Gumising ako ng maaga dahil baka sakaling umuwi na si Luhan. Bakit ba pakiramdam ko, hindi kami? Hindi ko pa din makalimutan yung kagabi. Dapat ba kong magalit sakanya?? Bakit naman hindi??? Ginagawa niya kong tanga. Ano bang akala niya tatahimik lang ako? Hindi na ko kagaya ng dati, malaki na ang pinagbago ko dahil sakanya. Please Luhan.. sabihin mo na sakin kung talaga bang mahal mo pa ko, para di na ko umaasa)
-Narinig ni Hana yung pinto sa kabilang pinto na sumara. Pinuntahan niya ito at tama siya, si Luhan nga yon. Binuksan niya yung pinto ng walang paalam, at nakita si Luhan na nakahiga-
"Luhan"(tawag ni Hana, pero di siya pinapansin nito)
"Luhan please, bumangon ka dyan at mag-usap tayo"
"Wala tayong pag-uusapan"(may pagka-cold na sinabi ni Luhan kay Hana)
"Kung hindi ka babangon dyan, mabuti pa maghiwalay na tayo"
-Bigla namang tumayo ang lasing na si Luhan at nakatingin lang kay Hana-
"Wag mo kong takutin"(Luhan)
"Hindi kita tinatakot Luhan"
-Bigla namang hinawakan ni Luhan ang kamay ni Hana-
"Akin ka lang, naiintindihan mo?"(Luhan)
"Alam mo, akala ko magiging Okay na tayo"
"Bakit, dahil ba kay Kai?"(sabay tawa ng mei pagka-sarcastic ni Luhan)
"Bakit mo ba siya sinasama sa usapan? Wala akong pakialam sakanya"
"Wag mo kong gawing tanga"(Luhan)
"Mas lalong wag mo kong gawing tanga Luhan"
-At ngayon, nagsisigawan na sila-
"Ano bang sinasabi mo hah?!"(Luhan)
"Mag-usap tayo pag nasa ayos ka na ng pag-iisip mo"
-Paalis na si Hana, ng biglang hawakan ng mahigpit ni Luhan ang braso nito kaya napaharap si Hana-
"Ano ba?! nasasaktan ako!"
"Nasasaktan??? Bakit? Ako ba tingin mo hindi nasasaktan? Dati nagtiis ako, lahat ng hadlang satin pinagwawalang bahala ko lang kahit gusto ko ng sumuko...pero, Hana mahal kita!"(Luhan)
"Mahal mo ko? Kaya ba pinaghintay mo lang ako dati sa wala!?"
"Hindi mo naiintindihan kasi wala kang alam!"(Luhan)
"Pwes ipaintindi mo! Kasi ikaw, pinaglaban kita. Nagmukha na kong tanga dahil pinili kita. Ilang taon din akong nagbabakasakali na baka bumalik ka. Lahat ginagawa ko para lang malaman kung nasan ka, kung Okay ka, at kung mahal mo pa ko. Dahil sayo nasira yung buhay ko. Puro ikaw lang yung iniisip ko, alam mo bang inisip kong magpakamatay dati?? Dahil 'di ko na kaya...pero lumaban ako. Hindi ko hinayaang masira lang yung buhay ko sa lalaking paasa katulad mo... Nangako ka Luhan, nangako ka... bakit hindi ka tumupad?
Naghintay ako, kahit matagal... kahit isipin nila na nababaliw na ko!! Naghintay pa din ako, hinintay pa din kita.. kasi sabi mo dadating ka. Ipinangako mong dadating ka kasi sabi mo... mahal mo ko"
"Tinanong mo ba kung anong ginawa ko? Tinanong mo ba kung anong paghihirap ang dinanas ko?"(Luhan)
"Bakit ko tatanungin? Kung alam ko naman na wala kang ginawa!!"
"Sinabi ko sayo, pinaglaban kita"(Luhan)
"Ayokong pakinggan pa yung mga kasinungalingan mo"
"Wag kang makinig kung ayaw mo. Pero gusto ko lang ipaalam sayo na pinaglaban kita. Wala kang alam kasi hindi pinapaalam ng mommy mo. Hindi mo ba alam na bago tayo magkita, kinausap niya ko?? Ayoko siyang pakinggan pero binalaan niya ko.. ilalayo niya ko sayo kapag tinuloy pa natin yung relasyon natin. At ayokong mangyari yon, ayoko na din na masaktan ka pa. Pati yung sarili mong magulang nasasaktan mo na dahil lang sakin! Halos lahat hadlang sa relasyon natin dati."(Luhan)
YOU ARE READING
Fighting for Love(LoversInQuarrel)
Teen Fiction(Dedicated to the best male kpop-group sensation). A very mysterious type of guy/cold-hearted/but humble guy will both fight for just a 16 year-old kind/go with the flow/simple girl.. who doesn't even care of anything that surrounded her.