2 ♥ First Day of School

1K 79 96
                                    

-- FIRST DAY OF SCHOOL --

5:30 AM

Alarm rings

SNOOZE


5:45 AM

Alarm rings

SNOOZE


6:00 AM

Alarm rings

SNOOZE

6:30 AM

Alarm rings

OK


"What the! 6:30 na pala, huwag naman sana ako malate nito."

I jumped out of my bed and get ready, I didn't even eat breakfast.

Pagdating ko sa may train station, hindi ko inakala na ganito pala dito pag umaga, ang haba ng pila papasok pa lang ng station, 7:30 am pa lang pero ang pila parang showing ng Iron Man, baka malate ako nito sa 9 am class ko.

After ko sumabak sa giyera, fina~lly, nakalabas na ako ng train station, pila na nga papasok, pila pa palabas.

What the heck!

Agad-agad ako tumakbo papunta sa school,

Takbo dito.

Akyat dito.

Takbo doon.

Akyat dito.

Takbo doon.

Ayan na sa wakas nakita ko na din yung classroom ko, 4th floor, Room 404.

Nasa tapat na ako ng classroom ko sa first subject ng napansin ko na sobrang pawis na pawis pala ako, paano ba naman na hindi ako pagpapawisan, hinanap ko pa 'to classroom at kanina sa loob ng train, sobrang siksikan, parang walang aircon.

Naisipan ko na magcr muna para naman magmukha ako tao kaso baka tuluyan naman ako malate. Kaya pinunasan ko na lang ng panyo ko yung nagmamantikang mukha ko at dahil sa no choice na ako, papasok na ako sa loob kahit parang galing ako sa giyera.

Dahan-dahan ko binuksan yung pinto, sumilip muna ako, tumingin ako sa teachers table na nasa harapan..
.

.

.

.

.

JACKPOT!

Buti na lang wala pa. Yes!


Pagpasok ko lahat nagtinginan sa akin, wrong move yung way ko ng pag open ko ng pinto.

"Ah eh. Hello."

Ayan lang nasabi ko at naupo na ako sa may unahan na upuan.

Balik na ulit sila sa ingay.

I am hoping na may makikilala ako today para maging kaibigan kaya lang sa kasamaang palad, wala ako katabi. Tumalikod ako at tinignan ko kung may bakante pa upuan sa likod, sa kasamaang palad ulit, wala na. Kung maaga sana ako nagising ngayon, maganda sana upuan ko.

Maya-maya narinig ko na nagsalita yung mga babae sa bandang likuran ko.

"Look at that girl!"

"Ayun ba? Cute ng porma niya"

"Yeah right! Kaso mukhang di marunong magsuklay."

"At hindi rin ata marunong magapply kahit man lang ng powder, eww grabe yung pawis."

Dahil sa nacurious ako kung sino yung kawawang babae ang pinagtatawanan nila, lumingon ako sa kanila at ng humarap ako bigla sila nagtawanan. Nagtaka naman ako, kung bakit sila nagtawanan, ako kaya yung pinagtatawanan nila? Agad-agad ko kinuha yung cell phone ko at ginamit yung front camera.

Hate Love at First Sight [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon