♀ Clint's Point of View ♀
Akala ko pa naman, dahil sunday ngayon, makakatulog ako ng mas matagal. Nandito kami ngayon sa museum ng mga bulaklak. Sinamahan namin ni Zak si Jake.
"Aren't we going home?" tanong ko.
Inip na inip na ako.
"Wait lang brad. May hindi pa tayo napupuntahan eh." sagot ni Jake.
"Bakit kasi kailangan mo pa magpanggap na mahilig ka sa mga bulaklak?" tanong ni Zak habang naglalaro sa cell phone niya.
Actually hindi lang museum ang napupuntahan namin dahil sa pambabae ni Jake, minsan umaattend din kami ng mga events such as conference and gatherings.
"Kanyang-kanya style lang yan" sagot ulit ni Jake.
"Tignan mo yung style ni Clint" dagdag ni Jake.
"Anong style ko?"tanong ko.
"Kunwari ka pa, halata naman na may gusto ka dun sa amazona na tinatawag mo" sabi ni Jake.
Wala nanaman magawa 'to si Jake. Ako may gusto dun sa babae na yun? Yes maganda siya pero, basta, ewan, hindi ko siya type, ayoko sa babae para lalake kung umasta.
"Pwede ba huwag natin pagusapan yang babae na yan? Nakakabadtrip!" sagot ko.
"Hindi nga? Ever since nameet mo yun, bukang bibig mo lagi at ngayon ayaw mo pagusapan?" pangaasar ni Jake.
Madalas ko nga bukang bibig si amazona pero puro yung mga katangahan niya at paano niya ako binabadtrip, yun yung sinasabi ko sa kanila.
"Do you like Klea??" tanong ni Jake.
"Ha? Anong tanong ba yan Jake?" sagot ko.
"Gusto mo ba daw si Klea?" sagot ni Zak at nakipag fist bump kay Jake.
Loko talaga 'tong dalawa na 'to. Ako nanaman ang nakita.
"Magtigil nga kayong dalawa! Hoy Zak! Naiintindihan ko yung tanong ni Jake, hindi mo na kailangang itranslate!"
"Akala ko kailangan ko pa itranslate sa french, nihonggo or korean eh para maintindihan mo!" pangaasar ni Zak.
"Brad naman kasi, ang simple-simple lang ng tanong namin, mahirap ba yun?" dagdag ni Jake.
Ako?
May gusto sa amazona na yun?
No way!
"Magtigil kayong dalawa, mataas kaya ang standards ko! At hindi man lang umabot sa kalahati yang si Klea!" sagot ko.
"Talaga lang? Kaya pala, lagi kitang nakikitang nakatingin sa kanya sa classroom" sabay akbay sa akin ni Zak.
Napansin pa yun ni Zak?
Hindi ko din alam kung bakit ko siya laging tinititigan, hindi ko din maintindihan yung sarili ko kasi lagi siya hinahanap ng mga mata ko, baka siguro inaabangan ko nanaman siya gumawa ng mga bagay na ikapapahiya niya.
Tama!
Yun nga yun!
Nothing more!
Tinignan ko siya ng masama at biglang tinanggal naman niya yung pagkakaakbay niya sa akin.
Bigla namang nagsalita si Jake, "Sabi na eh, impossible naman na hindi yun nakapasa sa standards mo, si Zak na nagsabi na maganda yun at based din kay Zak, lagi ka niyang nakikitang nakatingin sa kanya, it means, she caught your attention"
"Hindi lang basta maganda si Klea brad, mabait at matalino pa siya, may sense din siya kausap at napakacheerful, pwedeng-pwede iharap at pakilala kay Lolo! " dagdag ni Zak.
At tumawa nanaman silang dalawa.
"Pwede tumigil kayong dalawa? Pag hindi kayo tumigil na dalawa, baka kayo ang walang mukhang iharap kay Lolo!" sagot ko.
Tumawa lang ulit silang dalawa at nagusap ulit na parang wala akong sinabi.
"Alam mo ba Jake, para sila lagi aso't pusa pag nagkakatagpo sila" dagdag ni Zak
Ayaw talaga ako tigilan ng dalawa na 'to. At mukhang hindi din naman ako mananalo sa kanilang dalawa.
"Alam niyo naman kaya ko yung ginagawa diba, to.."
and then Jake interrupts "to make her fall in love with you?" and wear his innocent look.
"Shut up! Gusto mo bugbugin kita ngayon?" sabi ko.
Sabay tumawa ulit silang dalawa.
"Pero seriously brad, kung may gusto ka sa kanya, hindi ganyan yung dapat mo gawin, you're driving her away." dagdag ni Jake sabay akbay sa akin.
Ano ba naman 'tong dalawang pinsan ko na 'to, bnbwisit pa ako, akbay pa ng akbay, lalo ako naiirita.
At ano tingin nila sa akin? Bakit ba nila pinagpipilitan na may gusto ako dun?
Ang alam ko lang gusto ko talaga nakikita naasar si Klea, dahil pikon sya at napahiya ako dahil sa pagkakasuntok niya, idadag pa natin yung pagkakabunggo niya sa akin palagi.
Ano na lang iisipin ng mga tao sa school na kaya-kaya ako ng isang babae.
No way!
Hindi ko na alam gagawin ko, lagi ko siya binubwisit at lagi kami nagaaway, pero parang ako pa din yung laging talo.
"Tumigil kayo! I'm doing this to make her life miserable! Akala niya mapapalagpas ko yung mga ginawa at pananapak niya sa akin?" dagdag ko.
"Move on brad! Three weeks na nakakalipas since that incident." sabi ni Jake
"Oo nga brad, tigilan mo na si Klea, kawawa naman eh" singit ni Zak
No way!
Hindi pa kami tapos ng amazona na yan!
Tignan lang natin.
Gusto ko na malaman yung resulta bukas, malamang wala na kawala yang amazona na yan!
► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►
Author's Note:
Ano ba talaga Clint?
◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄
BINABASA MO ANG
Hate Love at First Sight [On-Going]
Teen FictionI have this IDEA, so I can live DIFFERENT from the life that I was brought up, until I met this guy who is insensitive, conceited and spoiled. And now, lahat ng plano ko mukhang hindi matutuloy, dahil sa lalakeng ito :(