"So, we already knew the problem. Taylor already mentioned everything regarding to your cousin, Juno." Sabi ng pinsan ni Taylor na si Charles.
I'm a bit fascinated with the twins. They are both handsome and cute. Is just that they don't look the same facial structure. Seems to be they're both fraternal twins. Charles has a curly brown hair while Keith has a straight though brown hair as well. Parehong matangos ang mga ilong pero pagdating sa mga mata ay magkaiba. Chinito na brown eyes si Charles habang si Keith naman ay bilugan at may itim na mga mata. Kinda weird. But what more important is that they are both here in Tarlac already. I just hope they could really give some help for Juno.
"Ano na ang plano ninyo kung gano'n?" Tanong ko sa kambal.
"Well, we already have some plans but we still don't see Juno. Can we see her?" Sagot ni Keith naman sa akin ngayon.
"Of course, you can see her. But she is still in coma. So, for that one the doctor is limiting some visitor because of the crucial status of her. Is it okay if you will just check her through the glass door of Juno's room outside?" Saad ko.
"Puwede naman. We just need to see her at least first." Sabi ni Keith.
"Pero puwede kumain muna kami? Hindi pa kami kumakain simula noong dumating dito sa Tarlac. We headed straight already here at the hospital when we finally arrived a while ago." Sabi ni Charles.
"Oo naman." Sabi ko. Pinakian muna ni Taylor yung mga pinsan niya sa pantry. Talagang kararating lang pala nila mismo.
Bigla ko naman hinila palayo pansamantala si Taylor sa kanyang mga pinsan. I guess, I'll be needing to tell her what happened a while ago when I left the school. Tungkol sa kamamatay na manghuhula.
"Ano may bagong problema na naman ba Demi?" Nagtatakang tanong sa akin ni Taylor.
"Kanina nang palabas na ako ng school nakita ko ang matandang manghuhula. Yung kinukuwento ko sa'yo dati na nanghulang may mamatay na closed sa akin." Panimula ko.
"And then?" Sabi ni Taylor na nakataas ang kanang kilay.
"Sinubukan kong humingi ng tulong sa kanya kaso tumanggi siya. Pagkatapos no'n ay sa hindi inaasahan pagkakataon namatay na rin siya. Nasagasaan siya ng isang truck pagtawid nito sa kalsada." Pagtutuloy ko sa kuwento. Batid ko naman sa mukha ni Taylor ang medyo pagkagulat.
"Just forget that crazy fortune teller. We don't need her in the very first place. Beside Charles and Keith are both here now. They can possibly resolve whatever the issue of Juno is all about." Tugon sa akin ni Taylor. Pagkatapos no'n ay binalikan na namin sina Charles at Keith.
Nasa kalagitnaan na ata sila ng kanilang kinakain na club house sandwich nang bumalik kami sa table rito sa pantry. Mayamaya pa nang natapos na sila kumain ay tinungo na namin ang silid ni Juno.
Habang naglalakad sa hallway ay may napansin akong maliit na bolang kristal na nilalaro ni Keith sa kanyang kanang kamay. Transparent ito pero parang may kakaiba sa pinakagitna ng kristal sa loob. Parang may gumagalaw sa loob na orb o anyong usok na kulay asul. Biglang napabaling ang tingin sa akin ni Keith na siya naman pagtigil kalaunan nito sa paglalaro sa maliit na bolang kristal. Tapos ay bigla niya ito ipinasok sa loob ng kanyang bulsa sa pantalon. Napaiwas din naman ako bigla ng tingin. Ipinagkibit balikat ko na lamang ang napansin kong kakaibang bagay na nilalaro kanina ni Keith hanggang sa narating na namin ang labas ng kuwarto ni Juno.
Pagdating namin sa labas ng silid ni Juno ay bumungad sa amin si Nick ngunit kasalukuyan itong nakaiglip sa kanyang kinauupuan.
Agad na sinilip ng kambal ang salamin sa may pintuan ng kuwarto ni Juno. Ilang sandali pa ay napansin kong nagkatitigan ang kambal at namimilog ang kanilang mga mata. Tila ba ay may nakita silang sadyang ikinagulat ng mga ito nang silipin nila ang kuwarto ni Juno.
"May problema ba?" Tanong ko bigla. Hindi agad tumugon sina Charles at Keith. Napansin ko rin na biglang sabay na bumuntong hininga silang dalawa.
"Nasa matinding panganib ang pinsan mo na si Juno!" Sabay na sabi ng kambal sa akin. Bigla naman akong napakunot ng noo sa tuwiran nila sa akin.
"Hindi ko kayo maintindihan." Nagugulumihan kong sabi sa kanila.
"Si Juno... nasa panganib siya. May malakas na puwersa ng isang entity ang dumidikit kay Juno." Sagot ni Keith.
"At ano man oras ay maari ng mamatay si Juno dahil sa entity na ito." Dagdag pa ni Charles.
"Teka, puwede ba mas linawin ninyo sa akin ang mga inyong sinasabi. Medyo naguguluhan ako sa inyong dalawa." Sabi ko habang napapakamot na ako sa aking ulo dahil sa kanilang mga sinasabi na hindi ko lubos maunawaan.
"May isang hindi pangkaraniwan na kaluluwang ligaw ang dumidikit kay Juno. Isa itong babae na puno ng poot. Isa siyang baliw na kaluluwa o wala sa tamang pag iisip. Wala siyang ibang alam gawin kung hindi ang manggulo. Napakaitim ng aura na bumabalot sa buong kaluluwa niya." Pagpapaliwanag ni Charles sa akin. Mukhang iisa lang sila nang nakikita rin ni Taylor. Isang kaluluwang ligaw ng babae.
"May magagawa ba kayo para malabanan siya?" Nag aalala kong sabi.
"Meron pero hindi kami sigurado. Pero susubukan namin." Tugon naman ngayon ni Keith sa akin.
"Pero mas mainam kung umuwi na muna tayong lahat. Kailangan magpahinga muna kayong dalawa sa bahay bago ninyo tangkain tulungan si Juno. Kakailangan ninyo ng matinding lakas para masimulan ang inyong hakbang sa pagpapataboy ng kaluluwang ligaw." Biglang sabi ni Taylor sa kanyang mga pinsan. Sumang ayon naman sa kanya ang mga ito. Sinamahan ko na silang tatlo palabas ng hospital para mag abang ng sasakyan pauwi ng bahay nila Taylor. Pansin ko rin na natutulog pa rin si Nick sa upuan. Mukhang napagod ito sa pagbabantay.
Nasa labas na kami ng hospital sakto naman nang biglang may napadaan na jeep. Sumakay na sila agad dito. Naiwan naman ako para samahan si Nick sa pagbabantay. Ngunit hindi pa tuluyan nakakalayo ang jeep na lulan nila Taylor nang biglang narinig kong sumigaw ang driver ng jeep na walang preno. Sa gulat ko ay napasapo ako sa aking dibdib. Natanaw ko hindi sa kalayuan ng kalsada na natataranta at nagsisisigaw na sa takot ang mga pasahero pati sila Taylor nang biglang isang malakas na tunog ng pagbunggo ang narinig mula sa jeep. Bumangga ang jeep sa isang van na itim. Sa lakas ng banggaan ay tumaob ang jeep na sinasakyan nila Taylor. Nakita naman ng dalawang security guards ng hospital ang nangyaring aksidente sa kalsada at agad tinawag ang ambulansya.
Parang bigla akong naguluhan sa mga nangyayari. Parang may kamalasan na nagaganap ngayon araw. Kanina namatay ang matandang manghuhula at ngayon naman ay naaksidente sila Taylor. Hindi puwedeng may mangyaring masama pati sa mga pinsan ni Taylor. Sina Charles at Keith na lamang ang maari na makatulong kay Juno.
Nakakapanlumo ang mga nangyari ngayon araw na ito. Pakiramdam ko kamalasan at takot ay pilit na pinapatay ang pag asang natitira pa sa aking kalooban.
-----End of chapter 14-----
Please vote and comment below. Thanks.
BINABASA MO ANG
Juno (Series Vol. I Completed)
Horor(Dark Fantasy Series #1) Highest Ranks: #1 in Katatakutan 8/19/21 #1 in Paranormal 8/3/21 #10 in Katatakutan 6/12/21 Brief Synopsis of Juno: Isang kababalaghan sa nakaraan ang muling babalikan ni Demi sa bayan ng La Paz, sa probinsya ng Tarlac na...