Almost 45 minutes na ako naghihintay ng taxi dito sa may gate ng school, nilalamok at luwa na mata ko, buti na lang mabait mga guard dito sa school at sila nagaabang ng taxi sa labas ng may bumisinang sports car na yellow na palabas ng school.
Muntik na ako mapanganga sa kotse. Ang ganda, Ultimate Drive Lamborghini.
Binaba nito yung bintana ng kotse niya.
"Klea? Klea! Sabi na ikaw yan! " and he smiled.
"Zak?" natuwa ako nung nakita ko siya lalo na yung dimple niya.
"Pauwi ka na? Gusto mo ihatid kita?"
Syempre gusto ko pero nahihiya ako.
"Uhm, wag na, ok lang madami naman taxi jan, nagpatawag na ako kay manong."
Sayang na opportunity 'to, kaya lang, nahihiya talaga ako kay Zak.
"Are you sure?"
I amabout to answer ng yeah kay Zak ng bigla dumating si manong at sabi "Mam, pasensya na po, pumasok po muna kayo sa loob, papasundo ko na lang po kayo, medyo madalang po kasi ngayong madaling araw yung mga dumadaan dito na sasakyan"
Bigla tumawa si Zak,
"Hop in" utos niya
Napahiya tuloy ako, si manong kasi eh.
I shyly went inside his car. Pero thank you na din kay manong kasi ihahatid ako ngayon ni Zak. As usual ang tahimik ni Zak, nagpapatugtog sya, Boyz avenue, lalo tuloy ako inaantok.
"Zak, Thank you nga pala."
"No problem. Ikaw pa. San ka nga pala?"
"Sa Ford Residence." sagot ko
"Alright. Alam ko yun." and then ngumiti nanaman siya.
Grabe naman yung smile ni Zak, kinikilig ako.
Bigla nanaman tumahimik.
"Bakit pala nasa school ka pa?" tanong ko
"Yung mga pinamili dinrop ko na dito, since on the way naman, anyway nakita ko na pala yung sinend mo, hindi ko pa nga lang nababasa, mamaya na lang paguwi" sabay ngiti niya ulit.
Ang gwapo talaga ni Zak.
Sobra!
Tapos nalabas pa yung mga dimples niya.
"Siguro naman hindi kayo nagaway ni Clint habang gumagawa ng proposal, natapos niyo eh. Mabait naman kasi talaga yun, bipolar lang talaga." biro niya
Kung alam lang niya, tinulugan kaya ako ng magaling niyang pinsan.
"Well, I see. Super bait niya." sarcastic kong sagot.
Tumawa siya.
"Hindi kasi marunong manligaw." pabulong niya sabi.
"Ano?"
Medyo hindi ko narinig dahil ang hina ng boses niya.
"Ay wala lang yun. Nasan pala si Clint? "
"Nakatulog na siya eh." sagot ko
"Bakit hindi mo siya ginising? "
"Ayoko na din makaistorbo." pagdadahilan ko.
"Ginising mo sana para nahatid ka niya" sagot ni Zak
Buti nga at hindi ako hinatid ni yabang, kasi kung hinatid niya ako, hindi sana kami magkasama ngayon ni Zak my loves!
"No, it's ok, atska for sure, kahit naman gisingin ko yun, hindi niya ako ihahatid" sabay cross arm ko.
Nakakaasar naman, bakit ba si Clint yung topic namin?
Tumawa siya at nagsalita "What makes you think, na hindi ka niya ihahatid?"
Well, bakit nga ba?
"Mortal enemy ko yun eh at galit na galit yun sa akin, malamang mas gugustuhin niya ako maglakad pauwi kesa isakay sa kotse niya ."
"Sa tingin mo ganun si Clint?" tanong ni Zak.
"I think so?" sagot ko.
Tumawa siya.
"Hindi ka naman pala sure eh, mabait yung pinsan ko na yun, just give him a chance to show na mabait siya."
"What for?"
"Para hindi na kayo nagclaclash, lagi na lang kasi kayong nagaaway eh."
Sabagay may point din naman si Zak, kaya lang, nakakaasar naman kasi talaga yung ugali nung yabang na yun,pero since si Zak ang nagsabi, ittry ko na wag awayin si Clint.
Wish me luck!
"Ay, We're here!" sabi ni Zak.
Ang bilis naman. Hindi man lang kami natraffic? Nasan na ba yang traffic na yan kung kailangan mo? Sabagay madaling araw na din kasi.
"Sarap pag wala traffic, sana ganito na lng byahe ko everyday." then tinangal ko yung seatbelt.
"Thank you Zak, Goodnight!"
"Goodnight Klea! See you!"Bumaba ako ng kotse and waved goodbye to him
► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ► ►
Author's Note:
Hello to my first ever anonymous friend - Annah2! :)
Si Zak with his Ultimate Drive Lamborghini nasa sidebar!
◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄ ◄
![](https://img.wattpad.com/cover/10107051-288-k68175.jpg)
BINABASA MO ANG
Hate Love at First Sight [On-Going]
Teen FictionI have this IDEA, so I can live DIFFERENT from the life that I was brought up, until I met this guy who is insensitive, conceited and spoiled. And now, lahat ng plano ko mukhang hindi matutuloy, dahil sa lalakeng ito :(