(Kai: Nagising ako ng wala si Hana sa kama niya. Wala din siya sa kwarto. May sakit siya ah, bakit kung san-san siya pumupunta?)
-Nakita ni Kai si Hana sa may terrace-
"Masama ang pakiramdam mo dba? Wala ka na bang sakit?"(Kai)
"Siguro.. Okay na ko eh"
"Masyado mo kong pinag-alala kahapon"(Kai)
"Ganun ba? Salamat nga pala Kai at sorry sa abala"
"Wala yon, kamusta ka na?"(Kai)
"Hah? Anong kamusta? Magkasama lang naman tayo ah"
"Si L-luhan ang ibig kong sabihin"(Kai)
"At a-ano namang kinukumusta mo sakanya?"
"Yung sa inyong dalawa, ano ng balak mo?"(Kai)
"Ewan ko, ayokong isipin"
(Kai: Mas lalo mo lang akong napapahirapan niyan eh...)
"Mahal mo pa siya?"(Kai)
"Hindi naman basta-basta mawawala agad yun eh"
"Kayo pa din naman dba? Bakit hindi mo siya balikan? Mag-usap kayo ng tungkol sa problema niyo, para malaman mo yung gagawin mo"(Kai)
Bakit parang ngayon ipinagtutulakan niya ko kay Luhan..?
(Kai: Ang hirap para sakin na pakawalan ka pa. Sana hindi ako nagkamali ng babaeng minahal. Sana ikaw lang na para sakin.)
"Gano mo ba kakilala si Luhan?"
"Mabait si Luhan. Dati siya lang ang bestfriend ko. Hmm ang pagkakakilala ko sakanya lagi siyang nagtatago ng nararamdaman niya. Kahit sakin hindi niya sinasabi. Gano man kami katagal naging magkaibigan, konti pa lang ang alam ko sakanya. Ikaw naging kayo naman dati dba? Bakit mo sakin tinatanong yan?"(Kai)
"Wala... hindi ko lang maisip na.. nakapag-sinungaling siya sakin ng dahil sa isang babae"
"Si Krystal ba?"(Kai)
"Ang sabi niya, kaibigan lang daw niya yon"
"Hindi lahat ng pwedeng sabihin, masasabi na lang basta. Minsan kailangan munang isipin kung makakasakit ba siya ng ibang tao pag sinabi niya yon. At gaya ni Luhan hindi niya yon sinabi, kasi ayaw ka niyang masaktan. At hindi na importante yon sakanya para pag-usapan pa"(pagpapaliwanag ni Kai)
(Kai: Bakit ba parang binibida ko pa si Luhan sakanya? Dapat sinisiraan ko siya ah. Dapat lahat ng pwede kong sabihin, masasabi ko at sinasabi ko para siraan siya)
"Hindi ka ba nanghihinayang?"
"Saan naman??"(Kai)
"Sa inyo, sa friendship niyo ni Luhan"
"Bakit ako manghihinayang? Hindi pa naman tapos ang buhay ko eh. Si Luhan, para ko na din siyang kapatid... at kagaya ng kay Ken ganun-ganon pa din ang nangyari. Lagi ko siyang pinagbibigyan"(Kai)
Ano bang problema ni Luhan? Bakit sa tingin ko, willing naman makipagbati si Kai... at parang mahalaga talaga yung pagkakaibigan nila.
"Gusto mo na bang umuwi?"(Kai)
"Ayaw mo na ba ko dito?"
"Mas kailangan ka lang kasi ni Luhan. Baka mas lalo lang gumulo ang lahat..... kapag magkasama tayo"(sabay tungo ni Kai)
Bakit naman gugulo dahil kay Kai? Kaibigan ko siya. Dahil ba nagseselos si Luhan?? Kapag naging okay na ang lahat, kukumbinsihin ko si Luhan na ibalik yung dating pagkakaibigan nila ni Kai
YOU ARE READING
Fighting for Love(LoversInQuarrel)
Teen Fiction(Dedicated to the best male kpop-group sensation). A very mysterious type of guy/cold-hearted/but humble guy will both fight for just a 16 year-old kind/go with the flow/simple girl.. who doesn't even care of anything that surrounded her.