Hmm gusto kong ipaalam sa kanila yung tungkol sa pagbalik ko sa Pilipinas. At bigla ko namang nakasalubong si Suho, magsasalita na dapat ako kaya lang naunahan niya ko.
"Hana, uhm tumawag kasi si SM.." (Suho)
"H-Huh? Ano daw sabi?"
Parang kilala ko eh noh hahaa. Bigla namang bumukas yung pinto sa tabi namin.
"oh, nandyan na pala kayo. Tara pasok kayo" (Sehun)
Pumasok naman kami ni Sehun sa kwarto nila at halos nandun silang lahat.
"Nabanggit na ba sayo ni Suho yung tungkol sa pag-alis namin?" (D.O)
"Teka pag-alis? At san naman?"
"Tumawag si SM para sa special project naming" (Chen)
"Yun ba yung tungkol sa dalawang araw kayong mawawala dito?"
"Ou, ayos lang yan maiiwan ka naman kasama si Kai eh" (Baekh)
Oh God -___- yun na nga yung problema eh, yung pag-iwan niyo sakin dito mag-isa kay Kai ay para niyo na din akong hinayaan na maiwan sa loob ng bahay na may mga mababangis na tigre. Oh common -_- I thought we're brothers and sisters right? Why are you like that to me guys???
"Yun na nga, sa dalawang araw niyong pag-iwan sakin dito mag-isa kasama yung lalaking yon ay para na ding dalawang araw na hindi ko paghinga ng maluwag"
"Hmm ganto na lang, edi wag na lang kayong magpansinan" (Xiumin)
Oo nakatulong yan eh noh -.-
"At pano namang hindi yan magpapansinan nasa loob sila ng issang bahay at konting bagay nga lang na hindi dapat pansinin pinalalaki pa nila yung issue" (Tao)
"Hindi na problema yon, kaya ko sarili ko at isa pa importante yan sa inyo. Hindi naman pwedeng kami ang maging hadlang dyan"
"Basta sinabi mo yan ah" (Lay)
"M-may gusto nga pala kong s-sabihin sainyo"
"Ano yon? Tungkol naman saan?" (Kris)
"Oo nga parang seryoso ka dyan sa sasabihin mo eh" (CY)
"Seryoso talaga toh dahil tungkol toh sa pagtawag sakin ng daddy ko. Hmm kailangan ko ng umalis dito"
"Hh? Teka bakit ka aalis? Ayaw mo na ba kaming kasama??" (Suho)
"Hindi sa ganon pero kailangan ko lang talagang umalis par---
Hindi na natapos yung sasabihin ko ng biglang bumukas yung pinto at may umeksena -_-
"Sinong aalis??" (Kai)
"Si Hana aalis daw siya, baka naman kaya mong pigilan.. hehe" (CY)
Huwaw naman!! Yan si Kai??? Pipigilan? Ako? Na? umalis??? Eh sa una pa nga lang kapansin-pansin ng gusto niya na kong mawala sa paningin niya eh. Kahit kalian hindi niya ko tinratong babae, kahit man lang na to -_- Tapos papapigilan pa kong umalis? Baka nga tulungan pa ko niyang magbalot-balot eh at ipagtulakan pa palabas ng bahay.
"Hindi niya na ko kailangang pigi---
Hindi na naman natapos yung sasabihin ko ng may........ t-teka, ano???!! Anong sinabi niya? o.o Parang nabingi ata ako sa sinabi niya..
"A-anong sabi mo?"
"Hindi ka aalis" (Kai)
At halata namang ikinagulat yon ng lahat... nganga eh!
"Teka, ano bang pakialam mo kung umalis ako o hindi"
"Sasama-sama ka samin tapos aalis ka lang biglaan.. wala ka man lang utang na loob" (Kai)
YOU ARE READING
Fighting for Love(LoversInQuarrel)
Teen Fiction(Dedicated to the best male kpop-group sensation). A very mysterious type of guy/cold-hearted/but humble guy will both fight for just a 16 year-old kind/go with the flow/simple girl.. who doesn't even care of anything that surrounded her.