Chapter 21: Pagdukot

2.1K 78 14
                                    

Author's note: Matagal din tayong nag back track sa time line kung saan buhay pa si Juno. Pero sa bagong update ng Juno ay babalik na tayo sa time line ng 2016. Namatay na si Juno sa chapter 20. Wala kayong dapat ipag alala. Magiging maliwanag pa rin ang lahat sa time line ng 2016 kung paano natagpuang patay si Juno noong new year. Kung nahintakutan man kayo sa back track ng time line mas susukubin kayo ng takot sa time line ng 2016.

Para marefresh ang mga mind ninyo pakibasa po ulit ang chapter 6. Iyon po kasi ang huling kabanata sa time line ng 2016 bago ko ipinost ang back track kung saan nabubuhay pa si Juno sa kuwento.

Enjoy!
------------------------------***------------------------------


July 25, 2016: Kasalukuyan na panahon.

"Napapaisip ako sa ouija board sa kuwarto ni Taylor kanina. Bakit nandoon pa iyon?" Naglalakad na kami pauwi ni Nick ngayon mula sa bahay ni Taylor.

"Alam mo naman na may sa demonyo ang bagay na iyon. Baka tama nga si Taylor it really didn't succeeded na maitapon ang bagay na iyon. Baka kusang bumalik sa bahay niya. At saka antigo na iyon diba? Sa pagkakaalam ko nagmula pa iyon sa kalolohan ni Taylor." Sagot sa akin ni Nick. Napatango na lamang ako sa kanyang sinabi. Nang biglang nag ring ang cellphone ni Nick. Sinagot niya ito. Habang kinakausap ni Nick ang tumawag sa kanyang cellphone ay biglang may huminto na itim na van. Biglang bumukas ito at may bumabang dalawang lalaki. Bigla nila hinatak papaloob si Nick. Pagkatapos ay biglang humarurot papalayo. Sa takot ko ay bigla akong tumakbo papalayo at sumigaw ng saklolo. Ngunit tila walang nakakarinig sa akin. Hindi ko rin mamukhaan ang mga biglang dumukot kay Nick kasi may mga suot na face mask. Sa taranta ko ay sinubukan kong tawagan si Taylor ngunit busy ang linya ng kanyang number.

"Damn it!" Kailangan kong ireport ito sa pulis agad. Baka kung ano pa ang gawin ng mga kidnappers na iyon kay Nick. Hinanap ko ang police hotline sa aking cellphone nang biglang natigilan ang aking kanang kamay sa pag browse ng phone book. Biglang may isang kamay na naaagnas ang lumitaw at pumatong sa kanang kamay ko. Bigla akong kinabahan at dahan-dahan binalingan ng tingin ang nag mamay ari sa kamay.

"Kumusta Demi? Haha." Ang matandang manghuhula! Sa takot at gulat ko ay bigla akong napasigaw. Hanggang sa parang nakaramdam ako ng pagkahilo. Mukhang hihimatayin pa ako sa kalye.

"Aaaaah!" Napasigaw ako nang nagising ako. Teka, nasaan ako? Bakit may suwero na nakakabit sa kanang kamay ko?

"Uy, friend buti gising ka na! Nakakaloka ka! Ano ba ang nangyari sa'yo? Bakit bigla kang nawalan ng malay sa daanan kanina?" Sunud-sunod na tanong sa akin ni Taylor nang pagpasok niya sa kuwarto.

"Nasaan ba ako?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa ospital ka ngayon. May isang rumoronda na taga baranggay ang nakakita sa'yo na walang malay at dinala ka rito sa ospital." Tugon sa akin ni Taylor.

"Alam na ba ito ni tita Heather?"

"Hindi pa. Ako pa lang ang nakakaalam. Nakita kasi ng tanod na ako raw ang huling numero na sinusubukan mong tawagan sa iyong cellphone kung kaya ay sinubukan din nila tawagan ang number ko para ipaalam ang nangyari sa'yo."

"Please, huwag mo na ipaalam kay tita Heather ang nangyari sa akin. Ayokong mag alala siya."

"Okay I won't tell her. Pero puwede ba pakipaliwanag sa akin kung ano ang nangyari sa'yo?"

"Pauwi na kami kanina ni Nick mula sa bahay mo nang biglang may humintong itim na van. At mula sa itim na van ay may bumabang dalawang lalaki na dumukot kay Nick. Pagkatapos no'n ay sinubukan kong hanapin ang number mo sa aking phone book. Hanggang sa biglang lumitaw ang matandang manghuhula sa aking harapan. Sa aking takot ay bigla akong nahimatay." Pagsasalaysay ko sa kanya.

"Seryoso ka? Nagpakita muli sa iyo ang matandang manghuhula?" Hindi makapaniwalang sabi sa akin ni Taylor.

"Oo, Taylor. Kahit ako hindi rin makapaniwala na bigla siyang lumitaw. Mukhang magiging makabuluhan ang muling pagbalik ko sa bayan ng La Paz. Mukhang hindi lamang ang misteryo ng kamatayan ni Juno ang dapat kong tuklasin pati na rin ang biglang pagkawala ni Nick."

"Oo nga pala speaking of Nick kailangan natin ito ipaalam kay aling Tessa at sa mga pulisya." Sumang ayon naman ako sa kanya.

Na discharged rin agad ako nang nagkamalay. Pumunta agad kami ni Taylor sa bahay ni aling Tessa upang ipaalam ang nangyari sa kanyang anak na si Nick. Sinamahan na rin namin si aling Tessa na pumunta mismo sa malapit na estasyon ng pulisya.

Nang kinagabihan ay dumaan muna kami ni Taylor sa isang coffee shop upang magpahinga saglit.

"Nakakaloka hindi ko pa rin lubos maunawaan kung bakit biglang nangyayari ito." Sabi ni Taylor habang nilalaro ang straw ng kanyang iced coffee.

"Maski rin naman ako. Ilang araw pa lang ako rito sa La Paz biglang may nangyayari ng ganito."

"Hindi ka pa ba hinahanap ng tita Heather mo? Alas siyete na ng gabi."

"Nag text na ako kay tita Heather. Sabi ko gagabihin na ako ng uwi kasi nasa bahay mo pa ako."

"Okay, mag chill muna tayo. Medyo stressful ang araw na ito dahil na rin sa pagkawala ni Nick. But I guess mawawala ang stress mo Demi pansamantala sa aking ipapakita sa'yo." Sabi niya sa akin na may pilyang ngiti. Bigla niyang iniharap sa akin ang kanyang cellphone. May ipinakita siyang lalaking nakatayo at naka side view habang naka topless sa facebook app niya.

"Sino iyan?" Tanong ko.

"My goodness Demi ilang taon lang tayo hindi nagkita pati ba naman si papa Keith kinalimutan mo na haha!" Tukso niya sa akin. Bigla naman nanlaki ang aking mga mata nang sinabi niyang si Keith ang lalaking nasa newsfeed ng kanyang facebook app. Sa totoo lang hindi ko na talaga namukhaan pa si Keith. Lumaki na kasi ang katawan nito. Mukhang naging gym goer na. Very fit.

"Si Keith iyan?" Hindi ko makapaniwalang sabi.

"Oo at wala ng iba. Oh, diba super guwapo na niya. Very papalicous! Kung hindi ko lang siya pinsan naku pinagnasaan ko na itong si Keith haha!" Biro niya.

"Siraulo ka haha." Natatawa kong sabi sa kanya.

"Nasaan ba siya? Bakit naka topless si Keith sa picture?"

"Hindi ba obvious? Eh di nasa beach. Nasa Subic siya ngayon. Nagbabakasyon."

"Si Charles naman?" Hindi agad sumagot si Taylor tungkol sa estado ngayon ni Charles. Biglang iniharap niya muli ang kanyang cellphone. Namilog naman ako sa aking nakita.

"What the fudge? Seryoso ba iyan?" Sa sobrang gulat ko ay nabitawan ko na ang kutsarang ginagamit sa cinnamon bread na aking kinakain. Nakakagulat naman kasi talaga ang picture ni Charles na pinakita ni Taylor mula sa facebook app na naman niya. May kasamang lalaki si Charles sa picture at magkaholding hands pa.

"Tuluyan na siyang bumigay?" Gulat kong tanong kay Taylor.

"Um-oo. Pero not totally. Hindi naman cross dresser si Charles. Manly looking pa rin naman siya. Peppermint lang naman haha."Napainom na lang ako ng kape sa mga sinabi ni Taylor.

Ang dami na talagang nag bago pagkalipas ng ilang taon. Pero bakit gano'n nang nakita ko ang larawan ni Keith parang may naramdaman akong kakaiba sa aking dibdib. Ang weird.

Nang biglang nag beep ang aking phone. Someone texted me.

"Taylor, I need to go na

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Taylor, I need to go na. May emergency lang sa bahay. I'll text you soon na lang. Okay!" Natataranta kong sabi kay Taylor. Agad ko rin nilisan ang coffee shop at tumawag ng taxi.

-----End of chapter 21-----
Please vote and comment below. Thanks

Juno (Series Vol. I Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon