"Ano na kailangan natin gawin ngayon?" Nag aalalang sabi ni Taylor.
"Kalma ka lang Taylor, okay? Matatapos din ito." Sabi naman ni Keith.
Sa totoo lang kahit ako nag aalala at natatakot na rin hindi para sa sarili ko. Pero para sa mga kaibigan. Pati sila nadadamay sa problemang kinasasangkutan ko ngayon.
"Sorry guys kung pati kayo kailangan pa madamay sa nangyayari sa akin ngayon. Kasalanan ko ito. Kung hindi ako bumalik ng Tarlac walang problema ngayon na ganito." Sabi ko sa kanila.
"Demi, don't blame yourself. We all know naman na kaya ka nandito ay para tuldukan ang misteryo sa pagkamatay ni Juno at pati na rin ni Nick. We are all in this together." Sabi ni Taylor.
"Yes, Taylor is right. Don't worry about us Demi. We are here not because we're just friends but I also care for you... I mean we care for you." Sabi naman ni Keith na napansin ko naman na medyo nautal pa at napaiwas ng tingin sa akin bigla.
"Salamat Taylor and Keith."
Noong gabing iyon ay napagpasyahan namin umalis munang tatlo sa bahay ni Taylor. We walk outside to seek for some peace of mind and to find few answers in our trouble right now. While walking I suddenly remembered one thing.
"You know what guys I think we need to play a game again." Bigla kong wika kanila Taylor at Keith. Napansin ko naman na napakunot ng noo pareho ang mag pinsan at bumaling ng tingin sa akin.
"What do you mean?" Tanong ni Taylor.
"We need to go back from where it all started." Sagot ko.
"I don't know if I will like what you are thinking right now Demi hehe." Sabi ni Taylor na biglang natawa.
"Lets go back to your house Taylor. We need to get your Ouija." Sabi ko sa kanila. Napataas na lang ng kilay sa akin si Taylor at sumunod na lang sa sinabi ko.
Nang oras na iyon ay dalidali kami bumalik ng bahay ni Taylor. Kinuha ni Taylor sa loob ng kanyang cabinet ang pinagkakatago niyang Ouija. ang Ouija na ginamit namin mismo noong tinawag namin ang kaluluwa ni Juno.
Nasa salas kami ng bahay ni Taylor ngayon. Tanging mga kandila lamang na nakapaligid sa amin ang tanglaw namin sa kadiliman. Gumawa naman si Keith ng malaking bilog gamit ang asin kung saan kami nakapaloob ngayon. Itong malaking bilog na ito raw ang magbibigay proteksyon sa amin sa kahit anong entity na maari namin tawagin sa pamamagitan ng Ouija.
"Seryoso ka ba talaga Demi sa gagawin natin? Do you really want to summon the spirits of Juno and Nick?" Kinakabahn na tanong sa akin ni Taylor.
"I need to risk now. We need to summon their spirits. Because through their spirits we will find the answers to the mysteries of their own deaths. " Sagot ko kay Taylor.
"Tama si Demi, Taylor. Bago pa man mawalan ng hininga si Juno at Nick nakakasigurado ako na nakita ng kanilang mga mata ang taong nasa likod ng kanilang pagkamatay. At pati na rin sa taong gustong pumatay ngayon kay Demi." Pagpapaliwanag naman ni Keith kay Taylor.
"Kayong bahala basta ako suportahan ko na lang kayong dalawa riyan." Pag sang ayon na lang ni Taylor.
"Hayaan ninyong ako na ang mag simula sa ritwal ng pagtawag ng kanilang mga kaluluwa gamit ang Ouija board na ito." Sabi ni Keith. Hinayaan na namin siya. Alam naman namin na hindi na bago kay Keith ang mga ganitong klaseng bagay.
"Makinig kayong dalawa sa akin. Maghahawak kamay tayong tatlo. Ano man ang mangyari walang bibitaw. Sa oras na may bumitaw maaring maputol ang panawagan na aking gagawin sa mga kaluluwa nina Juno at Nick." Tumango na lamang kami pareho ni Taylor sa kanyang sinabi. At nag simula na nga si Keith bigkasin ang kanyang ritwal para matawagan ang mga kaluluwa nina Juno at Nick. Bumibigkas siya ng mga salitang hindi ko maintindihan. Malamang ibang lenguwahe. Hanggang sa may narinig kami na putok ng baril sa bintana ng salas nitong bahay ni Taylor. Bigla kaming natigilan tatlo at binalot ng katahimikan habang nakatitig sa bintana.
-----End of chapter 26-----
Please vote and comment below. Thanks

BINABASA MO ANG
Juno (Series Vol. I Completed)
Horror(Dark Fantasy Series #1) Highest Ranks: #1 in Katatakutan 8/19/21 #1 in Paranormal 8/3/21 #10 in Katatakutan 6/12/21 Brief Synopsis of Juno: Isang kababalaghan sa nakaraan ang muling babalikan ni Demi sa bayan ng La Paz, sa probinsya ng Tarlac na...