng La Paz, sa probinsya ng Tarlac na...