Chapter 18: Bolang Kristal

2.1K 84 6
                                    

"Hahahaha!" Napakalutong na halakhak ang nangingibabaw sa masamang espiritu na umagaw ng katawan ni Juno sa amin harapan ngayon.

Damang-dama ko naman ang napakalamig na simoy nitong hangin dito sa sentro ng sementeryo na siya naman naging dahilan para ginawin pa lalo ako at kilabutan.

Nakakatakot talaga ang hitsura na kaluluwa ng babaeng gumugulo kay Juno. Ang gulo ng buhok at ang dungis nitong pisngi niya. Para siyang si Sisa sa Noli Me Tangere.

"Ano handa na ba kayong lahat na makipag laro sa akin ng tagu-taguan haha?" Tatawa-tawang tanong niya sa amin lahat. Ako naman ay sobrang nasisindak na at nagtatago na lamang sa likuran nina Taylor at Charles.

"Tumahimik ka!" Suway ni Keith sa kaluluwa. Sa amin apat halatang si Keith lamang ang may pinakamalakas ang loob na humarap sa kaluluwa. Kabalintunaan naman kay Charles na kanyang kakambal na ngayon ay nararamdaman kong nanginginig dahil sa takot. Nakakaduda na talaga. Baka bakla o silahis nga si Charles. Hay, naku dibale na nga lang!

"Ang lakas naman ng loob mo binata na labanan ang isang katulad ko! Isa na akong kaluluwa na mas maraming kayang gawin. Mas makapanyarihan ako kumpara sa inyong mga mortal na nabubuhay pa sa mundo. Maliit na sugat lang sa balat ay iniinda na agad. Pero ang isang katulad kong patay na ay hindi na maari pa masaktan o mamatay muli. Kaya kung ako sa inyo umurong na kayo sa laban na gusto ninyong mangyari. O baka naman gusto ninyo talaga makipaglaro sa isang kagaya ko haha!" Saad sa amin ng kaluluwa.

"Manahimik ka masamang espiritu! Katapusan mo na!" Sigaw ni Keith sa kaluluwa ng babae sabay taas ng kanang kamay niya na may hawak sa maliit na bolang kristal. Muli ay narinig ko na naman na bumigkas si Keith ng ibang lenguwahe na tila isang orasyon na naman laban sa masamang kaluluwa. At nanlaki bigla ang aking mga mata nang lumutang sa ere ang hawak na bolang kristal ni Keith at pumunta ito sa direksyon ng masamang kaluluwa. Bigla itong nag sabog nang nakakasilaw na puting liwanag sa ere kasabay nito ang nakakakilabot na sigaw ng masamang kaluluwa.

Tumagal din ng ilang minuto ang liwanag hanggang sa unting-unti na itong nawala. Nagulat na lamang kami nang nawala na ang liwanag dahil nakahandusay na sa lupa si Keith. Nawalan ito ng malay. Agad naman namin siya nilapitan. May inilabas na boteng maliit si Charles. Inilapit niya ito sa ilong ni Keith at pinaamoy. Medyo naamoy ko rin ang amoy. Parang eucalyptus oil ito. Hindi nag laon ay nagkaroon na rin ng malay si Keith.

Nang nagising na si Keith ay pumunta muna kami sa isang convenience store. Nag kape kami.

Habang nagkakape ay hindi ko pa rin lubos maunawaan kung ano nga ba ang nangyari kanina tungkol sa liwanag na sumabog. Saka kung ano na ang nangyari sa masamang kaluluwa na gumagambala kay Juno kung nagapi ba ito o nakatakas.

"Keith, ano ba ang nangyari kanina? Bakit may sumabog na liwanag mula sa maliit mong bolang kristal? At ang kaluluwa ng babae ano na ang nangyari sa kanya?" Nagugulumihan kong sabi sa kanya.

"Huwag kang mag alala Demi tapos na. Nagapi ko na ang kaluluwang gumugulo kay Juno. Ligtas na ang iyong pinsan." Sagot niya sa akin sabay inom ng kanyang kape.

"Pero paano?" Naguguluhan pa rin ako. Bigla niyang nilabas ang kanyang maliit na bolang kristal.

"Itong maliit kong bolang kristal hinigop na niya ang masamang kaluluwang gumagambala kay Juno. Alam mo ba na maliban sa masamang espiritu na gumugulo kay Juno ay may iba pang kaluluwa o entity ang nakabilanggo sa loob ng aking maliit na bolang kristal. Kaya sobra ang ingat ko rito. Dahil sa oras na mapunta ito sa masamang kamay o mabasag ang kristal lahat ng masasamang entity na nasa loob nito ay makakawala at maaring mag hasik muli ng lagim sa sansinukuban." Paliwanag sa akin ni Keith.

"Sadyang makapanyarihan talaga ang iyong bolang kristal. Pero saan ba galing iyan?" Tanong ko kay Keith.

"Sa mga magulang namin ni Charles."

"Talaga? Paano naman nagkaroon ng ganyan napakahiwagang bagay ang mga magulang ninyo ni Charles?"

"Sa totoo lang hindi naman talaga namin pinsan si Taylor. Hindi rin namin totoong magulang ang mga nagpalaki sa amin sa Maynila. Dahil anak kami ng mga engkanto. Nabibilang kami sa uri ng engkantong tinatawag na Dalaketnon. Masamang engkanto ang turing sa mga dalaketnon. Ngunit nagkaroon ng masidhing kaguluhan sa panig ng mga diwata at dalaketnon noong sanggol pa lamang kami ni Charles. Nagkataon na may matalik na kaibigan ang totoo namin ama sa daigdig ng mga tao. Inihabilin kami ng aming ama sa taong kaibigan niya at pinama sa amin ang maliit na bolang kristal na meron ako. Nakuha ko lamang din ang kristal noong tumuntong na ako ng trese anyos. Ibinigay sa akin ito ng nakagisnan kong mortal na ama sa daigdig ng mga tao na tiyuhin naman ni Taylor. Siya ang nagsabi sa akin kung paano gamitin ng tama ang maliit na bolang kristal. Hindi naman matanggap ni Charles ang buo namin pagkatao bilang mga dalaketnon. Hindi rin naman kasi lingid sa kanyang kaalaman na masamang uri ng engkanto ang amin pinagmulan. Gano'n pa man pinalaki na disente at mabubuti ng mga magulang na nakagisnan namin sa daigdig ng mga tao kami. Iyon din ang isa sa mga dahilan kung bakit ako lamang ang humahawak sa maliit na bolang kristal. Para kay Charles kasi sumisimbolo iyon sa mga dalaketnon. Pero para sa akin tanggap ko naman ang pinagmulan namin dalawa ni Charles." Kuwento sa akin ni Keith. Tila makahulog panga ang kanyang ikinuwento sa akin. Nakakagulat lang.

"Wow." Iyon lang ang tangi kong nasabi matapos niya magkuwento.

"Hindi ka ba natatakot ngayon sa akin hehe? Tanong sa akin ni Keith.

"Bakit naman ako matatakot? Uhhhmn, siguro nga hindi ka totoong tao pero nakikita at nararamdaman kong mabait ka, kayo ni Charles. Tumutulong kayo sa mga katulad ng aking pinsan na si Juno na ginagambala ng kampon ng kasamaan. Sapat ng dahilan iyon para hindi ako matakot sa'yo Keith." Sagot ko sa kanya sabay ngiti.

Nabaling naman ang tingin ko sa kabilang lamesa kung saan nakaupo sina Taylor at Charles. Hay, as usual nag aasaran na naman ulit ang dalawa.

"Ano ba Taylor! Ang kulit mo! Sinabi nang huwag mo akong tatawagin sa ganyan! Nakakahiya at baka may iba pang makarinig!" Naiiritang sabi ni Charles kay Taylor.

"Ano ba kasi, umamin ka na nga. Beki ka no? Haha?" Pang aalaska ni Taylor kay Charles.

"Bakit ba kasi?!"

"Eh, sino iyan kachat mo sa messenger na Michael Angelo ang pangalan? Boyfie mo iyan no? Haha."

"Asar ka talaga! Mananahimik ka o ibubuhos ko sa'yo ang aking kape?!"

Dinig naman namin ni Keith sa amin lamesa ang asaran nina Charles at Taylor. Hindi naman namin mapigilan ang matawa sa mga sandaling ito.

Hay, sayang kung bakla nga naman si Charles kamukha pa naman niya si Liam Hemsworth.

-----End of chapter 18-----
Please vote and comment below. Thanks.

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon