Chapter 15-Day 4

3 0 0
                                    


Hindi lang isa kundi limang books ang pinadala sakin nila mommy, para pag-aralan ko...Hindi ba nila ko masyadong pinapahirapan niyan...Ang hirap kayang mag-self study at ang kakapal pa nitong mga toh parang yung mukha nung nasa unahang kwarto ngayon...Bayaan mo na, willing naman ako eh...FIGHTING!"

-Bumaba na si Hana, kumain...at nagsimula na ring mag-aral dahil excited na syang matuto ng tagalog. Andun sya sa garden nakaupo sa may table don at dala yung mga libro niya. Tahimik kasi sa garden at medyo refreshing lalo na puro mga grass at flowers ang nakapaikot at may pool pa...pang-relax lang yung paligid niya para makapagfocus siya-

Ano kaya ang uunahin ko, yung Korean-English dictionary??? o yung Korean-Tagalog dictionary???...yung ibang mga libro kasi.....basta eto munang dalawa ang pinag-iisipan ko.

"Wag mong idepende sa dalawang libro yung kakayahan mo, isipin mo kaya mo lahat, at kung willing ka talaga lahat yan makakaya mong pag-aralan at maisa-isip...kahit ilang libro pa man yan"(Kai)

Nagsalita na naman po ang magaling.....at bakit ba sya nandito? Manggugulo na naman??? please, nag-aaral ako...sayang lang yung mga ipinahayag mo saking advice kung ikaw rin lang ang magiging dahilan para masira yon. Pabayaan mo muna ko mag-isa. Pakiusap!

-Nakita ni Hana na umalis na si Kai at sinimulan na niya yung pagbabasa...Korean-Tagalog ang inuna niya.....kahit mas importante daw ang English.....at maya-maya.....bumabalik na naman si Kai na may dalang kape at juice-

"oh, eto kape...para sayo"(binibigay ni Kai kay Hana)

"Hindi ako pinapainom ng kape...sayo na lang"(pagtanggi ko)

"May dala din akong juice, sayo na lang...ako na lang ang iinom ng kape"(Kai)

"Salamat"

"Pwede bang makiupo?"(Kai)

"Wala kong karapatang pigilan ka, pero sana naman wag kang manggugulo"

(Kai: Lagi na lang ba niyang iniisip na tuwing kinakausap, tinatabihan, tinutulungan ko siya eh lagi na lang akong manggugulo. Hindi naman ako nanggugulo ah, sadyang nag-iinit lang naman ang ulo ko sa kadahilanang siya naman ang laging nauuna at nagiging dahilan ng pagsisimula namin ng away.)

-Tinititigan lang ni Kai si Hana habang busy ito sa pag-aaral lalo na't nasa harap niya ito at quota na naman siya. Balak niyang tulungan si Hana dahil nakikita naman niyang nahihirapan itong mag-aral sa sarili niya pero nakikiramdam siya at humahanap pa ng timing...(ganyan lang naman po ang mga torpeng lalaki, yun bang pwede namang gawin na ngayon, ipagpapa-mamaya-mamaya pa, dahil.....basta kasi nga torpe...duwag.., mahina ang loob pagdating sa babae, takot ma-reject...lahat na ng kahinaan pagharap sa babae... peace hehe)-

"G-gu-gusto mong tulungan kita"(pang-aalok niya)

"Wag na, baka magkaroon pa ko ng utang na loob sayo"

(Kai: Ano na naman bang pinapalabas niya...? Sinisimulan na naman niya eh.....gusto ko lang naman siyang tulungan ah, hoy! Hana... Bakit ba ang taray mo??? Bakit ba ang sungit mo??? Bakit ba ang suplada mo??? Bakit ba napaka-maldita mo??? Kung bakit ba naman kasi ako nagtiya-tiyaga sayo...... eh bakit ba kasi kita mahal?)

"Bakit ba lagi ka na lang may sagot? Kung ayaw mo sabihin mo lang, ang dami mo pang sinasabi dyan eh"(Kai)

Ayan, ayan ang problema sakanya, ang bilis mag-init ng ulo niya, napaka-iritable niya.....ang bilis niya magsimula ng galit...Grrrrrrr!!! pasalamat ka, pinahahalagahan ko ang pagkakaibigan natin, at dahil lang yon sa mga kaibigan mo, dahil kung ikaw rin lang naman...tingin ko, mas gugustuhin ko na lang mag-isa.)

Fighting for Love(LoversInQuarrel)Where stories live. Discover now