Chapter 16: Katawan Lupa

2.2K 92 10
                                    

Nandirito kami ni Taylor at ng dalawa niyang pinsan sa may coffee shop na malapit sa hospital kung nasaan si Juno. Napagdesisyunan namin na mag relax at tumambay muna rito. Mga ilang sandali pa babalik na kami ng hospital upang balikan si Juno. Tulad sa napag usapan ay gabi namin sisimulan ang balak na pagtataboy sa masamang kaluluwa na gumagambala kay Juno. Napasulyap ako sa aking wrist watch at mag alas nuwebe na ng gabi. Ayos lang na mag tagal pa kami ng ilang sandali sa loob ng coffee shop kasi 24 hours ito.

"Sa totoo lang nakakatakot. Pero wala rin naman ibang choice." Sabi ni Taylor.

"Nasimulan na. Nandito na tayong lahat kaya wala ng atrasan. Mamaya sisimulan na namin ni Keith ang laban sa masamang kaluluwa na gumagambala kay Juno." Sabi naman ni Charles.

"Demi, make sure na wala ng ibang tao mamaya. Even Nick must be not there later. Pauwiin mo siya kahit ano ang mangyari para madali kami makapuslit ni Charles at magawa na namin ang dapat upang mailigtas si Juno." Sabi sa akin ni Keith. Tumango naman ako sa kanya.

Kanina pa kami nandirito sa coffee shop. Siguro mahigit may dalawang oras na. Nag brain storming sa plano na gagawin namin para kay Juno. Sa totoo lang nakaka-stress pero tulad nga ng sabi ni Taylor wala na rin ibang choice.

"Bakla, ano na." Biglang sabi ni Taylor sabay tapik sa balikat ni Charles.

"Ano ba huwag mo nga ako tawagin sa ganyan. Nakakailang Taylor." Naiiritang sabi ni Charles sa kanyang pinsan. Mukhang batid ko na rin kung bakit tinawag ni Taylor na bakla si Charles. Pansin ko kasi medyo malambot ang galaw ni Charles. But he never mentioned na bakla nga siya.

"Arte mo! Sino ba katext mo riyan sa iyong cellphone? Kanina ka pa type ng type riyan." Natatawang sabi ni Taylor kay Charles.

"Pakialam mo ba kasi. Usisera ka talaga. Gusto mo ilipat ko sa'yo yung kaluluwang gumagambala kay Juno." Nakangising sabi ni Charles kay Taylor.

"Aba at talagang---" hindi na naituloy ni Taylor ang kanyang sasabihin nang biglang inawat na sila ni Keith.

"Magtigil na nga kayo. Isantabi ninyo muna ang inyong mga asaran. Bumalik na tayo sa hospital." Sabi ni Keith. Sumang-ayon naman kaming lahat.

Pagdating namin sa hospital ay nakita namin ang van ni Dad. Nakasakay sa loob si Mom at Tita Heather. May natanaw din ako sa loob na parang may kasama pa silang ibang tao. Kaso hindi ko masyado mamukhaan at hindi nakabukas ang ilaw sa loob ng sasakyan. Nagmadali na kami makarating sa kuwarto ni Juno. Pagdating namin sa labas ng kuwarto ni Juno ay may nakita kami na isang nurse at isinasara ang pinto rito.

"Ah, saan po kayo?" Tanong sa amin ng nurse na babae.

"Pinsan ko po ang pasyente sa loob ng kuwarto na iyan." Tugon ko sa nurse.

"Si Ms. Juno po ba ang inyong tinutukoy?"

"Oo."

"Kung gano'n batid ko na kayo pala si Ms. Demi ang pamangkin ni Ma'am Heather na ina ni Juno. Pinapasabi po ng tita ninyo na umuwi na po kayo sa inyo dahil na discharge na si Ms. Juno kani-kanina lamang. Okay na po kasi ang kanyang sitwasyon. Tila isang himala na maituturing. Kaya maski ang doktor ay gulat na gulat din sa masiglang pangangatawan na ni Juno ngayon. Gusto pa sana ng doktor na manatili si Juno kahit isang araw sa hospital para maobserbahan ng mabuti mula sa comatose nito. Kaso si Ma'am Heather ay gusto na palabasin si Juno para makasama ninyo sa papalapit na new year. Sige, po mauna na ako." Sagot sa akin ng nurse. Bigla naman akong napatanga sa mga sinabi ng nurse. Ibig sabihin pala ay si Juno ang nakita kong nakasakay rin sa van kanina na minamaneho ni dad paalis ng hospital. Pero nakakapagtaka na biglang umayos ang kundisyon ni Juno sa kabila nang panggugulo ng kaluluwa ng babae sa kanya.

"May hindi tama." Sabi ni Keith.

"Are you sure?" Tanong naman ni Charles.

"Charles kailan ba ako nagkamali. Nararamdaman ko hindi pa rin ligtas si Juno. Maari na gising na siya sa comatose pero hindi ibig sabihin no'n ay lulubayan na siya ng masamang kaluluwa." Tugon ni Keith sa kanyang kakambal.

"Nakakatakot. Ano na ang susunod natin gagawin? Nakakaloka na ang mga nangyayari. Tapos sa amin pamilya ako lang ang nakakaalam ng totoong sitwasyon ni Juno." Nag aalala kong sabi sa kanila.

"Huwag ka mag alala Demi hindi ka nag iisa. Nandirito kami ng aking mga pinsan." Pag aalo sa akin ni Taylor sabay yakap niya sa akin nang mahigpit. Nang biglang natigilan kami lahat. May narinig kami na biglang sumabog sa loob ng kuwarto na pinanggalingan ni Juno.

"Pumutok yung fluorescent lamp!" Bulalas ni Charles.

Nakita ko naman na sumilip mula sa salamin ng pinto ng kuwarto ni Juno sa hospital si Keith. Nang biglang napaatras ito sa gulat.

"Ano ang nangyari sa'yo Keith? Okay ka lang ba?" Nag aalala kong tanong sa kanya.

"Nakita ko siya." Mahinang sabi ni Keith.

"Sino?" Nagtatakang tanong ni Taylor.

"Si Juno." Sagot ni Keith.

"Ano ang sabi mo?" Nagugulumihan kong sabi sa kanya.

"Mahirap man ipaliwanag pero isa lamang ang alam ko ngayon. Nagkapalit na sila. Tuluyan nang nakuha ng kaluluwa ng babae ang katawan ni Juno! Sagot ni Keith.

"Pero paano nangyari iyon?" Tanong kong muli kay Keith.

"Mahirap ipaliwanag. Tila isang mabigat na sumpa. Pero kanina nang may narinig tayong pumutok na ilaw sa loob ng kuwarto si Juno ang may kagagawan noon. Nakita ko rin ang kaluluwa ni Juno kanina sa loob ng kuwarto kung saan siya nanatili noong comatose pa lamang. Nababakas ko sa kanyang mukha ang sobrang pagkagalit. Galit siya kasi naagaw sa kanya ng ibang masamang kaluluwa ang sarili niyang katawan. Nararamdaman ko rin nang nakita ko kanina ang kaluluwa ni Juno ay may mabigat at madilim na awrang bumabalot sa kanya. Sumalin sa kaluluwa ni Juno ang lahat ng negatibong enerhiyang tinataglay ng masamang kaluluwang nag nakaw ng kanyang katawan ngayon. Dahil nawala na kay Juno ang kanyang katawan lupa at iba na ang kaluluwang nanahan dito ay nasa panganib na rin ang buong pamilya mo Demi!" Paliwanag ni Keith.

"Ano na ang gagawin natin?" Natataranta kong sabi.

"May naiisip na ako. Pero hindi ito magiging madali." Sagot ni Keith nang napansin kong inilabas niya at hinimas-himas ang kanyang maliit na bolang kristal sa kaliwang kamay nito.

-----End of chapter 16-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon