(Time Check: 1:50pm)
(Kai: Bakit ba ganto ko kabaliw sakanya? Lahat na lang ng bagay binibigyan ko ng meaning... Kai naman, baka napagod lang siya kahapon kaya hindi pa siya nagigising.)
-Hindi mapakali si Kai, kaya naman dahan-dahan siyang pumanik dahil pinapakiramdaman niya si Hana/ Kumatok siya pero 'di ito binubuksan ni Hana. Ayaw niya sanang basta na lang buksan yung pinto, pero di siya mapakali kaya naman binuksan niya ito at nakita si Hana na natutulog pa rin at nakabalot ng kumot. Yung mukha lang nito yung nakalabas... nilapitan ito ni Kai at pinagmasdan. Napansin niyang ang init sa kwarto ni Hana kaya tinignan niya kung nakabukas ba yung aircon-
(Kai: Bakit nakapatay toh?? (binuksan niya) Ang init init tapos balot na balot pa ng kumot si Hana)
-Nilapitan niya ulit ito. Hindi niya alam pero hinipo ni Kai yung noo ni Hana para tignan kung may sakit ito, at tama nga... may sakit si Hana. Ang init init niya masyado-
"Nilalagnat ka ah.."(Kai)
-Hindi pa din gumigising si Hana. At dahil hindi niya pwedeng basta na lang pabayaan si Hana, kumuha siya ng mainit na tubig para sa bimpo na inilagay ni Kai sa noo ni Hana. Pinagmamasdan lang niya ito habang sinusuklay suklay ng kamay niya yung buhok ni Hana-
"Hana, sorry... Alam kong ngayon mo pa lang ako nagiging kaibigan pero bago pa man yon nagsisinungaling na ko sayo. Ayoko sanang itago toh, dahil ayokong magkaproblema tayo. Matagal ko ng kaibigan si Luhan. At kaya ganon na lang kami mag-away, d-dahil kay Krystal. Nililigawan ni Luhan si Krystal pero ako ang gusto niya. Hindi ko siya pinapansin... Dati nagustuhan ko din siya pero gaya nga ng ayokong masira yung pagkakaibigan namin, pinigilan ko yung nararamdaman ko... simula na lang non lagi na lang akong nagpaparaya sakanya, lagi akong talo. Hanggang sa nag-away sila, ako yung nilapitan ni Krystal. Umiyak siya sa harap ko... ang gusto niya gawin ko siyang girlfriend. Gusto niya kong gawing rebound kay Luhan, hindi ako pumayag. Ayoko pero siya yung nagpupumilit na isiksik yung sarili niya sakin, hanggang sa malaman ni Luhan na nagkikita kami. At ayon, ang tagal naming 'di nagpapansinan. Dahil lang sa grupo kaya kami nagkikita..."(Kai)
Gising ako, at hindi niya alam na nakikinig ako. Bakit ba ganto yung nararamdaman ko? Hindi ko maintindihan, magagalit ba ko? o magbabago kay Kai? Bakit ba ganyan niya kong itrato ngayon? Matagal na kong may napapansin sakanya. Ka? .bakit mo ba pinapagulo lahat?? Ano ba kasi talagang nararamdaman mo sakin???
"Alam mo, nung una... wala kong pakialam sayo at inis talaga ko sayo. Hindi naman talaga ako malapit sa babae kaya ganun siguro yung ugali ko pagdating sayo. Pero habang tumatagal... hindi ko alam pero nahuhulog na yung loob ko sayo, minamahal na kita. Sana wag mo kong ipagtabuyan, sana bigyan mo ko ng pagkakataon na tanggalin lahat ng mga masasakit na naranasan mo kay Luhan.."(Kai)
Kai? M-mahal mo ko???
-Kumilos na si Hana at umayos naman bigla si Kai-
"G-gising ka na pala. O-okay na ba yung pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Anong gusto mo? Gusto mo bang kumain? May gusto ka ba? sabihin mo lang"(concern na tanong ni Kai)
"A-anong ginagawa mo dito? Bakit.. (tinanggal ni Hana yung bimpo sa noo niya at kinuha naman yon ni Kai)"
"Ang init init mo kanina, nilalagnat ka kaya nilagyan kita ng bimpo sa noo. Oo nga pala, kailangan mong uminom ng gamut. Hinihintay lang kitang gumising kasi kailangan mo munang kumain para makainom ka na ng gamot, at para na din lumakas ka at mawala na yung sakit mo"(todo pag-aalagang sabi ni Kai)
"Hindi mo na ko kailangan gamutin"
"Nasabi mo sakin dati, hindi mo naranasang gamutin ka. Puro doktor lang yung gumagamot sayo, pero ngayon..... wag kang mag-alala hindi man ako doktor, hindi ko hahayaang lumala pa yung sakit mo"(sabay ngiti)
YOU ARE READING
Fighting for Love(LoversInQuarrel)
Teen Fiction(Dedicated to the best male kpop-group sensation). A very mysterious type of guy/cold-hearted/but humble guy will both fight for just a 16 year-old kind/go with the flow/simple girl.. who doesn't even care of anything that surrounded her.